Veinte

128 3 0
                                    

"Bakit kayo nag-away ni Bash kanina? Nabalitaan kong pinatawag daw ka'yo sa guidance office."

"Ito oh," aniya at agad na inilahad sa akin at ang isang murang hamburger na nabibili sa canteen namin.

"Salamat." I smiled at him and he just nodded at me.

Bumuntong-hininga siya at nagsalubong ang kanyang kilay habang tinitingnan ang football field.

Nandito kami ngayon sa isang bench sa ilalim ng puno ng narra rito sa eskwelahan namin. Hapon na at nandito kami dahil nagpapatulong sa akin si Axl sa kanyang research paper.

"Binasa niya kasi iyong diary ni Fae."

Agad akong ngumiti sa kanya at itinaas ang dalawa kong kilay. "Noon pa man alam kong gusto mo si Fae, Axl."

Kinagat niya ang hawak na hamburger bago ako tiningnan ulit at umiling.

"May entry ako sa diary niya kaya galit na galit ako. Nandoon pa iyong pangalan ng crush ko at ayokong may makaalam maliban kay Fae na may-ari ng notebook."

Tumagal ang titig ko sa kanya. Sa totoo lang, kahit sino naman ay magugustuhan si Axl dahil sa kanyang talino, mabait pa at dagdag na lang iyong itsura niya.

Mabait si Axl sa akin at hindi ko alam kung bakit palagi niya akong pinagtatanggol. At hindi ko rin alam kung bakit nandito ako...nagpapaturo siya sa akin na mas magaling pa siya sa mga ganitong bagay kaysa sa akin.

"Axl, ba't pala nandito ako? Kayang-kaya mo naman ito tsaka..."

"Wala lang..."

Tiningnan ko siya sa mata at mas lalo siyang lumapit sa akin. "Gusto lang kitang makausap kaso natatakot ako sa kapatid mo, masyadong maprotekta sa'yo."

Tipid akong ngumiti sa kanya at medyo lumayo ng kaunti upang hindi ako mas mailang.

"Ganoon talaga iyong batang iyon. Pero huwag kang matakot, mabait naman si Huean." I gave him a genuine smile to give him assurance that I am telling the truth.

Tiningnan ni Axl ang kanyang relo bago nabaling ang atensyon sa akin. "Medyo gumagabi na. Umuwi na tayo."

I shooked my head while staring at my food. Normal lang ba sa mga panaginip na mukhang totoo? Kasi itong sa akin, kakaiba na ang kutob ko.

Bakit Axl ang pangalan ng lalaki sa panaginip ko? Siya ba iyong Axl na nakilala ko sa Club Tropicana?

"Oh, anong mukha iyan, Fritzie?"

Inangat ko ang aking tingin kay Miriam at pilit akong ngumiti at umiling sa kanya.

Tiningnan ko si Adea ngunit pakiramdam ko ay binabasa niya lang ang mga emosyon ko sa mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Uh, may tanong ako..."

"Ano 'yon?" saad ni Adea na seryosong pa ring nakatitig sa akin ngayon.

"Why do dreams feel so real?"

Agad na natawa si Miriam sa tanong ko kaya napainom siya ng tubig. "Ganyan talaga ang panaginip. Akala mo totoo iyon pala hindi naman."

"Pero bakit parang totoo talaga?"

Kahit iyong ginahasa ako ng mga kalalakihan. Kahit ayokong aminin dahil sino ba naman gustong magahasa...pero bakit pakiramdam ko totoo?

"Nag-oover think ka lang siguro, Fritzie. Normal naman iyon."

Tiningnan ko si Adea at hinintay ang kanyang sasabihin ngunit blangko niya lang akong tiningnan.

"Alam niyo, naalala ko iyong sinabi ng lola ko..."

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon