Dieciséis

126 3 0
                                    

"Ate! Ate gising na! Malalate na tayo nito!"

Naramdaman ko ang malakas na pagyugyog sa aking balikat ngunit kahit na ayoko pang bumangon at inaantok pa ako ay sapilitan akong napabangon dahil sa yumuyugyog sa akin.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang ngisi ng isang lalaking sa tingin ko ay mas bata sa akin.

"Biro lang, Ate! Holiday ngayon kaya walang pasok," aniya bago humalakhak.

Nanliit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi magandang biro iyon. Kahit na gusto ko siyang suntukin ay hindi ko magawa dahil lalaki siya at baka gumanti sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata kaya agad naman siyang nagseryoso. "Peace, Ate..." natatawa niyang saad habang nakatingin sa naiinis kong mukha.

"Kailan ka ba titigil sa pambubwesit sa umaga ko—"

"Fritzie!"

"Fritzie!"

Dahil sa gulat ko ay agad akong napabangon at agad na nanlaki ang aking mga mata habang nakatitig kina Miriam at Adea.

"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang saad ni Adea habang magkasalubong ang kilay na nakakatitig sa akin.

Tumitig lang ako sa kanila at parang sa isang segundo ay hindi ko sila kilala. They were strangers in front of me. And here I am, like a fish lost in the forest.

"W-Wala," saad ko pagkatapos ay pumikit dahil unti-unting sumasakit ang ulo ko.

"Hindi ka ba sasama sa amin sa palengke?" rinig kong saad ni Miriam ngunit tanging iling lang ang sagot ko sa kanila.

Naramdaman kong umuga ang kama na kinauupuan ko ngayon kaya idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Adea.

"May problema ba, Fritzie?" seryoso niyang saad habang tinitingnan ako sa mata.

"Give her some space, Adea. Let her breathe." Dumapo ang tingin ko kay Miriam at nakita kong nag-aalala na rin siya sa akin ngayon.

Marahan kong pinikit ulit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang masakit na pitik sa loob ng aking ulo. Parang binato ako ng isang matigas na bagay at sobrang napuruhan ang aking ulo.

"Matulog ka na ulit. Bumangon ka kapag nagutom ka. Tapos nang magluto si Adea ng agahan." She brushed her hands on my arms before leaving me in my room.

"Diyos ko!" I cried when I felt so much pain in my head.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko lalo na't ako lang ang nandito sa bahay ngayon.

Habang patagal nang patagal ay mas nakaramdam ako ng init sa aking ulo. Masakit at mainit. Para akong nilalagnat dahil sa init ng ulo ko.

Kahit na nahihilo ay agad akong bumangon at dali-daling tinungo ang banyo. Kahit na nakadamit ako ay agad kong binuhusan ang aking sarili ng isang tabo ng tubig.

Hindi ako nakuntento at sunod-sunod ang pagbuhos ko hanggang sa unti-unting lumamig ang aking ulo. Unti-unti na ring nawala ang sakit na kanina ko pa iniinda.

Binuksan ko ang shower at tumalikod ako upang matamaan ang aking likuran at aking ulo. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong kumakalma na ako ngayon.

Nawala na ang sakit at natatakot ako na baka paglabas ko rito ay babalik na naman iyon.

Sa mahigit isang daang patak ng tubig na dumadaloy sa aking ulo mula sa shower ay naramdaman ko ang mainit na likido galing sa aking mga mata.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon