Guardian Angel: "Kuya?! Hello Kuya Rap-Rap! Kailangan namin ng tulong mo."
Leah: "Ahm....Ikaw po si St. Raphael, di ba?"
Doctor: "Miss, hindi po ako si Raphael."
Guardian Angel: "Talaga ba?! Nakooo Kuya Rap-Rap , bumenta na 'yan. Huwag ka ngang ano dyan! Nakapang-Korean get-up ka pa!"
Leah: "Ah, I mean.... Uh... kayo po yung Archanghel di ba?"
Doctor: "Angel? Ako?"
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap! Alam kong ikaw 'yan! May Pa-Kpop icon ka pang style, halata namang ikaw 'yan. Alam ko, kasi angel din ako. Kausapin mo na kami!"
Leah: "Uh... opo, kayo po..."
Doctor: "I don't know wh..."
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap! Alam kong nakikita mo ako! Oppa! Oppa! Kuya Rap-Rap!!!!"
St. Raphael: "NAUNSA BA KANG ANGHELA KA! GANINA RA KA BA! SAMOKAN NA KAAYO KA!"😡⚡️😡⚡️😡⚡️😡⚡️😡
KKKKKKZZZZZZZZTTTTTTT!!!
Guardian Angel: "Ahhhhhhhh!!! SORRY NA KUYA!"
Leah: "Hala!!! So nakikita niyo po ang Guardian Angel ko?!"
St. Raphael: "Hoy maliit na Guardian Angel! Huwag kang magtago sa likod ng alaga mo!"
Leah: "St. Raphael?! Ikaw nga!"
Guardian Angel: "Sorry na Kuya Rap-Rap! Emergency lang kasi! Huhuhu!"
St. Raphael: "Ang kulit-kulit mo ha! Kanina ka pa doon sa lobby! Hindi na nga kita pinapansin eh!"
Leah: "St. Raphael, bakit ganyan ang itsura mo?"
St. Raphael: "Ano pa, edi aattend ako ng costume party."
Leah: "Costume Party?"
St. Raphel: "Hindeee! May Mission ako. Tsk! Anu ba yan!"
Guardian Angel: "May Mission si Kuya Rap-Rap, nagpapagaling siya ng mga pasyente dito. Di ba kuya?"
St. Raphael: "Oo, tapos nang-iistorbo ka."
Guardian Angel: "Sorry na Kuya Rap-Rap... Sorrrryyyyyyy....."
St. Raphael: "Hmmm... Ikaw yung anghel na hinahayaang makita ng alaga niya 'no? Yung may 'special' mission?"
Guardian Angel: "Opo Kuya... Ako po 'yon..."
St. Raphael: "Ano bang kailangan niyo?"
Leah: "Ah St. Raphael, kasi meron po akong kaibigan... nasa kritikal po siyang kalagayan ngayon. Sana tulungan niyo po kaming pagalingin siya,.."
Guardian Angel: "Niligtas ni Zach si Leah, sinalo yung bala ng baril na dapat para sa kanya."
St. Raphael: "Si Zach? Yung nasa ICU room 3..."
Leah: "Opo, siya nga po. Tulungan niyo po kami St. Raphael. Nakikiusap po ako..."
St. Raphael: "Hay..."
Guardian Angel: "Bakit po Kuya Rap-Rap?"
St. Raphael: "Alam mo naman di ba?... Hindi basta-basta ganun kadali 'yon. Mahirap tanggapin kung ano ang 'kalooban ng Diyos'..."
Leah: "Nagdasal naman kami kanina... Antagal nga ng dasal ko, paulit-ulit..."
St. Raphael: "Anong nangyari?"
Leah: "..."
Guardian Angel: "Wa...wala...."
St. Raphael: "Nakita niyo na, kalooban ng Diyos yang nangyari kay Zach..."
Leah: "Andaling sabihin sa'yo no?"
St. Rapahel: "Anong sabi mo?"
Guardian Angel: "Leah, huwag mo siyang kausapin ng ganyan..."
Leah: "Bakit hindi?! Totoo naman, madaling sabihin sa inyong mga anghel, kasi hindi kayo namamatay, wala kayong kamatayan."
St. Raphael: "Ano?!"
Guardian Angel: "Leah...huwag..."
Leah: "Hindi! Hayaan mo akong magsalita. Wala akong pakilalam kung Arkanghel pa 'yan! Puro kasi kayo 'kalooban ng Diyos'! Pero hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman namin kung may namamatay kaming mga mahal sa buhay! Tama ba?!"
St. Raphael: "Ikaw anghel, alisin mo na sa harapan ko itong alaga mo..."
Guardian Angel: "Ta..tara na Leah..."
Leah: "Hindi! Hindi ako aalis dito! Dito lang ako sa chapel hanggat hindi niya pinapagaling si Zach."
St. Raphael: "Sige, dito ka matulog! Sabi na nga sa'yo na 'kalooban' yun ng Diyos, bakit ba ang kulit mo?"
Guardian Angel: "Ako na pong bahala sa kanya Kuya Rap-Rap, pasensya na po sa abala..."
St. Raphael: "Pagsabihan mo yang alaga mo na huwag magsasalita ng ganun ha! Turuan mo kung ano ang ibig sabihin ng 'Kalooban ng Diyos'! Turuan mo ha!"
Guardian Angel: "..."
Leah: "Hindi ako aalis..."
St. Raphael: "Bahala kayo diyan... ako, aalis na."
***********
Leah: "..."
Guardian Angel: "Huy... huwag ka ng umiyak..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Papakinggan din tayo ni Big G. Pero... kasi.... tama naman si Kuya Rap-Rap, may mga bagay talaga na hindi natin mababago kung yun ang kalooban ng Diyos."
Leah: "Dito lang ako sa chapel... hindi pa rin ako aalis..."
Guardian Angel: "Halos mag-iisang araw na tayo nandito, hindi ka pa kumakain..."
Leah: "Ayos lang, si Zach nga bala ng baril yung sinalo para sa akin, tapos ako gutom lang hindi ko pa matiis?"
Guardian Angel: "Oo nga pala, habang natutulog ka dito sa Chapel, dumadaan-daan si Kuya Rap-Rap."
Leah: "Anong ginagawa?"
Guardian Angel: "Wala, sumisilip lang tapos nagdadasal..."
Leah: "Hay..."
Guardian Angel: "Hanggang kailan tayo maghihintay dito?"
Leah: "Hanggang pumayag si St. Raphael na puntahan si Zach para pagalingin siya."
Guardian Angel: "Tama ka naman Leah, magdasal ka, pero dapat kumain ka rin muna baka kasi kung anong magyari sa'yo...ikaw naman yung magkasakit."
Leah: "Hayaan mo na ako, basta dito lang ako at magdadasal..."
Guardian Angel: "Sige Leah, sasamahan kita..."
Leah: "Para kay Zach..."
KREEK! BLAG!
Guardian Angel: "Si St. Raphael! Pumasok sa chapel!"
Leah: "Huh?"
St. Raphael: "Hayyy..."
Leah: "St. Raphael..."
Guardian Angel: "..."
St. Raphael: "Bakit ayaw mo muna bang kumain...?"
Leah: "Dito lang ako sa chapel... magdadasal ako... hanggang pumayag ka..."
St. Raphael: "Hindi ka aalis dito?"
Leah: "Hindi. Para kay Zach 'to, niligtas niya ang buhay ko. Kailangan niya ako ngayon..."
St. Raphael: "Hayyy...."
Leah: "..."
St. Raphael: "Sige na. Tara."
Guardian Angel: "Talaga?! Weeeeeee!!!"
Leah: "Talaga po?"
St. Raphael: "Sige na."
Leah: "St. Raphael! Salamat! Salamat! Salamat! Sorry sa mga sinabi ko sa'yo kanina..."
St. Raphael: "Ang alam ko kalooban 'to ng Diyos, gagawin ko lang ito para ipakita sa inyo na kahit ako hindi ko mapapagaling si Zach."
Leah: "Subukan po natin, pakiusap..."
Guardian Angel: "Please Kuya Rap-Rap, tingnan natin kung papayag si Big G."
St. Raphael: "Hmmm... mabuti pa, sumama kayo sa akin para makita niyo na talagang susubukan ko siyang pagalingin... Ikaw anghel, mag-anyong tao ka na rin."
Guardian Angel: "Ako? Bakit?"
St. Raphael: "Para madamayan mo ng maayos si Leah..."
Leah: "Bakit? Ano bang mangyayari?"
St. Raphael: "... basta... sige na anghel, mag-anyong tao ka na..."
Guardian Angel: "Ah... Sige po, tutal kayo naman nagsabi... hehehe."
Leah: "Mag-aanyong tao ka?!"
Guardian Angel: "Oo. hehehe. Eto naaaa...."✨🧑🏼✨🧑🏼✨🧑🏼✨🧑🏼✨
Guardian Angel: "Dyaraaannn!"
Leah: "Hala!"
St. Raphael: "O?"
Guardian Angel: "Bakit Kuya Rap-Rap?"
