Veintinueve

96 2 0
                                    

Halos mag-iisang taon na simula noong doon na ako pumasok sa Ateneo. Wala namang nagbago bukod sa dito na ako sa Bel-Air umuuwi. Bahay at eskwelahan na lang din ang ganap ko araw-araw.

Sa totoo lang, namimiss ko ang busy kong schedule araw-araw noong nandoon pa ako sa FEU at nagtatrabaho pa sa Club Tropicana. Wala na akong balita kina Jeann at Sauce ngunit nagpaalam naman ako na tatransfer na ako sa Ateneo.

Matagal-tagal na ring hindi kami nagkikita ni Miriam at Adea. Wala na rin akong balita sa kanila at kung saan sila ngayon. Marahil ay may kanya-kanya na ring buhay ang dalawa.

Si Count naman ay wala na rin akong balita. Hindi na kami nagkita ulit simula noong umalis ako sa condo niya.

Hindi rin siya makakakontak sa akin dahil hindi ko dinala ang cellphone na bigay niya sa akin. Iniwan ko roon sa kama na tinutulugan ko sa kanyang condo.

"Kumain ka na, Robbie." Pagsusumamo ko sa alagang kuneho ni Huean.

Simula noong nagkasakit si Margot, ang kasama niya sa hawla ay hindi na siya masyadong kumakain.

Ang sabi ni Huean ay myxomatosis.

Pati ako ay nalulungkot na rin dahil nitong mga nakaraang buwan ay napalapit na ang loob ko sa dalawang kuneho.

"Robbie..." Tinulak ko ng mahina papalapit sa kanya ang lalagyan niya ng pagkain ngunit inaamoy-amoy niya lang ito at tumalikod na sa akin.

Ito kadalasan ang nangyayari tuwing pinapakain ko siya. Minsan, kakain lang siya ng maliit na piraso iinom ng tubig bago tatalikod sa akin at minsan naman ay agad na natutulog.

Malungkot siya dahil nag-iisa na lang siya. Wala na siyang kalaro, wala siyang kasama sa kanyang hawla.

Huminga ako ng malalim. Kailangan na talagang magpagaling ni Margot dahil si Robbie ay naaapektuhan na rin sa kanyang pagkakasakit.

"Ma'am, hindi pa po ba kumakain si Robbie?" Lumapit sa akin si Ate Jasmine.

Agad akong tumango sa kanya. "Hindi pa, e. Ewan ko kung ano ang gagawin ko sa kanya kahit anong pilit ko. Alam mo iyon Ate parang naaapektuhan din siya sa pagkakasakit ni Margot."

Lumebel siya sa akin at hinawakan ang hawla ni Robbie. "Ako na rito."

"Magbihis ka na kasi pinapapunta ka ng kapatid mo sa opisina niya."

Agad akong nagbihis pagkatapos kong kumain ng tanghalian bago tinungo ang opisina ni Huean.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng opisina ni Huean nang marinig ko ang malakas niyang boses.

"What the hell!? 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na dapat ngayon! Dapat ngayon mo natapos ang pinapagawa ko sa'yo! Tapos ngayon haharap ka sa akin na walang dala?"

Galit na galit siya ngayon dahil sa lakas ng boses niya.

Pakiramdam ko ay mayroon siyang kausap sa loob dahil may naririnig akong mahinang boses ngunit hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya.

"Sabihin mo sa magaling mong boss na putangina magpakasarap ka sa buhay mo! Sabihin mong ako ang may sabi!"

Nagulat ako dahil alam kong galit na galit ngayon si Huean.

Umupo muna ako sa pinakamalapit na upuan dahil parang ang bigat ng usapan nila ng kliyente niya.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad at balingkinitan na babae. Nakaheels ito at masyadong pormal.

Pilipinang-pilipina dahil sa morena niyang kutis at mahaba niyang buhok na walang kakulot-kulot.

Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko siya pabalik kahit nag-aalangan akong ngitian siya dahil alam kong sobra rin ang ginawa sa kanya ni Huean.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon