Guardian Angel: "Huh? Ayoko!"
Zach: "Sige na. Makipaglaro ka na kay Tintin."
Tintin: "Sige na Itoy! Ito oh, nagluto ako para sa'yo ng Inihaw na isda at sinigang."
Guardian Angel: "Bulaklak ng Gumamela yan at dahon ng Santan! Hindi naman pagkain 'yan!"
Leah: "Ano ka ba Itoy? Siyempre kunwari lang 'yan. Sige na kumain ka na. Kunwari lang."
Zach: "Hahaha! Oo nga Itoy. Maglaro muna kayo ng bahay-bahayan diyan ng kapatid ko, tapos kami ni Ate Leah mo maglalaro din. Hahaha!"
Leah: "Ano?!"
Zach: "Maglalaro din tayo ng bahay-bahayan?"
Leah: "Sira! Anong pinagsasabi mo diyan?"
Zach: "Hahaha! Biro lang. Ito naman, masyado mong sineseryoso... Pero pwede din naman seryosohin natin... Hahaha!"
Leah: "Ewan ko sa'yo Zach. Mga pinagsasabi mo diyan! Tulungan mo na lang yung Mama mo sa paghahanda ng pagkain."
Zach: "Nakahanda na yung iba kanina pa. Aayusin na lang yung lamesa."
Leah: "Ah ganun ba?"
Zach: "Oo, parating na nga rin yung choir eh. Si Kath yata medyo mahuhuli. Tatakas pa yata sa Daddy niya."
Leah: "Nasan pala si Tita Mila at yung iba mong kapatid?"
Zach: "Ah, may binili lang kasama yung bunso namin. Yung dalawa kong kapatid naman baka mamaya pa makakauwi kasi may tatapusin daw na project sa school. Itong si Tintin lang yung naiwan."
Leah: "Ang ganda ng bahay niyo Zach."
Zach: "Ha? Hahaha! Mas matindi pa 'yan sa mga joke ko ah. Maganda? Sira-sira na nga. Anliit nga nito para sa amin. Dalawa lang yung kwarto nito, kaya tabi-tabi kaming magkakapatid matulog."
Leah: "Hindi naman importante kung malaki o maliit ang bahay, ang mahalaga sama-sama kayong nagmamahalan. Ayun ang nakakapagpaganda dito sa bahay niyo."
Zach: "Kunsabagay, tama ka naman. Kaya nga nagpapasalamat ako, dito ka na rin titira kasama ko..."
Leah: "Hay naku!"
Zach: "Hahaha! Joke lang!"
Guardian Angel: "Kuya Zach! Si Tintin pinapainom sa akin yung katas ng dahon!"
Tintin: "Sige na, para lumakas ka."
Zach: "Hahaha! Hindi ka ba naglalaro ng ganyan Itoy? Kunwari lang na iinumin mo. Ganito o...
....glug...glug.... hmmm! Sarap naman ng kape!"
Tintin: "Kuya Zach, palamig 'yon!"
Zach: "Ay! palamig ba 'yon? Hahahaha!"
Guardian Angel: "Psst.. Leah, bakit ba kailangan kasing mag-anyong tao pa ulit ako? Wala na ako sa hospital! Hindi na kailangan 'to, kasi wala naman akong mission dito sa bahay nila Zach."
Leah: "Inimbitahan nga nila tayo dito di ba? Tapos sinabi na kailangang kasama ka."
Guardian Angel: "Tatabi na lang ako sa'yo dito. Ayoko doon kay Tintin, kung ano-ano yung mga pinapagawa sa akin."
Leah: "Makipaglaro ka doon!"
Guardian Angel: "Ayoko!"
Zach: "Itoy, sige na maglaro na kayo ulit. Ayan ah, alam mo na kung paano uminom ng palamig at kumain ng bulaklak ng gumamela. Hahaha! Maglaro na kayo ng bahay-bahayan doon beh."
Leah: "Sige na Itoy, hindi ako aalis. Dito lang ako sa loob."
Guardian Angel: "Ayaw. Dito lang ako sa... huh?! Kuya Zach bakit mo ako binubuhat..."
Zach: "Dadalhin kita ulit kay Tintin!"
Guardian Angel: "Huh?! Ayookooooo.... Sandali nakikiliti ako!"
Zach: "Ambango ni Itoy! Hahaha! Paamoy nga ako ng Baby Itoy!"
Guardian Angel: "Ate Leah! Kinikiliti ako ni Kuya Zach!"
Zach: "Itoy, maglaro muna kayo ni Tintin ha? Sige na."
Guardian Angel: "..."
Zach: "Sige na please?"
Guardian Angel: "O... okay po..."
Zach: "Um! Ang kyut-kyut mo!"
Guardian Angel: "Aw! Yung pisngi ko."
Leah: "Hahaha! Bakit tuwang-tuwa ka kay Itoy, Zach?"
Zach: "Oo Leah. Ang cute ng pinsan mo. Bakit ngayon ko lang 'to nakita? Lagi mo ng isasama 'to sa choir practice ha?"
Leah: "Ha? ah....eh..... O..o sige..."
Guardian Angel: "Ayokong sumama doon! Baba mo na ako Kuya Zach!"
Zach: "Kiss muna?"
Guardian Angel: "Huh?!"
Zach: "Kiss dito sa pisngi."
Guardian Angel: "A...ayaw..."
Zach: "Sige ako na lang kikiss sa'yo... Mwah!"
Guardian Angel: "..."
Leah: "Hahaha! Nakakatawa ka Itoy! Hahaha!"
Zach: "Bakit naman?"
Leah: "Wala... wala... hahaha! First kiss kasi ni Itoy 'yon. Hahaha!"
Guardian Angel: "..."
Zach: "First kiss? Bakit?"
Leah: "Wala.... Hahaha! Sige na Itoy, maglaro ka na kasi sa labas."
Guardian Angel: "Grrr...."
Tintin: "Ako din Kuya Zach, kargahin mo ako!"
Zach: "Lika! Yah! ... Wow! Ito na pala yung favorite loveteam namin eh!"
Tintin: "Wee!"
Guardian Angel: "Loveteam?!"
Zach: "Hahaha! Oo! Loveteam. Paglaki mo Itoy, alagaan mong mabuti si Tintin ha?"
Guardian Angel: "May sarili 'yang guardian angel, hindi na ako kailangan."
Zach: "Haha! Ganun ba? Bakit... guardian angel ka ba?"
Guardian Angel: "Ahm.... opo!"
Zach: "Sus! Kaya ang cute mo Itoy eh! Haha!...
....Hiya! 'Sige na Tintin. Maglaro na kayo doon!"
Tintin: "Sige Kuya!"
Leah: "Mapagmahal ka talaga sa mga kapatid mo 'no?"
Zach: "Oo naman. Ang pamilya ko yung kayamanan ko. Kapos kami sa materyal na bagay, pero sabi mo nga, nagmamahalan naman kami."
Leah: "Halatang-halata naman na mahal niyo ang isa't-isa..."
Zach: "Pero siyempre, hindi naman tayo mapapakain ng pagmamahal lang... Katulad ngayon, naghahanap sana ako ng pwedeng bumili ng Keyboards ko."
Leah: "Huh?! Bakit mo ibebenta? 'Di ba mahalaga sa'yo 'yan..."
Zach: "Pambayad sa mga nautangan ni Mama habang nasa hospital ako. Pasalamat nga ako at binayaran ni Kath yung hospital bills, pero siyempre may mga gastos pa din. Gagamitin ko na yung naipon ko at mapagbebentahan ng Keyboards para naman makabayad kami sa utang."
Leah: "Sayang naman... Nakokonsensya tuloy ako. Kasi hindi ka naman mahohospital kung hindi dahil sa akin."
Zach: "Hayaan mo na 'yon... Pero sana bago ko mabenta 'to may tutugtugin muna sana ako..."
Leah: "..."
Zach: "Hmm....Oo nga pala Leah, yung nasa hospital ba tayo, wala ka bang nakitang papel sa mga gamit ko?"
Leah: "Papel?"
Zach: "Oo, papel. Nakatiklop yun eh..."
Leah: "Bakit? Anong nakalagay?"
Zach: "Ahm... wala naman. Sinulat ko lang kanta..."
Leah: "Ha?! Ah.... w..wala... Wala naman."
Zach: "Baka nahulog o naitapon ni Mama yun. Nawala dito eh. Pero napanaginipan ko, binigay ko daw 'yun sa'yo. Hahaha!"
Leah: "Ibinigay?"
Zach: "Oo, yung malapit na daw akong mamatay. Hahaha!"
Leah: "Ah, ganun ba... W...wala naman akong nakita... Importante ba 'yun?"
Zach: "Hindi naman, mas importante ka. Chareng.... Hahaha!"
Leah: "Hay nakooo... mga banat mo talaga 'no."
Zach: "Hahaha! Ayos lang, meron naman akong isang kopya dito nung kanta. Huwag ka munang uuwi mamaya ha! Paparinig ko sa'yo..."
Leah: "Ha?! Ah... Paparinig mo?! Yung kantang 'yon?!"
