Veintitres

111 3 0
                                    

Kanina pa ako nanginginig habang kumakain. Kinakabahan ako dahil ginugulo ako ng konsensya ko na sabihin sa kanila ang ginawa kong pagsasauli ng kwintas kay Khalil. Ngunit hindi ko alam kung saan at  kung paano magsisimula.

Tiningnan ko si Miriam at pagkatapos ay dumapo ang tingin ko kay Adea. Seryoso silang kumakain ngayon. Mas nanlamig ako dahil tahimik at walang umiimik sa aming tatlo.

Ibinuka ko ang aking bibig ngunit naramdaman kong medyo sumama ang aking tiyan kaya agad akong napainom ng tubig.

Tiningnan lang nila ako at agad na ipinokus ang kanilang mga atensyon sa kanilang pagkain ulit.

Kinurot ko ang kaliwa kong binti dahil sa kapalpakan ko. Muntikan ko nang masabi ngunit parang hindi ko talaga kaya. Ayaw ko namang naglilihim ako sa kanila dahil sobrang laki utang na loob ko sa kanila nitong mga nagdaang taon.

"Uh..."

"Isinauli ko kay Khalil ang kwintas."

Tumitig lang sa akin si Miriam habang si Adea naman ay nagsalubong agad ang kilay.

I am expecting this reaction from her. Alam kong nainsulto siya sa ginawa ko sa kapatid niya. Nakakainsulto ngunit may rason ako. Kahit na ayaw kong magpaliwanag ngunit siya ang nagreto sa akin kay Khalil ay pakiramdam ko naghihintay siya sa paliwanag ko.

Ako naman, tanging pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kapatid niya.

"Sorry, Adea. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Khalil. Ayoko siyang umasa kaya isinauli ko na lang ang kwintas na bigay niya." Tumungo ako pagkatapos.

Miriam cleared her throat. "Wala namang masama roon, Fritzie."

"Anong wala? Tinanggap niya na kaya malamang umasa na ang kapatid ko!"

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang galit sa mga mata ni Adea habang nakatitig kay Miriam.

Umawang ang bibig ni Miriam at hindi makapaniwalang nakatitig kay Adea.

"Hindi ikaw ang may hawak sa desisyon niya, Adea. Let her stand on her own. Let her control her emotions!"

"Hindi mo ba alam na parang minamaliit niya ang kapatid ko, Miriam? Nakakainsulto ang ginawa niya! Buti sana kung hindi niya alam na may gusto ang kapatid ko sa kanya ay maiintindihan ko pa!"

"Hindi pa siya nagkakaboyfriend kaya intindihan mo muna. She's exploring, Adea! Ano ka ba!?"

Hindi na napigilan ni Miriam ang kanyang sarili at lumakas ang boses niya habang kausap siya Adea. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata.

Isang malaking gulo ang pinasok ko at pati sila ay nadadamay na rito. Nakakahiya!

Tiningnan ako ni Adea na puno ng pang-iinsulto. Nagtubig ang aking mga mata dahil sa ginawa niya. This is my first time having a fight with her. Hindi ako sanay sa mga ganitong away kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"Nagmamayabang ka na porke't may itsura ka. Alam ko namang may napupusuan ka na, hindi mo lang sinasabi sa akin. Sino roon sa dalawang iyon?" she said with full of bitterness on her voice.

"Alam ko namang marupok ka sa mayaman, e! Kahit na mahinhin ka, nasa loob pa rin ang kulo mo!"

"Adea..." My voice broke when I uttered her name.

Ayokong mandamay ng tao rito lalo na si Count at Tour. At mas lalo akong nasaktan sa sinabi niyang mga walang katotohanan. Buong buhay ko, ang naalala ko lang, gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong ako sa pamilya ko.

Ngayong wala na sila nagpupursigi pa rin akong makatapos ng pag-aaral dahil ito lang ang susi ko upang magkaroon ng magandang trabaho.

Hindi ko pinangarap na magkaroon ng mamahaling bag at magkaroon ng asawa na mayaman dahil ang mayaman ay para lang din sa mayaman!

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon