Treinta y dos

99 2 0
                                    

Habang naghuhugas si Mia sa mga pinggan ay agad kong naalala ang malakas na boses kanina ni Huean habang may kausap sa telepono.

Kinagat ko ang natitirang piraso ng pandesal bago uminom ng gatas.

"Mia, kilala mo ba kung sino iyong katawag ni Huean kanina?"

Agad na lumingon sa akin si Mia at umiling. "Hindi po Ma'am pero sa tingin ko iyon din iyong katawag niya noong mga nakaraang araw na palagi siyang galit."

"May binabanggit ba siyang pangalan?"

Agad na napaisip si Mia. "Sa mga naririnig ko po, wala naman."

Why do I have a feeling na iyong babaeng patay na patay sa kapatid ko, iyon ding iyong katawag niya na galit na galit siya.

But seriously, that girl is so interesting. Gusto ko pa siyang makilala 'cause I know she has a nice personality.

Ano kayang pangalan ng babaeng iyon?

Sa tuwing tinatanong ko naman si Huean, hindi naman sumasagot.

Ilang propesor na lang ang natapos sa pagdidiskusyon ngunit ang pag-iisip ko ay lumilipad pa rin hanggang maghapon.

Ngayon, nandito na ako sa labas ng clinic ni Count. Nandito na naman ulit. Mamalimos na sana ay magkaayos na kami. Ibalik ang dating kami.

Huminga ako ng malalim. Eto na naman tayo. Sana naman ay papayag na si Count sa peace offering kong kakain sa labas.

"Miss, hindi ka pwede rito."

"Gusto ko lang ho makausap si Doc. Encienzo, importante po ang pag-uusapan namin." Pamimilit ko.

"Please po...kahit sandali lang." Mahina ang aking boses at nilunok ko ang tila nagbara sa aking lalamunan.

"Bilin sa akin ni Sir na huwag siyang istorbohin at huwag kang papasukin."

"Pero..."

"Miss, sige na. Nagsasayang ka lang ng oras dito. Stress na stress na si Sir Count dahil sa iyo. Baka maapektuhan ang trabaho niya dahil din sa iyo."

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas sa sinabi ng sekretarya sa akin.

Makikipag-usap lang naman. Gaano ba kabigat iyon? Sandali lang naman ang hinihingi kong oras.

Imbes na umuwi agad ay naghintay ako sa labas ng kanyang clinic kahit na mainit. Dito na lang ako maghihintay.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Count, iyong sekretarya lang pala ulit.

"Miss, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo. Ako na ang naaawa sa'yo. Kanina pa kita pinapaalis ngunit matigas ka talaga."

"Please, umuwi ka na dahil hindi ka naman din kakausapin ni Sir Count." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit minsan ay mataray siya sa akin.

Ganito na ba ako kaawa-awang tingnan? Ganito na ba ako kadesperada?

"B-Busy po ba siya?" Nanginginig ang aking boses at sa tingin ko ay sagad na sagad na rin sa kakulitan ko ang sekretarya.

"Hindi naman, out niya na ngayon.".

Tumango lang ako sa kanya at agad na pumanhik sa labas ng kotse ni Count.

Masyado nang umaambon at sobrang itim na ng kalangitan ngayon.  Alam kong uulan pero sana naman ay tangayin ito ng hangin.

"Hindi ka pa ba aalis?"

Nagulat ako nang makita ko ang magandang mukha ni Count na malamig na nakatitig sa akin ngayon.

"H-Hindi pa, hinihintay kasi kita, e."

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon