Veintiseite

97 2 0
                                    

Ilang araw na akong nandito sa condo ni Count ngunit bantay sarado niya pa rin ako. Pagkatapos ng mga nangyari sa apartment ni Adea ay hindi ko na ulit siya nakitang pumasok school maski sa Club Tropicana.

Wala ring nakakaalam sa mga nangyari sa amin kundi si Count lang at ang aming mga kasambahay doon sa apartment.

Patuloy pa rin akong pumapasok sa school kahit na nakabandage ako. Ayaw na akong pagtrabahuhin ni Count ngunit ayoko namang mabulok ako sa condo niya na walang ginagawa.

My phone rang so I picked it up and answered it when I saw who it was.
Binilhan ako ng bagong cellphone ni Count. Ayoko na sana dahil nahihiya na talaga ako sa lahat ng mga nagawa niya sa akin ngunit mapilit talaga siya.

Aniya ay barya lang daw sa kanya ang cellphone na ito kahit sobrang mahal sa disenyo pa lang nito.

"Hello?"

Wala akong pasok ngayon dahil Sabado kaya nandito lang ako nakatambay sa guest room ng condo niya. Dito rin ako natutulog simula noong dito na ako tumira.

"Punta ka sa clinic. Sabay tayong maglulunch."

Medyo ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako bagot na bagot dito at gusto ko mang maglinis ay wala na akong lilinisan dahil sobrang linis at ayos na ng bahay niya. I wonder if may tagalinis siya rito o siya lang talaga.

"Saang clinic? Anong nangyari sa'yo?"

Narinig ko ang kanyang tawa kaya mas nag-aalala ako.

"Count, are you sick? Saang clinic ka? Pupuntahan kita."

Magsasalita pa sana siya nang agad kong pinutol ang tawag at agad na nagbihis. Tumunog din ang cellphone ko at nakita kong tinext siya sa akin ang address ng clinic kung saan siya dinala ngayon.

Dali-dali akong bumaba ng taxi at tiningnan kung nasa eksaktong address ba ako.

"Bakit veterenary clinic ito? Wala naman siyang pusa o aso sa bahay," bulong ko sa sarili ko ngunit pumasok pa rin sa vet clinic.

Baka mayroon sa bahay niya sa Urdaneta Village. Hindi lang niya dinadala sa condo niya kasi walang mag-aalaga.

Tiningnan agad ako ng secretary nang pumasok ako. "Sino po sila?"

Siguro sa tantya ko ay magkaedad lang sila ni Count. O 'di kaya'y mas matanda lang ito kay Count ng ilang taon.

"Uh, Fritzie ho. Tapos na po ba si Count?"

Inayos niya ang kanyang upo at agad akong inismiran. "Sandali lang. Tatawagin ko lang si Doc. Encienzo," mataray na saad niya sa akin bago pumasok sa pinakaloob ng silid.

Doc. Encienzo? Does this mean na siya ang doctor dito?

Nalaglag ang panga ko nang agad na lumabas si Count sa kanyang office habang suot ang white coat. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang maliit na gold plated steel at may nakalagay na Doctor of Veterinary Medicine.

Hindi ako makapagsalita nang agad niya akong nilapitan habang nakangisi at hindi pa rin makapaniwala na ganito pala ang trabaho niya.

He's a vet!

Who would have thought that the annoying and persistent guy I met in Club Tropicana is a vet? Wala sa kanyang itsura dahil sa unang tingin ko isa siyang negosyante o hindi kaya ay isang binatang umaasa lang sa kita sa negosyo ng kanyang mga magulang.

He looked really handsome with his white coat on. Ang professional niyang tingnan...at napakagwapo.

"Ano? Tara na?" Pakiramdam ko ay kuminang ang kanyang ngipin dahil sa laki ng ngisi niya ngayon.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon