Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang linggo na ngayon. Walang bago sa mga ginagawa ko araw-araw. Ganoon pa rin, tanging sa Club Tropicana at unibersidad lang umiikot ang mundo ko.
Habang dinaramdam ko ang mainit na sikat ng araw na dumadaloy sa bintana ay nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Adea na pawis na pawis at hinihingal.
Agad na nabaling ang atensyon ko sa kanya at kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi at dali-daling tumabi sa aking pagkakaupo sa kama.
"Fritzie!" Niyugyog niya ang aking mga balikat kaya mas lalo akong nagtaka kung anong sasabihin niya.
"Adea, hindi mo na kailangang sumigaw. Magkatabi lang tayo," natatawa kong mungkahi.
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Guess what?"
"Ano?"
"Nagtext sa akin si Khalil! Magdadate na raw kayo mamaya!"
Unti-unting nawala ang aking ngiti at pinilit kong ngumiti ulit upang hindi ako magmukhang masungit.
Akala ko kung ano na. Iyon lang pala.
"Ah, ganoon ba?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at agad na ibinaling ang tingin ko sa maalikabok kong bintana.
"Bakit parang hindi ka masaya?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya mas lalo akong napaiwas ng tingin.
Kung makikipagdate ako kay Khalil ngayon ay mas lalo lang niyang iisipin na baka may tiyansa na may gusto rin ako sa kanya. Ayokong paasahin iyong tao.
Kaya nga makikipagdate ka upang makilala mo nang husto. Malay mo magbago ang isip mo.
Naalala ko na naman ang sinabi ni Adea.
Huminga ako nang malalim bago ako tumitig sa kanya. Tumaas ang kilay niya at tila naghihintay lang sa sasabihin ko.
"Anong oras daw?"
"Bakit parang napipilitan ka? Icancel na nga lang natin! Itetext ko—
Naputol niya ang kanyang sasabihin nang agad kong kunin ang kanyang cellphone at agad na ngumiti sa kanya.
"Hindi ako napipilitan, Adea."
Pabiro niya akong inirapan at agad na nagtipa sa kanyang cellphone.
Nakakahiya naman kay Khalil kung icacancel ko ang pagkikita namin mamaya.
"Sabihin mo sa kanya mga after lunch," saad ko at agad na tumayo upang kunin ang aking tuwalya na kasalukuyang nakasabit sa likod ng pintuan.
"Got it!" Kumindat siya sa akin at agad na nilagay ang kanyang cellphone sa kanyang tainga kay nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.
"Yes? Oo, si Adea ito. Gustong makipag-usap sa iyo si Fritzie. Yup, nandito siya. Wait, bigay ko lang sa kanya."
Mabilis na inilahad ni Adea ang kanyang cellphone kaya agad ko itong tinanggap at hindi ko alam ang sasabihin ko ngayong nakatutok na ang cellphone sa aking tainga.
"Uh, hello?"
Tiningnan ko si Adea at nakita kong pinanlakihan niya ako ng mata. She mouthed 'ayusin mo' kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ako sanay makipag-usap sa telepono idagdag mo pa na medyo hindi ako komportable kay Khalil.
"Fritzie?"
"Uh, ako nga ito..."
"Yow! Anong oras ba balak mo?"
"After lunch sa pinakamalapit na mall sa apartment namin. Uhm, hindi ako pwedeng gabihin, e. Sana maintindihan mo."
I tried my best to sound formal.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficción GeneralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...