St. Raphael: "Anong nangyari sa mata mo? Bakit hindi parehas Blue 'yan? Bakit Green yung isa?"
Guardian Angel: "Ah... oo nga po eh, simula nung mission ko kay Leah, at pwede niya akong makita at makausap... kulay Green 'yan sa tuwing susubukan kong mag-anyong tao. Hindi po nababago..."
St. Raphael: "Ah..."
Leah: "Oo nga no? kulay green..."
St. Raphael: "hmmmm....."
Guardian Angel: "Bakit po?"
St. Raphael: "Wala... wala...Tara! kumain ka muna Leah..."
Leah: "Wala na tayong oras!"
St. Raphael: "Paano mo nalamang wala ng oras? Meron pa! Bukas pa siya ma..."
Leah: "Ano?!"
Guardian Angel: "Bukas?! Anong mangyayari bukas?"
St. Raphael: "Wala...wala... sige na... tara na. Kumain ka muna Leah. Merong nabibilhan dito ng Samyang at Ramyeon or gusto mong mag-Samgyupsal muna?"
Leah: "Anong mangyayari bukas?!"
St. Raphael: "Wala ng puro tanong... Kumain ka muna Leah, at ikaw 'Itoy' huwag kang makulit kapag ganyan ang istura mo ah..."
Guardian Angel: "Itoy?! Kuya Rap-Rap, pambata yang tawag na yan eh..."
St. Raphael: "Eh bata yang anyo mo! Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Bruno?"
Leah: "Sige na. Kakain na ako... Pero pagkatapos, puntahan agad natin si Zach..."
St. Raphael: "Sige...pero tandaan mo, ipapakita ko lang sa'yong kalooban talaga ito ng Diyos sa kanya..."
Leah: "..."
************
BIP.........BIP..........BIP.........BIP........
St. Raphael: "Ayan... Leah, Itoy, huwag kayong maingay baka makita tayo ng nurse na nandito tayo sa ICU..."
Zach's Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap! Kuyaaaa!"
Guardian Angel: "Bunso! Kamusta si Zach?"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaaa..... 'yun po siya..."
Guardian Angel: "Si Zach..."
Leah: "Zach..."
BIP.........BIP..........BIP.........BIP........
St. Raphael: "Mabagal ang tibok ng puso niya, kritikal ang kalagayan niya ngayon."
Zach's Guardian Angel: "Opo kuya... papagalingin niyo po ba siya?"
Guardian Angel: "Nagdasal kami ni Leah ng taimtim kay Big G... susubukan namin..."
St. Raphael: "Kayong mga anghel... alam niyo naman di ba? Ganito ang buhay ng mga tao..."
Guardian Angel: "Opo..."
Zach's Guardian Angel: "..."
Leah: "Zach..."
BIP.........BIP..........BIP.........BIP........
St. Raphael: "Sige, sismulan ko na... tumabi muna kayo, kailangan kong hawakan ang dibdib ni Zach at itapat ang mga palad ko sa kanyang puso."
Guardian Angel: "..."
Zach's Guardian Angel: "..."
Leah: "..."
St. Raphael: "Lord God... Thy will be done..."✨💉✨💉✨💉✨💉✨
ZHIIIIIIINNNGGGG! ZHIIIIIIIIINNNNNGG!
Guardian Angel: "Walang nangyayari..."
Leah: "Zach...please..."
Zach's Guardian Angel: "..."
Zach: "..."
St. Raphael: "...annyeong. Zach? Annyeong! Zaaacchh!!!"
Leah: "Huh?! Bakit? Anong nangyayari?!"
Zach's Guardian Angel: "Zachhh! Huhuhu!"
Guardian Angel: "Bakit po Kuya Rap-Rap?!"
St. Raphael: "Wala lang... eme-eme lang."
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap!!!"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaaa...."
Leah: "Ano ba St. Raphael?!"
St. Raphael: "Wala nga, ayaw nga! Hindi nga gagaling si Zach dahil 'Kalooban' nga ng Diyos 'to!"
Leah: "Ulitin mo please...please..."
St. Raphael: "Hay..."
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap... please!"
St. Raphael: "Okay... okay..."
Guardian Angel: "..."
Leah: "..."
Zach's Guardian Angel: "..."
St. Raphael: "Lord God... Thy will be done..."✨💉✨💉✨💉✨💉✨
ZHIIIIIIINNNGGGG! ZHIIIIIIIIINNNNNGG!
Guardian Angel: "..."
Leah: "..."
Zach's Guardian Angel: "..."
St. Raphael: "Sorry...."
Zach: "..."
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...