Zach: "Oh teka lang, bakit parang kinabahan ka bigla? Hahaha! Di mo pa nga alam kung ano yung kantang 'yun eh."
Leah: "Ahhmm.... Oo nga, hindi ko pa alam..."
Zach: "Basta mamaya ah, huwag ka munang umuwi. Kapag wala na yung iba, paparinig ko sa'yo tingnan mo kung maganda..."
Leah: "Ah.... Zach... maiba tayo..."
Zach: "Iniiba mo agad yung usapan ah! Haha!"
Leah: "Huy seryoso 'to, may tatanong sana ako..."
Zach: "Oh, Sige lang...Ano ba 'yon?"
Leah: "Si Kath kasi..."
Zach: "Bakit? Anong meron kay Kath?"
Leah: "Kasi di ba, sinasabi mo dati sa aming choir members na crush mo si Kath?"
Zach: "Oo nga... maganda kasi siya at yung boses niya! Aminin mo, di ba?"
Leah: "Oo... tapos may gusto rin siya sa'yo di ba?"
Zach: "Hahaha! Oo nga sinabi niya nga 'yan nung nasa hospital tayo. Kaya nga nagulat ako nun eh. Pogi ko talaga... tsk."
Leah: "Ah, ayun nga..."
Zach: "Ayun nga? Alin ang ayun nga?"
Leah: "Hindi naman sa pinapangunahan kita 'no... kaibigan ko kayo parehas ni Kath."
Zach: "O? Ngayon?"
Leah: "Bakit hindi kayo magmove further... maglevel-up?"
Zach: "Maglevel-up?"
Leah: "Bakit hindi mo siya ligawan? Ganun?"
Zach: "Hahahah! Ano ba yang pinagsasabi mo Leah?"
Leah: "Teka! Hindi ako nagbibiro, tumatawa ka agad diyan. Seryoso yung tanong na 'yon."
Zach: "Hala? Seryoso ka ba don? Hahaha! Crush lang 'yon! Wala naman 'yon."
Leah: "Huh? Oo nga... crush nga."
Zach: "Ano ka ba Leah, kapag sinabing 'crush' hindi ibig sabihin non na liligawan mo na agad yung tao. Iba kaya 'yon sa meron kang 'feelings' para sa isang tao."
Leah: "So... ayaw mo kay Kath?"
Zach: "Huh? Bakit may salitang 'ayaw', masyado naman yatang negative yung ayaw. Mas maganda siguro kung sasabihin na meron ng laman yung puso ko, ganern.... Hahaha!"
Leah: "May laman?"
Zach: "Gusto mong makita?"
Leah: "Ano? Paano?"
Zach: "Abangan.....Hahaha!"
Leah: "Hay nako Zach!"
Zach: "Basta... huwag na muna nating pagusapan 'yan."
Leah: "Zach, paano si Kath?"
Zach: "Shhh....naririnig mo 'yun?"
Leah: "Ang alin?"
Zach: "Yung puso natin?"
Leah: "Ano bang pinagsasabi mo diyan... Nakakainis..."
Zach: "Tumutunog... ang sabi 'Bagay kayo! Bagay kayo!' Hahaha!"
Leah: "Ewan ko sa'yo."
Zach: "Kapag magkatabi ka'yo ni Jerome, iba yung naririnig ko eh."
Leah: "Si Jerome? Ano naman yung naririnig mo?"
Zach: "Gangster!!! Gangster!!!"
Leah: "Uy! Umayos ka nga..."
Zach: "Haha! Pero tinupad ko yung pangako ko sa'yo ha. Inimbitahan ko si Jerome ngayon."
Leah: "Basta... maguusap kami ngayon..."
Zach: "Basta, wala pa rin akong tiwala sa kanya. Dahil sa mga sinabi ng mga taong humarang sa atin. Masyadong kakaiba si Jerome.... basta..."
Leah: "Gusto ko lang malaman ang katotohanan..."
Zach: "Huwag kang mag-alala, bibigyan ko kayo ng oras mamaya para makapag-usap kayo. Sa likod ng bahay, pwede kayong tumambay doon. Walang mga dumadaan doon kaya tahimik."
Leah: "Salamat Zach ha. Alam kong celebration mo ngayon, pero kailangan ko talagang makausap si Jerome."
Zach: "Wala 'yon... Oops......Nagtext na yung choir malapit na daw sila."
*********
Guardian Angel: "Baby?! Paano tayong magkakaroon ng baby! At bakit pusa niyo 'yang baby!"
Tintin: "Baby natin 'yang si Mingming! Ikaw yung daddy!"
Mingming: "Meow..."
Guardian Angel: "Haaa?! Hindi ko 'yan baby!"
Tintin: "Baby mo 'yan! Magtrabaho ka na! Para may pang-gatas si baby!"
Guardian Angel: "Ilayo mo yang pusa niyo!"
Tintin: "Wow! Tingnan mo Itoy o. Gustong-gusto ka ni Mingming!"
Guardian Angel: "Shoo! Shoo! Doon ka sa amo mo!"
Mingming: "....Meow!"
Tintin: "Hahaha! Go Mingming, lambingin mo si Itoy para hindi na siya masungit."
Guardian Angel: "Sandali! Ano ba itong pusa niyo! Go down! Go away!"
Mingming: "Meow...."
Tintin: "Magkamukha kayo, parehas kayong maputi! Hahaha!"
Guardian Angel: "Grrr.... sandali Mingming huwag ka ngang.... Huh?! Si Tita Marts 'yun ah!"
Tintin: "Ha? Sinong Tita Marts?"
Guardian Angel: "Ah, wala... Maglaro ka muna diyan, may pupuntahan lang ako sandali."
Tintin: "Bilisan mo ah..."
Mingming: "Meow!"
*********
Guardian Angel: "Tita Marts!"
St. Martha: "Hello Baby Angel, uhmmm... 'Itoy' na pala ngayon. How are you doing na Itoy? You look pogi in your bagong look as bata ha? Hahaha!"
Guardian Angel: "Ah, ito ba? Oo nga... nakiusap sa akin si Leah eh. Bakit po kayo nandito?"
St. Martha: "Oh you know, make tulong-tulong lang me here kay Kumareng Mila. Make dasal-dasal siya before the preparation ng food for you eh."
Guardian Angel: "Ah, Oo nga..."
St. Martha: "Anyway, wala pa naman siya... Kaya I am here to make kamusta sa'yo."
Guardian Angel: "Ito po, medyo kinakabahan ako dahil sa mga nangyayari... meron kasing pangitain na pinakita sa akin si..."
St. Martha: "Ay, huwag mo na tell sa akin 'yan. Nasabi na everything sa akin ni St. Cecilia. Haha! Grabe!"
Guardian Angel: "Ah... nasabi na po ba ni St. Cecilia?"
St. Martha: "Yes, all of it. Nachika na niya. Like yung may pa-barko and with all the waves-waves and talsik-talsik na mga tao in the sea. Di ko keri!"
Guardian Angel: "Oo nga po, Tita Marts... Nag-aalala ako, lalo na kay Leah."
St. Martha: "Trueeee! May pa-jump siya sa water 'no? Dahil doon sa kasama niya... sino ba 'yun? Si Jerome 'no? Yung kasama niyang nag-date dati sa restaurant."
Guardian Angel: "Oo nga po, siya ulit 'yon. Natatandaan niyo pa pala si Jerome."
St. Martha: "Naku, sinong makaka-forget doon sa eksena niyo there sa restaurant dati. You make sabi-sabi sa akin na maganda yung loveteam nila tapos biglang may pamention ng ibang girl si Jerome during their date."
Guardian Angel: "Oo nga po eh, si Kath. Lagi niyang binabanggit."
St. Martha: Speaking of Kath, di ba magfriends sila?"
Guardian Angel: "Opo."
St. Martha: "Wala ka bang na-notice different kay Jerome that time na nasa restaurant sila?"
Guardian Angel: "Hmmm.... na insensitive siya kasi pinaguusapan yung ibang babae during date na supposed to be about sa inyong dalawa ang topic?"
St. Martha: "Ay parang much lalim there. Narealize ko lang habang make kwento si St. Cecilia sa akin ng pangitain mo..."
Guardian Angel: "Hmm.. anong ibig niyo pong sabihin Tita Marts..."
St. Martha: "Kasi di ba, in your vision, you kita Jerome and Leah na holding hands and magkasama..."
Guardian Angel: "Ah, opo... tama... Ano naman pong meron doon?"
St. Martha: "Yes... tapos si Kath and Zach ang magkalapit?"
Guardian Angel: "Ah.... Sila nga yung magkatabi..."
St. Martha: "If that is true, then in my opinion sila ang for one another..."
Guardian Angel: "Naku, masyadong malabo pa naman natin 'yan masasabi sa ngayon."
St. Martha: "Well, korek ka naman diyan Itoy. But, naisip ko lang, I think like naman talaga ni Jerome si Leah. Kaya they are holding hands sa vision mo."
Guardian Angel: "So? Ano pong meron..."
St. Martha: "If tama ang aking thinking, if Jerome likes Leah then why make question-question niya si Leah about kay Kath during their date di ba?"
Guardian Angel: "Hmm... dahil insensitive nga siya..."
St. Martha: "Ay, parang ambabaw naman that one. Kasi if you like a person, you should have mabigat na dahilan para make saktan the person you like... Not basta-basta..."
Guardian Angel: "So, you are saying Tita Marts, na may mabigat na dahilan kung bakit nagtatanong si Jerome about kay Kath?"
St. Martha: "Korek! Di ba? What do you think? Napansin ko lang habang make kwento si St. Cecilia about doon sa pangitain. Like, magkatabi sila ni Jerome... and hindi si Kath... you know..."
Guardian Angel: "Pero, kung ganun nga yung dahilan, para saan naman kaya kung bakit siya nagtatanong about kay Kath..."
St. Martha: "...sa akin lang, base sa chismis ni St. Cecilia about diyan kay Jerome may heavy reason naman siguro siya why ganito ang mga nangyayari...Ang ganda kaya ng pangako nila sa simula, na Leah will make tulong Jerome to change and all that..."
Guardian Angel: "Sa tingin ko... si Jerome..."
"....hahaha.... Wow.... Malapit niyo ng mahulaan ah..."
Guardian Angel: "Huh?!"
St. Martha: "Eek!"
"....Nag-anyong tao ka para makipaglaro sa mga tao? Pathetic..."🔥🌑🔥🌑🔥🌑🔥🌑🔥
SHRREEKKKKK! FWOOOOVVVVV!!!
Demon Prince: "...Hello mga weak!... HAHAHA!"
Guardian Angel: "Ikaw! Isa sa pinakamaruming anghel!"
St. Martha: "Hala?! Anong want niya dito?!"
Guardian Angel: "Huwag kang lalapit!"
St. Martha: "Oo nga! I will ask Jesus to suntok you!"
Demon Prince: "..... bakit naman ako lalapit sa inyo? At wala akong balak lumapit sa mga tulad niyong mga mahihina! Mga nakikipagkaibigan sa mga tao! hehehe.... Wow! Ang cute nung bata oh..."
Guardian Angel: "Huwag mong lalapitan si Tintin!"
St. Martha: "Don't worry Itoy, I will make hampas him my kawali if lapit siya kay Tintin!"
Demon Prince: "Bakit ko naman lalapitan ang basurang pamilya ni Zach? Mga mahirap pa sa daga yang mga 'yan. Wala na ngang makain, may gana pang maghanda ngayon? Hahaha!"
Guardian Angel: "Nagpapasalamat lang sila sa mga tao at kay Big G. dahil sa pangalawang buhay na ibinigay kay Zach!"
St. Martha: "Oo nga! And You smell panghi ha! Bad breath ka din! Go away na!"
Demon Prince: "Hahaha! Nagsalita ang dakilang alila na santa! Hahaha! Pwe!"
Guardian Angel: "Grrr! Umalis ka na!"
St. Martha: "Chupi na! Kadiri ka!"
Demon Prince: "Bakit niyo ako pinapaalis, may hinihintay ako..."
Guardian Angel: "Hinihintay?"
Demon Prince: "Tama, naghihintay akong makarating yung balita..."
Guardian Angel: "Anong balita?"
Demon Prince: "Wow! Bakit ko sasagutin 'yan? Feeling close? Friends tayo?-Friends tayo? Hahaha!"
St. Martha: "Kainis ka ha! Catch mo 'to!"
Demon Prince: "Arghh! Ikaw!!! Bakit mo ako binato ng kamatis!"
St. Martha: "May blessing yung tomato, make lublob ko yon sa Holy Water kaya masakit 'no? Hahaha!"
Guardian Angel: "Umalis ka na!"
Demon Prince: "Hehehe... di bale... Okay lang, batuhin niyo ako ng batuhin. Magsaya kayo kakabato ngayon, dahil maya-maya kayo naman ang babatuhin ko ng masamang balita! Hahaha! Hanggang kailan kaya magsasaya si Zach at si Leah ngayon?"
Guardian Angel: "Ano?"
St. Martha: "Anong say nitong ugly creature na'to?"
Zach: "Leah! Leah!"
Demon Prince: "Ooh, eto na pala ang balita...Hahaha!"
Guardian Angel: "..."
St. Martha: "..."
Leah: "Bakit? Anong nangyari? Bakit takot na takot ka?"
Zach: "Si Kath... habang papunta dito, kinuha ng mga hindi kilalang tao! Kinidnap siya!"
BINABASA MO ANG
From Above
RomansaSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...