Pakiramdam ko ay para akong patay na naglalakad sa campus ngayon. Tiningnan ko si Adea at bumuntong-hininga ako nang makita siyang nakatingin din sa akin.
Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko ngayon dahil wala akong tulog kagabi. Para akong nablangko ngunit pinipilit ko pa ring maging masigla dahil kailangan kong ipasa ang pagsusulit namin ngayon.
"Good morning, Fritzie!"
Nagulat ako nang may biglang nag-abot ng rosas sa akin habang nakatungo ako at nakatitig lang sa semento.
Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang isang lalaking moreno na mas matangkad sa akin ng kaunti. Marami siyang balbas sa mukha at medyo mataba ng kaunti ngunit may hitsura naman sa kanyang pagiging mestizo.
"Khalil...magandang araw din," saad ko at pinilit na ngumiti kahit na mabigat ang pakiramdam ko ngayon.
"Tanggapin mo ito, Fritzie." At inabot niya ulit sa akin ang isang piraso ng rosas.
"Wala ka bang gagawin sa susunod na Linggo?"
Tinanggap ko ang rosas at agad na ngumiti sa kanya ng pilit. "Mayroon, e."
"Actually, wala siyang gagawin, Khalil. Ano bang plano mo sa bestfriend ko?" sabat ni Adea kaya agad na dumapo ang tingin ko sa kanya at pinanliitan siya ng mga mata.
"Explore! Hindi ka magkakajowa kung takot kang makipaghalubilo sa mga lalaki," bulong niya sa akin habang nakatitig kay Khalil.
"Gusto ko sana siyang yayain. May gig kasi kami sa Tipsy Chick. Kung okay lang sa kanya," wika ni Khalil kay Adea.
Tiningnan lang ako ni Adea na parang hindi na niya kayang sumagot sa sinabi ni Khalil kay nilingon ko na lang siya at nginitian.
"Pwede naman tayong lumabas ngunit huwag lang magpapagabi."
Nag-iwas siya ng tingin at nakita kong ngumiti siya dahil sa sinabi ko.
"Mag-aadjust ako basta ikaw," bulong niya sabay kamot sa ulo.
"Uh, sige...bigay mo na lang sa akin iyong number mo."
"Wala akong phone, e."
"Itong akin na lang," prisinta ni Adea at inabot kay Khalil ang kanyang cellphone.
Nang matapos niyang itipa ang numero ni Adea sa kanyang cellphone ay agad siyang ngumiti sa akin at itinuro ang kanilang building.
"Papanhik na 'ko. Magtetext lang ako kay Adea kung saan tayo magkikita sa Linggo," aniya at saka naglakad palayo sa amin.
Napawi ang ngiti ko nang tuluyan na siyang nakalayo sa amin. Agad na dumapo ang tingin ko kay Adea na kasalukuyang nakangisi.
"Alam mo, bet ko si Khalil para sa'yo. Mabait iyong tao, Fritzie. Ba't 'di mo bigyan ng pag-asa?" aniya habang naglalakad kami ulit.
"I didn't know if he's sincere or what..."
"Duh! Kaya nga magdadate kayo upang mas makilala mo siya!"
"Kaya nga," mungkahi at ngumuso na lamang sa kanya bago kami pumasok ng classroom.
"Take me out of here, Count. Runaway with me."
Ang bawat yapak namin palabas ng bar ay puno ng poot. Na para bang tinatakasan namin ang reyalidad. Na para bang salungat ang lahat ng tao sa aming dalawa.
"Tama na..." hinihingal kong wika habang nakatitig sa kanya.
Tiningnan niya lang ako na para bang may kakaiba sa akin. Na parang isa akong alitaptap habang siya naman ay nasa duyan, payapa akong pinapanood.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficción GeneralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...