Matapang kong tiningnan ang sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana at saka unti-unting pinikit ang aking mga mata. Dinama ang masakit na sikat ng araw kahit na mag-aalas ocho pa lamang ng umaga.
Sa ilang beses kong nakakatulog, hindi ko na napaginipan ang mga panggagahasa ngunit malakas ang kutob kong totoo ang mga iyon.
Ang pag-uusap namin ni Axl, ang mga pang-aapi sa akin ng isang babaeng nagngangalang Fae, at ang takot sa mukha ni Axl habang binabanggit ang pangalan ni Huean. Lahat ng ito ay totoo sabi ng puso ko kahit na pilit itong tinatanggihan ng isip ko.
Kailangan ko ng tulong ni Huean. Alam kong may trabaho na siya at medyo nakaluwag-luwag na kaya alam kong makakaya na niyang gumastos sa pagpapaimbestiga sa mga nangyari sa akin noon.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong tumungo sa kusina at nakita kong tahimik na kumain sina Adea at Miriam.
"Sumabay ka na sa amin, Fritzie. Kanina ka pa namin hinihintay."
Nakita kong umirap sa kawalan si Adea kaya agad kong kinagat ang aking labi bago umupo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Adea. Hindi ko na lang din ipinipilit ang sarili ko sa kanya dahil alam kong mas lalo lang mag-aalab ang galit niya sa akin.
"Anong oras out mo mamaya, babe?" ani Adea habang tinitingnan si Miriam.
"Mga five, depende rin iyon sa work load ko ngayong araw. Bakit?"
"Papasundo sana ako."
"May pasok ka sa Club Tropicana mamaya, 'di ba?"
"Yup, pero ihatid mo na lang ako roon." Nagpout siya kay Miriam kaya agad naman itong tumango.
"Sama ka sa amin?" Binalingan ako ng tingin ni Miriam kaya agad nanlaki ang aking mga mata.
"Miriam, kaya na ni Fritzie ang sarili niya. Tsaka isa pa, napakaboring niyang kasama." Lumiit ang boses ni Adea sa huli niyang sinabi.
Parang kinurot ang aking puso sa narinig. Boring naman talaga akong kasama. Hindi ako umiinom ng alak, wala akong sense of humor, hindi ako party girl at higit sa lahat hindi ko nasasakyan ang mga trip niya kagaya ng ibang kaibigan niya.
Ang sakit lang na marinig ko iyon mula sa bibig ni Adea.
"Joke!"
Agad siyang humalakhak bago nagpatuloy sa pagkain.
Umiling na lamang si Miriam at pagkatapos ay tiningnan ako.
Buong umaga akong tulala. Gustuhin ko mang makinig sa tinuturo ng propesor sa amin ay hindi iyon nadidigest ng utak ko dahil sa dami ng mga iniisip ko.
Dumating ang tanghalian habang ako ay lutang pa ring nakatingin sa may bintana. Pinasagot kami kanina at ako lang ang hindi nakasagot sa aming lahat. Nahihiya ako sa sarili ko.
"Sumunod ka na lang kung gusto mong makisabay sa amin."
Inangat ko ang aking tingin kay Adea at pilit na ngumiti.
"Hindi na, ayos na 'ko rito." Mahina ang boses ko ngunit alam kong narinig niya pa rin iyon.
"Edi huwag! Wala ka rin namang ambag sa chikahan namin." Agad niya akong tinalikuran habang nagdadabog na umalis palabas ng classroom.
Bumuntong hininga na lang ako at ibinaling ulit ang tingin sa labas ng bintana.
Siguro, ito na ang panahon upang sanayin ko ang sarili ko na ganito. Iyong ako lang mag-isa upang kung aalis man sila ay hindi ako masasaktan kagaya ng nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Fiction généraleAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...