Guardian Angel: "Zzzzz...."
Zach: "Zzzzz...."
St. Cecilia: "Totoo ba 'to? Nakakashock ha? Natutulog si Itoy, pwede ba 'yon?"
St. Valentine:
"Anghel Dela Guardia, tunay na tagapagbantay,
sa bawat oras laging tanglaw, laging gabay.
Ngayo'y natutulog, bakit nakahimlay?
nararapat bumangon, tulong ay ibigay.
Iginugupo ang sarili kung magpapatuloy,
Santa Cecilia, gisingin natin si Itoy.
Sa kanyang palad nararapat magdaloy,
tulong at grasya, tuwing may panaghoy."
St. Cecilia: "Hindi naman sila natutulog ah. Mga anghel sila, 24/7 dapat nakabantay sila sa mga alaga nila..."
St. Valentine:
"O, Santa Cecilia pagmasdan mo,
Gintong sinulid umaandap, pabugso-bugso!
Mula sa puso ni Zach, ngayo'y dapat mapagtanto,
matinding pagkislap anong kahulugan nito?"
St. Cecilia:
"O St. Valentine, anong kemberlu?
Sandali lang ako'y nalilitu!
Tigilan mo ako sa pagiging makata mu
Kainis ka, dumadagdag ka sa sakit ng ulu...
...hay nakooo, nakaka-istress na nga yung ganap, dumadagdag ka pa sa mga patula mo diyan."
St. Valentine: "Ito talaga! Ang sabi ko yung gintong sinulid! Nagliliwanag!"
St. Cecilia: "Ay! Oo nga, kakaiba yung pagkislap ng sinulid ngayon. Ano kayang ibig sabihin?"
St. Valentine: "Hmmm..."
St. Cecilia: "Sandali! Naririnig mo ba 'yon? Anlakas ng tibok ng puso ni Leah pagkatapos siyang tanungin ni Kath tungkol kay Zach!"
St. Valentine:
"Oo nga, pagpintig ng puso'y lumakas, siyang tunay!
Puso ni Zach nagliliwanag din, sumasabay!"
St. Cecilia: "Huh?! Ano 'to!"
St. Valentine: "Si Itoy!"
St. Cecilia: "Anong nangyayari?!"
St. Valentine: "Ang liwanag!"✨🌍✨🌍✨🌍✨🌍✨
KKZZZZIIINNNNNGGG!!!
Guardian Angel: "..."
"....Itoy...."
Guardian Angel: "Huh?! Asan ako?"
".....Itoy!...Itoy!...."
Guardian Angel: "Bakit andilim?! Sino kayo?!.... A...Ate Cess? Tito Val? Naririnig ko kayo, pero hindi ko kayo makita? Nasaan ako?"
"....Itoy!...nandito ka pa rin sa hospital, katabi mo pa rin si Zach na natutulog. Nakayakap ka pa rin sa kanya..."
Guardian Angel: "Anong nangyayari? Bakit ako nandito?"
"...Hindi namin alam Itoy, pero sa tingin namin ni St. Valentine may kinalaman yung sinulid na nagdurugtong sa puso ni Zach at ni Leah. Nagliwanag yung puso ni Zach kanina, tapos napansin naming tulog ka. Hindi ka namin magising dito sa hospital."
Guardian Angel: "Huh? Pwede ba 'yon? Hindi naman ako natutulog... Anghel kaya ako..."
"...Tulog ka dito sa loob ng hospital... nakadikit yung ulo mo sa puso ni Zach...teka... baka nasa loob ka ng puso niya?"
Guardian Angel: "Imposible naman 'yan Ate Cess...paano naman mangyayari 'yon..."
"...charot ko lang 'yon Itoy... di ko rin alam..."
Guardian Angel: "Tito Val, ano sa tingin mo?"
"... Anghel ng Diyos, di ko rin alam ang nangyayari...
....kahit anong isip, di mawari...
....Ngunit ating kahilingan sa pagsusuri...
....dasal ay hiraya manawari..."
Guardian Angel: "Oo nga Tito Val, hindi ko rin maintindihan kung anong nangyayari... wala naman kasi akong nakikita... sandali... ayun... may paparating na liwanag!"✨❗️✨❗️✨❗️✨❗️✨
KRAKKKKKKTTT! SHRRRRIIINNNNGGG!!!
Guardian Angel: "Huh?!"
St. Gabriel: "Magalak ka! Kinalalulugdan ka ng Diyos munting anghel! Hehehe!"
Guardian Angel: "Kuya Gab!"
St. Gabriel: "Apir!"
Guardian Angel: "Kuya Gab! Hahaha!"
St. Gabriel: "Itoy!.... 'Itoy' 'di ba ang tawag nila sa'yo ngayon sa daigdig? Bagay sa'yo yung palayaw na ibinigay ni St. Raphael! Hahaha!"
Guardian Angel: "Opo Kuya Gab, Itoy po."
St. Gabriel: "Kamusta ka naman?"
Guardian Angel: "Okay lang po! Kala ko kung ano na yung nangyayari. Buti dumating ka, kinabahan ako kasi biglang dumilim."
St. Gabriel: "Ah, Oo! Hahaha! Hiningi ko lang ang pagkakataong ito sa Diyos para makausap ka Itoy. Tamang-tama, napagbigyan ang panalangin ko nang lumapat ang ulo mo sa dibdib ni Zach."
Guardian Angel: "Kahilingan na makausap ako? At teka lang, bakit kailangang kay Zach? Hindi ko maintindihan Kuya Gab."
St. Gabriel: "Yung gintong sinulid na himala ng Diyos upang magising muli si Zach ang dahilan kung bakit tayo nakakapag-usap ngayon. Magkakonekta ang puso nilang dalawa, kaya pintig din ng puso ni Leah ang naririnig mo..."
Guardian Angel: "Ibig sabihin, tungkol kay Leah ang ibabalita at ang ipinagdasal niyo para makausap ako?"
St. Gabriel: "Tama Itoy!"
Guardian Angel: "Wow! Mensahe! Galing kay Big. G! Good News ba 'to tungkol kay Leah Kuya Gab?"
St. Gabriel: "Natutuwa akong nabigyan ako ng pagkakataong makausap ka Itoy. Pero ang dala kong balita ay kinakailangan ng matinding atensyon."
Guardian Angel: "Hala bakit naman? May panganib ba?"
St. Gabriel: "Yun na nga Itoy, may problema..."
Guardian Angel: "Problema? Ano po?"
St. Gabriel: "Habang nasa langit ako, nakikita ko yung mga nangyayari. Alam ko naman na medyo kumplikado ang sitwasyon mo ngayon dahil sa mission mo kay Leah. Nagtanong ako sa Diyos, at sinabi Niya sa akin ang mga mangyayari."
Guardian Angel: "Ibig sabihin, alam niyo na po ang mission ko?"
St. Gabriel: "Tama, isa ako sa mga nakakaalam."
Guardian Angel: "Ano po pala yung sinasabi mong mangyayari?"
St. Gabriel: "Sinabi Niya sa akin ang ilang bagay, at doon ko nalaman ang kakaharapin ni Leah, kaya kinausap ko Siya kung maaari bang sabihin sa'yo ang mga 'to."
Guardian Angel: "Sasabihin mo sa akin ang lahat ng mangyayari Kuya Gab?"
St. Gabriel: "Hindi naman natin malalaman ang lahat Itoy, ang nalalaman lang natin ay yung mga bagay na makakatulong sa mission natin para sa ikabubuti ng mga tao. Kaya ilang bagay lang ang masasabi ko sa'yo."
Guardian Angel: "Kung tungkol ito sa mission ko Kuya Gab, nahihirapan po talaga ako."
St. Gabriel: "Tama Itoy, narito ako para tulungan ka sa mission mo dahil alam kong mahirap. Katulad niyan, hindi mo kayang makipag-usap sa ibang anghel di ba?"
Guardian Angel: "Oo nga Kuya Gab, pero para sa mission ko kay Leah at sa ikabubuti niya handa akong magsakripisyo..."
St. Gabriel: "Hinahangaan kita dahil diyan Itoy! Kaya mo pa ba?"
Guardian Angel: "Opo, para kay Leah."
St. Gabriel: "Magaling!"
Guardian Angel: "Nagsabay pa kasi yung dalawang mission na 'to.... ang sakit sa ulo! Hmp..."
St. Gabriel: "Grabe ang mission mo 'no? Biruin mo, kailangang bantayan mo ang puso ni Leah at kinakailangan din maging instrumento siya para mabago ang isang tao. Dalawang bagay... kaya napakahirap."
Guardian Angel: "Hinahayaan akong makausap si Leah dahil malaki ang magiging parte ko para baguhin ang isang taong makikilala niya, pero tinanggal naman sa akin ang kakayahang makausap ang ibang mga anghel na tagapagbantay dahil makakaapekto 'ito sa lalaking iibigin ni Leah."
St. Gabriel: "Totoo naman Itoy, kung nakakausap mo ang lahat ng Guardian Angels, at hinahayaan kang kausapin si Leah ng walang hadlang, hindi na puso ang iiral sa lahat ng magiging desisyon niya sa pagpili ng taong iibigin. Lahat na lang ng ikikilos niya ay nakabase sa kung anong sasabihin mo at ng mga anghel na nasa paligid. Mawawalan ng saysay ang ibinigay ng Diyos na 'kusang-loob' sa mga tao, kung saka-sakaling idinidikta lang ng mga anghel kung anong mangyayari sa lahat ng bagay, at kung may kabuuang kapangyarihan silang gawin ang nais nila para sa mga tao. Mawawalan ng lugar ang kalayaang magmahal."
Guardian Angel: "Naiintindihan ko po. Ang tunay na pag-ibig ay ang kusang pagbibigay ng sarili sa iba ng hindi pinipilit."
St. Gabriel: "Tama. Kaya nga nakakatuwa ka Itoy, dahil tinaggap mo ang napakahirap na misyong ito. Akalain mo, kailangang mabago ni Leah ang isang tao at kailangang mahanap rin ng alaga mo ang iibigin niya? Naging magkasabay pa ang mission mo ah!"
Guardian Angel: "Oo nga po eh, buti na lang talaga tinulungan ako ni Mama Mary nung makita ko si Jerome na hawak yung rosaryo habang nasa Jeep. Naramdaman kong siya na yung isa doon sa mission ko kay Leah."
St. Gabriel: "Nalilito ka pa rin 'no?"
Guardian Angel: "Opo, hindi ko alam kung si Jerome ba yung taong dapat baguhin o yung taong iibigin ni Leah habang buhay...or both. Hahaha!"
St. Gabriel: "Ano bang nararamdaman mo?"
Guardian Angel: "Magaan po ang loob ko kay Jerome nung nakita ko siya... pero ngayon, nagiging kumplikado na ang lahat para kay Leah at sa kanya... hindi ko alam."
St. Gabriel: "Dumagdag pa si Zach 'no? Hahaha!"
Guardian Angel: "Kuya Gab! Andaya mo! Pahingi ng clue!"
St. Gabriel: "Hahaha! Nakakausap mo pa si Leah ng direkta kaya hindi pwede, kasasabi pa lang natin di ba? Na kapag sinabi ko sa'yo, maapektuhan yung mga desisyon niya. Pagmamahal pa ba 'yon kung alam ng mga tao kung sino ang makakatuluyan nila sa hinaharap? Kung ididikta ng Diyos ang lahat ng mangyayari?"
Guardian Angel: "Hay naku Kuya Gab!"
St. Gabriel: "Hahaha! Hindi ko rin alam ang lahat 'no! Huwag ka ng magtampo diyan!"
Guardian Angel: "Si Big G. kasi, may Jerome na nga, tapos biglang may Zach pa na may pahimala at sinulid effect! Nalilito tuloy ako."
St. Gabriel: "Hayaan mo lang magmahal si Leah Itoy... Hindi natin kailangang banggitin sa mga tao kung sino ang kanilang dapat ibigin. Pero huwag ka rin namang mag-alala dahil hindi naman nawawala ang tulong ng langit sa inyong dalawa ni Leah. Lahat ng mga makakatulong sa inyong mga santo ipinapadala niya."
Guardian Angel: "Buti na lang talaga..."
St. Gabriel: "Kaso lang dito pumasok ang problema Itoy... kaya ako naririto."
Guardian Angel: "Oo nga Kuya Gab, ano po ba yung problema?"
St. Gabriel: "May gagawin si Leah na ikalalagay niya sa panganib."
Guardian Angel: "Kuya Gab! Sabihin niyo! Para mapigilan ko!"
St. Gabriel: "Pangitain."
Guardian Angel: "Po? Pangitain?"
St. Gabriel: "Sa isang pangitain maipapakita ang lahat."
Guardian Angel: "Nasaan? Nasaan na yung pangitain?"
St. Gabriel: "Sa tunog ng puso ni Leah..."
Guardian Angel: "Ha? Paano?"
St. Gabriel: "Nasa plano ng Diyos ang lahat upang mangyari ang pagkakataong ito Itoy. Hindi pa nagsisimula ang pangitain. Nakasalalay ang pangitain kay St. Cecilia at St. Valentine."
Guardian Angel: "Huh?! Sila? Ano namang gagawin nila?"
St. Gabriel: "Kasalukuyang nasa loob sila ng hospital ngayon; si Leah habang kausap si Kath, at si Zach habang kayakap ka. Kailangan lang pakinggang mabuti ni St. Cecilia at St. Valentine ang tunog ng puso ni Leah at ni Zach, sa pamamagitan ng tunog ng mga pintig na ito makakapagbigay sila sa atin ng salin na mga salita para lumabas ang pangitain. Ako naman ang gagabay sa'yo habang nangyayari ang magaganap na pangitain."
Guardian Angel: "Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari... natatakot ako sa makikita ko Kuya Gab."
St. Gabriel: "Dininig ng Diyos ang panalangin natin, kaya nangyayari ito Itoy... Para ito sa alaga mo at sa mga taong nakapaligid sa kanya."
Guardian Angel: "Pagbubutuhin ko Kuya Gab! Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay ni Big G. sa atin."
St. Gabriel: "Kakausapin ko lang si St. Cecilia at si St. Valentine..."
"....haler! Hindi na kailangan... Hihihi! Nasagap ko ng lahat ng mga sinabi niyo mga friendships!...."
"....Sir Gabriel! Si St. Cecilia kasi, sabi makichismis daw kami..."
".....hala? nagturo ka pa ha? Eh nakinig ka din naman...kaloka..."
".....sorry Sir Gabriel kung nakinig kami..."
St. Gabriel: "Ayos lang! Hahaha! Mas mabuti nga 'yan hindi ko na kailangang ulitin lahat. Alam niyo na ang gagawin niyo?"
"....Roger that St. Gabriel! Papakinggan namin yung puso nila then itratranslate namin into words..."
"....Ikaw na ang makinig St. Cecilia, sabihin mo sa akin, at ako na ang magsasabi kay Itoy para malinaw ang pangitain mula sa mga gagamitin kong mga salita..."
St. Gabriel: "Alright! Ready na pala tayo! Everything is set!"
Guardian Angel: "..."
St. Gabriel: "Oh Itoy, mukhang kinakabahan ka ah."
Guardian Angel: "Opo Kuya Gab, kinakabahan ako sa makikita ko..."
St. Gabriel: "Kailangang gawin natin ito para sa alaga mo Itoy, nawa'y lahat ng makikita mo'y magbigay sa'yo ng mga hakbang na makakatulong kay Leah."
Guardian Angel: " Handa na po ako Kuya Gab."
St. Gabriel: "Handa na ba kayo St. Cecilia? St Valentine?"
"..... Okay to go!...."
"...Handa na kami..."
St. Gabriel: "Let's do this!"
Guardian Angel: "..."

BINABASA MO ANG
From Above
Roman d'amourSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...