Treinta y nueve

118 1 0
                                    

Araw-araw na pumupunta rito si Count kahit na hindi ako nagpapakita at lumalabas ng kwarto ko kapag nandiyan siya.

Alam kong nadama niya iyon, na ayaw kong makipag-usap sa kanya. Pero mapilit pa rin talaga siya at araw-araw na pumupunta rito. Aniya'y dinadalaw lang daw niya si Zero saad din sa akin ni Mia.

"Luging-lugi tayo ngayon, ah?"

Inangat ko ang aking tingin sa ngayong nakangisi kong kapatid. Maingay niyang inilapag ang kanyang mug sa mesa kaya napangiwi ako.

"Careful, Huean."

"Galit ka 'te?" saad niya nang may panunuya sa boses niya.

Inirapan ko lang siya at agad na ininom ang aking gatas.

Ngayon, hindi ko pa rin masabi kung bakit okay na sila ngayon ni Count. He hated him so much years ago at ngayon okay na sila at parang hindi niya ito pinaulanan ng suntok noon.

"Ewan ko sa'yo, Huean. Wala ka nang ibang ginawa kundi ang maging pilyo."

"Whatever, Ate. Ayoko kaya maging boring baka iwan ako."

Napasinghap ako sa kanyang sinabi at muntik ko nang mabato ng tinapay. Kung hindi lang siya naka-uniporme ngayon malamang ay nabuhusan ko na siya ng gatas.

Just kidding.

"May pasok ka?"

"Obvious naman, e."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Umuulan kaya. Bumabaha na sa labas at mukhang malakas ang bagyong ito."

"Tss...walang bagyo-bagyo sa trabaho."

"Umalis ka na nga! Ang ingay mo!" Matalim ko siyang tiningnan ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Need mo lang ng lambing kay Count, e!"

What the?

"Huean!"

Humalakhak siya at agad na hinimas ang aking likuran.

"Alam mo Ate kung ako sa'yo, tanggapin mo na ulit si Doc. Daks iyon!"

Nanlalaki ang mga mata nang tiningnan ko siya. What the hell is daks?

"Hoy ikaw ah! Umalis ka na nga! Kung ano ano na lang ang pinagsasasabi mo!"

Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at agad namang humagalpak ng tawa.

"Jesus! 'Di mo alam iyon?"

"Alam ko!" Pagsisinungaling ko.

Ngumisi lang siya sa akin at agad na kinuha ang kanyang bag.

"Papasok na ako, Ate. Tandaan mo iyong sinabi ko, ah?"

Umiling na lamang ako sa kanya habang tinitingnan ang likod niya habang papalabas ng sala.

"Ano kaya iyong daks?" Pumalumbaba ako habang tinitingnan ang mug kong wala ng gatas.

"Ma'am!"

"Ay daks!" Napahawak ako sa aking dibdib sa biglaang pagsulpot ni Mia.

"Po?"

"Huh? Uhm, w-wala!"

"Ah okay po, Ma'am." Nagsimula nang maghugas ng mga pinggan at baso si Mia.

"Uh, Mia?"

"Opo, Ma'am?" Nilingon niya ako habang naghuhugas pa rin ng mga baso.

"May tanong ako..."

Kinuha niya ang baso na nasa tapat ko at agad itong hinugasan.

"Ano po iyon, Ma'am?"

"Uh, alam mo ba kung anong meaning ng daks?" Medyo nag-aalangan kong tanong sa kanya.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon