Treinta y cinco

106 3 0
                                    

Nobody is a great teacher other than experience.

Love, have your heart broken, cry and get up but make sure you learn.

Kanina ko pa ito paulit-ulit na binasa. Matagal ko nang naisip ito ngunit hindi ito mawala sa aking isip at ngayon ko lang ito naisulat.

It was a little thought at first, habang patagal nang patagal mas lalong nadagdagan. Mas lalong naging klaro kung anong kahulugan. Mas naging malinaw sa akin na para sa akin ito.

It was almost three years since that tragedy happened. And because of that, my memory went back. All of the memories, simula noong nandoon pa kami sa Bulacan at kung ano ang mga nangyari sa akin pagkatapos noon.

I was kidnapped and raped by more than three men. Hinampas nila ng sobrang lakas ang aking ulo gamit ang baseball bat kaya nawalan ako ng malay. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa sementeryo at wala nang naalala.

Wala akong nakaligtaan. Pinagtagpi-tagpi ko ang lahat ng pangyayari at naging konektado lahat ng ito.

"Ma'am, hinahanap po kayo ni Sir Huean."

Tiningnan ko ang aking maliit na notebook at isinarado bago itinabi ito.

Lumundag ako sa aking kama at nauna nang lumabas ng kwarto.

Nang makababa ako ay nakita ko si Huean na abala sa kanyang cellphone habang nakade-kwatro sa sofa.

"Oh, Huean?"

Agad siyang tumayo habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone.

"Iyong secretary namin sa kompanya, ayun nakipagtanan kaya ikaw na lang ang kukunin ko for the mean time."

Tiningnan ko ang kapatid ko at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling kaya agad akong tumango.

Kakagraduate ko lang ng Biology at may plano pa akong mag-med school pero sa ngayon ay wala pa akong ginagawa kaya ayos lang.

"Madali lang naman sa'yo. Paperworks lang tsaka feeling ko, isang week ka lang kasi naghihiring na sila ngayon."

"Okay lang, gusto ko rin namang maging abala sa trabaho."

Ayokong magmukmok dito sa bahay.

"Tara..."

"Huh?"

"Tara na, Ate. First day mo ngayon."

"Agad-agad?"

Tumango siya sa akin at kinaladkad ako palabas.

"Huean, hindi na ako magpapalit ng suot ko?"

"Okay na iyan, hindi ka rin naman regular employee kaya hindi mo na kailangang magblazer at slacks. Ayos na iyang high waist jeans at knitted top mo."

Agad niyang pinaandar ang kotse kaya isinuot ko na ang seatbelt.

"Strict ba kayo sa pananamit?"

Agad siyang tumango at nilingon ako. "Professional work kasi iyon, Ate. Hindi ka talaga pwedeng nakapambahay lang."

Nang marating namin ang isang vet clinic ay agad ko siyang naalala.

Tatlong taon na ang nakaraan simula noong naputol ang komunikasyon naming dalawa. Marami akong narinig na balita sa kanya pero hindi ako kailanman nakinig ng radyo.

Nilunok ko ang tila nagbato sa aking lalamunan at agad na pumikit, inaalala ang huling pagkikita namin ni Count sa ospital.

"Fritzie!"

Nabigla kami ni Huean nang bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa siya.

Pawis na pawis siya at namumula na ang mga mata. Agad na lumipad ang mga mata ko sa kapatid ko na agad na sinalubong ng suntok si Count.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon