Veintidos

102 2 0
                                    

"So ano na? Nagkita ba kayo ni Khalil kahapon?"

Tinapunan ko ng tingin si Miriam bago ako sumubo ng kanin at tumango.

"Oo, ayos naman iyong pagkikita namin. Medyo maulan nga lang." Natawa ako sa huli kong sinabi.

"Aysus! Kinikilig ka lang, e!" sabat naman ni Adea.

Napawi ang aking ngiti sa sinabi ni Adea. Tumikhim ako at umayos ng upo. Siguro naman, magugustuhan ko rin si Khalil, 'di ba? Pero ngayon, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Gusto kong sabihin kay Adea ang mga iyon ngunit sa tingin ko ay hindi niya magugustuhan iyong dahil sobrang pursigido siya na ikonekta kaming dalawa ni Khalil.

Ayokong mag-away kami ni Adea dahil lang sa isang lalaki.

Imbes na sumagot sa kanya ay tinikom ko na lang ang aking bibig hanggang sa matapos kaming kumain.

"Hay salamat! Wala tayong exams ngayon!" agad na saad ni Adea nang makapasok kami sa campus.

Malaki ang campus ng FEU. Tipikal na unibersidad. Marami kang makakasalamuha na iba't-iba ang personalidad. Matututo kang makipaghalubilo sa iba.

Kahit na introvert ako, nang makapasok ako rito ay hindi na ako masyadong mailap sa mga tao. Mahiyain pa rin ngunit natuto nang makisama.

"Medyo maluwag-luwag nga ang araw natin ngayon," saad ko habang nakahawak sa strap ng bag ko habang nilalakbay namin ang aming building.

Ngumiti lang siya sa akin at agad na ibinaling ang tingin sa mga atletang naglalaro sa football field. It was early in the morning but they were already sweating heavily. Idagdag mo pa ang mga nakaawang nilang bibig habang tumatakbo sa loob ng field.

"Yuzon! Ipokus mo nga ang atensyon mo rito! Huwag sa kung sino!"

Nagulat ako nang biglang sumigaw ang kanilang coach sa sinasabing si Yuzon. Biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid sa sinabi ng kanilang coach.

"Estupido talaga itong si Yuzon. Palaging nagpapasikat!" bulong ni Adea habang napako pa rin ang tingin sa nagwawarm-up na mga atleta.

"Sino riyan si Yuzon?" I asked out of curiousity.

Tiningnan niya ako at inagbayan kaya agad kaming napahinto sa paglalakad. "Iyong nakaputing t-shirt na may nakalagay na send me more nudes," saad niya sabay turo sa lalaking matangkad at medyo moreno.

May itsura. Tipikal na moreno na makikita mo sa isang grupo ng nagtataasang mga atleta.

Para akong nahiya nang dumapo ang tingin niya sa amin. Ngumiti siya at agad kaming kinindatan dahilan upang sigawan na naman siya ng kanilang coach.

"Huwag mo ngang ituro, Adea!"

"Tanginang mukha iyan! Ang feeling talaga! Feeling lahat ng babae may gusto sa kanya."

"Hindi talaga iyan matanggal sa team dahil siya ang pinakamagaling kaya ayaw din pakawalan ng coach," dagdag niya.

Natawa na lang ako sa kanyang reaksyon bago namin binaybay ang hagdan papunta sa classroom namin.

"Adea," tawag ko sa kanya nang makarating kami sa classroom.

Nakaupo na kami ngayon sa aming mga upuan ngunit wala pa ang aming propesor ngayon. Medyo maaga rin kasi kaming pumunta ngayon kaya may oras pa kaming magchikahan sa loob ng silid na ito.

"Oh?"

"Uhm, pwede mo bang itext si Khalil na makikipagkita ako sa kanya?"

Tumitig siya sa akin at agad din namang ngumisi nang mapagtanto ang aking sinabi.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon