Treinta y cuatro

99 3 0
                                    

Ang pagmamahal ay kakambal ng sakripisyo at pag-unawa.

"Sakripisyo at pag-unawa..." Paulit-ulit kong saad habang nakatapat sa malaking salamin sa kwarto ko habang nagsusuklay sa aking buhok.

Katatapos ko lang maligo. Walang pasok ngayon dahil Linggo.

Sa totoo lang, kahit nakakapagod ang pagtatrabaho ko roon sa Club Tropicana ay namimiss ko rin iyon.

Pakiramdam ko napaka-ordinaryo na lang ng buhay ko araw-araw. Bahay at eskwelahan palagi ang ganap ko. Hindi kagaya noon na palagi akong abala kahit na nakakapagod.

Umuga ang kama nang umupo ako habang nakatingin sa mabalahibo at puting aso na bigay ni Count.

"Aw! Aw!"

Hinawakan ko ang mabalahibo niyang mukha at hinaplos-haplos ito kaya agad na tumahimik.

"Ano kayang dapat kong ipangalan sa'yo?"

Kahit na ilang araw na itong nandito sa bahay ay wala pa itong pangalan.

Tinatawag lang ito ng mga kasambahay na Whitey. Eh ayoko namang Whitey ang pangalan niya.

"Hmm..."

"Count na lang kaya ang ipapangalan ko sa'yo..."

"Huwag na rin kasi si Count iyong nagbigay nito. Gusto kong unique ang pangalan mo."

Count...numbers...zero?

"Zero, napakagandang pangalan. Mula ngayon ikaw na si Zero. Daddy mo si Count at mommy mo naman..."

Napangiti ako sa sariling naiisip. Para akong timang. Natatawa ako sa pinag-iisip ko ngayon.

Kinandong ko siya. "At ako naman ang mommy mo," mahina kong saad at hindi ko mapigilan ang aking ngiti.

Nilagay ko siya sa sahig at umatras ng kaunti.

"Zero!" Pinalakpak ko ang aking kamay at agad naman siyang kumandong sa akin kaya mas lalong lumaki ang aking ngiti.

Nahihibang na nga yata ako nito.

Dala-dala sa Zero, bumaba na ako ng kwarto nang makita ko si Mia sa kusina na naghuhugas.

"Nasaan si Huean, Mia?"

"Naliligo sa pool, Ma'am."

"Kumain na ba siya?"

Agad siyang tumango. "Ikaw na lang po ang hindi, Ma'am. Kanina pa po gising si Sir Huean."

Tumango na lamang ako at umupo na upang makakain.

"Salamat, Mia." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos niyang maghanda sa mesa.

"Walang anuman po, Ma'am." Ngumiti rin siya pabalik at kinuha sa akin si Zero para ilagay sa lungga niya.

Wala akong plano ngayong araw na ito. Ngunit, puntahan ko kaya si Count sa condo niya? Tutal wala naman siyang trabaho ngayon. Malamang nagpapahinga lang siya sa condo niya at kung kakausapin ko man siya ay wala siyang mairarason sa akin na pagod siya, ayaw niyang makipag-usap.

"Mia, may tanong ako." Nang makita ko siyang nakabalik na galing sa sala.

"Ano po iyon, Ma'am?" Bumalik na ulit siya sa paghuhugas ng pinggan.

"Naniniwala ka ba sa nafall out of love?"

Matagal siyang tumitig sa akin at tila ba nag-iisip ng maisasagot.

Agad siyang umiling. "Hindi ako naniniwala. Hindi lang talaga niya nakikita ang sarili niya na kasama ka sa future mo. Hindi niya nakikita ang sarili niya na may mga anak kayong dalawa, na hanggang pagtanda ay magkasama kayo."

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon