Tahimik lang ako habang kumakain kami ng agahan. Ganito kami lagi. Hindi rin ako palasalita at magsasalita lamang kung tatanungin ako.
Hindi naman sa nahihiya ako pero siguro, tahimik lang siguro akong tao.
"Kumain ka pa ng marami, Fritzie."
Tumango lang ako at ngumisi ng tipid kay Miriam.
"Naku, baka nagdidiet iyang babaeng iyan," dagdag naman ni Adea.
"Hindi. Busog na ako..."
Agad na natawa si Adea sa sinabi ko. "Anong sinasabi mong busog? Eh hindi mo pa nga nagalaw iyang pagkain mo. Naku ha, Fritzie."
Tiningnan ko sila isa-isa at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Miriam.
"Alam ko na kung bakit ayaw mong kumain..."
"Bakit, Adea? Anong problema?" ani ni Miriam na parang naguguluhan sa mga nangyayari.
"Kasi itong si Fritzie, kahapon ng gabi ay biglang nakabangga ng isang napakagwapo at mayamang lalaki. Biruin mo hindi siya pinabayad? Ang swerte mo girl!" She pointed her finger on me but I just stared at her.
Kahit hindi ako pinabayad ay baka magkikita pa kami noon mamaya. Nakakahiya. Nahiya rin ako sa ginawa kong pagluhod sa tapat niya lalo na at marami ang nakakita.
Sino ba ang hindi mahihiya sa kung sino pa iyong biktima, siya pa iyong nagbayad. At ako? Ito, tulala dahil simula kagabi, may utang na loob ako sa kanya.
Pinagalitan din ako ni Ms. Pinky kagabi at pakiramdam ko ay namanhid ako sa mga sinabi niya sa akin. Masakit ang mga salita niya at inaamin kong may kasalanan ako ngunit hindi tama ang mga ginamit niyang salita para sa akin.
Gusto kong lumiban na muna sa trabaho mamayang gabi ngunit wala rin akong kikitain at saka baka tanggalin pa ako ng baklang iyon sa trabaho ko kaya huwag na lang.
"Naku, ayos lang iyan, Fritzie. Swerte ka nga dahil hindi ka pinabayad, hindi ba, love?" saad ni Miriam habang tinaasan ng kilay si Adea.
"Oo naman tsaka gwapo, e. Baka siya na ang magiging boyfriend mo Fritzie!" tili niya ngunit agad din naman itong nawala nang tiningnan siya ng seryiso ni Miriam.
"Gusto mo na pala ngayon ng gwapo, Adea?"
"Sinabi ko bang ako? Hindi ba si Fritzie ang pinag-uusapan natin?" inis na saad ni Adea kay Miriam.
Matalim nilang tiningnan ang isa't-isa ngunit sa huli ay bumigay si Miriam. Huminga na lamang siya ng malalim bago tinapos ang kanyang pagkain at pagkatapos ay agad na tumayo.
I kept my mouth shut when I saw Miriam's back while walking away from the table. Lumipad ang tingin ko kay Adea at nakita kong umiiling-iling na lamang siya habang nakatungo. I bet she's probably disappointed on Miriam's behavior.
Pati ako rin ay nagulat sa inasta niya. Pero kilalang-kilala ko na si Miriam. Tatlong taon na akong nandito kasama sila kaya nakilala ko na rin kung sino sila.
Napakaselosa ni Miriam at kahit maliit na bagay ay pinagseselosan. Ngunit, hindi dumating sa puntong ganito. This is the first time I saw Miriam foolishly being jealous to someone.
Siguro ay nag-away sila kaninang umaga o kagabi kaya mainit pa ang ulo nila sa isa't-isa.
Nang matapos kaming kumain ay agad kaming pumanhik papunta sa sakayan ng jeep. Nakaalis na si Miriam at hindi niya kami hinintay. May away nga siguro.
Kanina pa tahimik si Adea at hindi ako sanay na ganito siya.
Naalala kong nabanggit noon ni Adea na maglilimang taon na silang nagsasama ni Miriam at ngayon ay sa tingin ko, mag-pipitong taon na.
Kung ganoon, parang wala na lang ito sa mga naging away nila noon.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Fiksi UmumAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...