Part 4 - Ano yan, picture niya?

81 4 0
                                    


Guardian Angel: "Ano yan, picture niya?"
Leah: "Yup. Di ba hiniram niya yung cellphone ko kanina sa Cafe. Kasi titingnan daw niya sa camera yung mukha niya kung nalagyan ba ng icing ng cake...Tapos bigla siyang nagselfie. hihihi."

Guardian Angel: "Buburahin mo 'yan?"
Leah: "Hindi ah! Bakit ko buburahin? Souvenir, ganern."

Guardian Angel: "Sabi ko nga..."
Leah: "Halllaaaaaaa..... Napaka-perfect niya... bakit ganunnn..."

Guardian Angel: "Itago mo na yang cellphone mo uy! Nasa daan tayo."
Leah: "Sayang talaga, umuwi tayo agad."

Guardian Angel: "Ang galing mo eh...Hay naku...sayang ang pagkakataon. Tara na nga, bilisan mong maglakad dahil madilim na at uulan pa. Alam mo...kasalanan mo 'yan, andami mong lumafang beh. Tapos ngayon... biglang hindiiiii na sumasakit 'yang tiyan mo? Awit!"

Leah: "Malay ko bang mawawala yung sakit ng tiyan ko... Hala! tingnan mo o! Rosaryo ni Jerome!"

Guardian Angel: "Ah, oo nga, ngayon mo lang napansin? Sumabit siguro sa bag mo nung niligtas ka niya kaninang umaga sa Jeep."
Leah: "Ikaw ang may pakana nito 'no? Sinabit mo 'to sa bag ko!"

Guardian Angel: "Excuse me? hindi ko trabahong magsabit-sabit ng mga rosaryo sa mga bag ng mga babaeng walang jowa."
Leah: "Grabe ka magsalita ah! Sige, sasauli ko na lang bukas sa kanya during choir practice."

Guardian Angel: "Uy! wait lang, wait lang.... Mukhang uulan... hmmm...kikidlat din ng malakas. Sasaluhin ko muna, baka matamaan ka eh. Sumilong ka na. Magdasal ka muna."
Leah: "Ah, sige..."

..........

KRASSSSHHHHHH! BOOOOOOOMMMM!

Leah: "Hala... anlakas nga nung kidlat na yun ah."

KRASSSSSSHHHH! BOOOOOOOOOOMMM!

Leah: "Asan ka na? Alis na tayo."

KRAAAASSSSSSSSHHH! BOOOOOOMMMMM!

Leah: "Huy! Tinamaan yung poste! Iiwas ako ah. Asan ka na ba?"

KRASSSSSSSHHHHH! BOOOOOOOOOMMMMMM!

Leah: "Huh?! Teka lang... si Jerome yun ah! Bakit siya lumiko doon sa eskinita na yun?Hmmmm.... ibigay ko na kaya 'tong rosaryo niya..."

KRAAAASSSHHHHHHH! BOOOOOOOOOOMMMM!

Leah: "Huy! Grabe yung kidlat. Iiwas ako ha!... Asan ka na ba? Ahm...susundan ko lang sandali si Jerome ha. Iaabot ko lang 'tong rosaryo. Di ako lalandi promise, mabilis lang 'to. Lumiko siya doon sa ... uy. Andito ka na pala? Wala ng kidlat?"

Guardian Angel: "..."
Leah: "Oh? bakit ang seryoso ng mukha mo?"

Guardian Angel: "..."
Leah: "Hellloooooo.... May kausap ba ako?

Guardian Angel: "..."
Leah: "Sasauli ko lang 'tong rosaryo kay Jerome, umikot siya doon sa eskinita."

Guardian Angel: "Sige."
Leah: "Hay naku, ang weird mo bigla ah. Mabilis lang 'to promise. Iaabot ko lang, no landi."

Guardian Angel: "..."

****************************

Leah: Hi Jerome! Naiwan mo kasi itong..."
Guy: "Hoy! sino yan?!"

Jerome: "Le..leah?!"
Leah: "Jerome, sasauli ko lang -"

Guy: "Sabi na nga ba eh, setup to 'no! ANAK NG -"
Jerome: "Relax tol, tumutupad ako sa usapan natin. Tutor ko lang yan. Walang setup."

Guy: "Ang ayus-ayos ng usapan natin...tapos magdadala ka ng 'sisipol' sa grupo natin?"
Jerome: "Sabi ng walang ganun tol, walang nakakaalam. Wala akong pinagsasabihan."

Guy: "Hoy bata, kala mo maniniwala pa ako sa'yo? Ilang beses mo na kaming muntik ilaglag! Itumba na kaya kita dito!!!"
Leah: "Jerome!"

Guardian Angel: "And..... ACTION!"
Ale 1: "Ssssunnnooooogggg! Nasusunog yung poste!!!"
Ale 2: "Eeekkkk! Iyan yung tinamaan ng kidlat kanina!"
Ale 3: "Baka lumakas yung apoy! Tumawag kayo ng bumbero!"
Ale 4: "Yung poste doon sa dulo ng eskinita lumiliyab na din!"

Guy: "Ha!... swerte niyo bata..."
Jerome: "Tol..."

Guy: "Aabangan ko kayo, huwag kayong maglalakad ng mag-isa. Tandaan niyo yan! Tapyas ka na sa grupo bata."
Guardian Angel: "Daming satsat! Bye na Mamang panget! Alis na! Padating na ang neighborhoodssss!"

Leah: "Jerome..."
Jerome: "..."

Leah: "Jerome, Sorr..."
Jerome: "Leah, please.....go....."


——————————

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon