"Oh, gising ka na pala, Ms. Fresh Daisy!" Humalakhak ang kapatid ko nang makita akong papalapit sa kanya.
Sabado ngayon at wala akong pasok. Ewan ko ba kung bakit nandito pa si Huean at hindi pa pumasok sa trabaho.
"Fresh natin, ah!" Pang-aasar niya ulit sa akin nang makaupo ako sa mesa sa tapat niya.
Ambang babatuhin ko siya ng pandesal ngunit bumuntong-hininga na lang ako sa kanya at nag-iwas ng tingin.
"Alam kong haggard ako, Huean. No need to stress that out."
"Pero ang ganda mo pa rin, Ate. Siyempre, kapag sasabihin kong pangit ka, pangit na rin ako. Magkapatid tayo, e!" Humalakhak siya bago uminom ng kape.
Umiling na lang ako sa kanya at ipinokus na lamang ang atensyon sa pandesal at gatas sa aking harapan.
"By the way, si Doc. Encienzo nagwala raw sa isang bar kagabi. Nabalitaan mo ba iyon, Ate?"
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. "Ba't mo alam?"
"Siyempre nasa dyaryo, e!" bulalas niya.
"Bakit daw nagwala?" Uminom ako ng gatas at umarteng hindi ako masyadong interesado kay Count.
Umiling siya sa akin at inilapag ang kanyang mug. "Hindi nakastate sa dyaryo, e. Halatang para may mailabas lang."
"Hindi naman siya artista para maging balita sa dyaryo."
"Even if he's not a celebrity, his actions would still be a big deal because his father is a politician. Nanunungkulan sa gobyerno kaya ang komplikado."
Tumatango-tango ako sa kapatid ko. May point siya.
"Teka nga, matanong ko lang. Paano kayo naging magkaibigan ni Doc. Encienzo? Parang kailan lang ang init ng loob mo sa kanya tapos makikita kong hinatid ka niya rito."
"Casual friends lang kami. Nagkakilala kami sa Club Tropicana. Palagi kasi iyong pumupunta doon."
"So, sa ngayong level casual friends pa lang kayo. Next level na ba niyan friends with benefits?"
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin kaya agad siyang humalakhak. Why does he find everything so funny? Wala namang nakakatawa. O seryoso lang talaga ako?
"Stop the teasing between me and that vet, Huean. Ikaw na nga ang nagsabi na may girlfriend na iyon 'di ba?"
Agad siyang sumeryoso. "Ito naman joke lang naman, e. Tsaka kung type mo Ate, I won't judge. Siguro kung babae ako magpapakamatay talaga ako kapag hindi ko naging groom si Doc. Encienzo."
Natawa rin ako sa kanyang sinabi. "Shut up, Huean. Pumasok ka na nga!"
Kaya lagi kaming nagkakasundo ni Huean dahil kahit na napakapilyo at minsan ay walang sense kausap, matatawa ka rin sa mga pinagsasasabi niya.
"Oo na, Ate! Masyado kang atat mapag-isa!" Tumatawa niyang saad habang nagsusuot ng medyas.
"Huean 'di ba noong isang araw pa iyang medyas mo?"
Agad siyang umiling sa akin. "Hindi, madami ako nito."
"Hindi? Hindi ka nagkakamali, Ate kako!"
"Grabe ka naman sa akin, Ate. Anong tingin mo sa akin walang pambili?"
Humalakhak ako sa reaksyon niya.
"Makikita mo na ulit iyong admirer mo tapos malalaman niyang hindi ka nagpapalit ng medyas araw-araw. Matuturn-off iyon!"
"Edi maturn-off siya! Wala akong pakialam. Buti nga, e!"
Humalukipkip ako at pinagmamasdan kapatid kong nagsusuot na ngayon ng sapatos.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Художественная прозаAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...