Kanina ko pa tinitingnan ang mahimbing na natutulog na si Mama. Huminga ako ng malalim nang hinaplos ni Papa ang kanyang noo.
Medyo nag-aalala na kami dahil hindi pa rin gumigising si Mama hanggang ngayon. She passed out last night and she is already asleep for fourteen hours straight.
Hindi namin alam kung bakit siya nahimatay dahil sobrang ayos naman niya bago kami kumain. Mas nag-aalala ako ngayon sa batang nasa sinapupunan niya at baka malagay sa alinganin ang buhay ng kapatid ko.
"Hindi pa rin ba nagigising si Mama?"
Agad na dumapo ang tingin namin ni Papa sa kakarating na si Huean. Umiling ako at agad na itinuon ang tingin ulit kay Mama.
"Kung hindi pa rin siya magigising bago magtanghalian ay dadalhin na natin siya sa pinakamalapit na klinika."
Hindi sila umimik sa suhestiyon ko. Nanatili lang silang tahimik at marahil ay sang-ayon din sila sa sinabi ko.
Tiningnan ko si Papa at nakatingin lang siya kay Mama na para bang may malalim na iniisip.
Ilang minuto na kaming nandito habang binabantayan si Mama ngunit hindi pa rin siya gumigising.
"Ma," saad ni Huean nang biglang gumalaw ang kamay ni Mama.
Nanlaki ang aking mga mata at tila nabunutan ng tinik sa dibdib nang dumilit siya.
"Erlinda!" turan ni Papa at agad na niyakap si Mama.
Imbes na ngumiti ay nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Mama mula sa kanyang mga mata kaya agad siyang hinarap ni Papa.
"Hindi ako makakita, Ernesto! Hindi ko kayo maaninag!" humihikbing saad niya.
Parang huminto ang oras at ang tibok ng aking puso sa narinig mula kay Mama. Kitang-kita ko kung paano siya nahirapan at kung gaano siya kadismayado sa kanyang sarili habang umiiyak.
Pakiramdam ko ay pinagsakluban kami ng langit at lupa dahil sa sinabi ni Mama. Tears pooled in my eyes when I realized that this is not a dream. This is the painful reality. That this is really happening right now.
Tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay ng pag-awang sa aking bibig. Lumipad ang aking mga kamay sa aking bibig at tahimik na umiiyak habang tinitingnan ang umiiyak na sina Mama at Papa habang magkayakap.
Tiningnan ko si Huean at nakita kong blangko lang siyang nakatingin kina Mama at Papa ngunit pulang-pula na ang kanyang mukha ngayon. Sa tingin ko ay pinipigilan lang niyang umiyak kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
Hinaplos ko ang kanyang likod at nakarinig agad ako ng mahinang hikbi mula sa kanya. Mas hinamas ko ang kanyang likuran at nararamdaman ko na ngayon ang basang-basa kong damit dulot ng kanyang luha.
Ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak simula noong nagbinata na siya.
"Huean, huwag kang mag-alala masusulusyunan din natin ito," wika ko sa basag na boses.
Kahit anong gawin kong pagpapatahan sa kanya ay hindi ko magawa. Kahit ako ay hindi ko magawang patahanin ang sarili ko.
Bakit kami pa? Wala kaming pera. Hindi kami mayaman. Wala kaming ari-arian na maibebenta. Bakit dumating pa ito? Bakit dumagdag pa ito problema namin?
Ilang oras na simula noong nag-iyakan kami. Nandoon pa rin si Papa sa gilid ni Mama at pinapatahan siya habang kami naman ni Huean ay nandito nakaupo sa gilid ng tulay.
Pinapasadahan namin ang mga sasakyang dumadaan sa tulay na ito. Tiningnan ko si Huean at nakita kong nakatingin siya sa kanyang sako at tila may malalim na iniisip. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sako at may iilang bakal na akong napulot na inilagay ko rito.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficción GeneralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...