Ilang buwan na akong nandito sa puder nina Aling Betty ang Kuya Samuel.
Mag-iisang taon na akong nandito at wala akong ibang naramdaman kundi ang pagtanggap at pagmamahal nila sa akin bilang tunay nilang anak. Itinuring din ako ni Beth na nakatatandang kapatid pati na ang ibang mga batang nandito.
Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila at hindi iba ang pagtrato nila sa akin. Nalaman ko rin galing mismo kay Aling Betty na hindi nila tunay na anak si Beth. Hindi sila magkakaanak dahil wala ng matres si Aling Betty dahil inoperahan ito dahil sa myoma.
At sa ilang buwan kong pananatili rito ay hindi ako nakahanap ng sagot sa aking mga tanong. Tinikom ko ang aking bibig at hindi na muling nagsalita tungkol sa mga itatanong ko sana.
"Doon ka, Ate. Dito rin ako."
Tinuro ni Beth ang katabing puntod gamit ang bolo habang nanliit ang mga matang nakatingin sa akin dahil sa init ng panahon.
Tipid akong ngumiti sa kanya at agad na tinungo ang puntod na nasa tabi ng puntod na kanya ring lilinisan.
Sa ilang buwan kong pananatili rito ay natuto akong maglinis ng mga puntod dahil parehong sepulturero't-sepulturera sina Aling Betty ay Kuya Samuel.
"Ate sa tingin mo, malaki ba ang ibibigay ng pamilya De Gracia sa atin?"
Kumunot ang aking noo at mas lumapit ako kay Beth. "Hindi," saad ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Tumaas ang kilay niya sa akin na para bang mali ang sinasabi ko.
"Kasi nagtanong na sila sa atin kung magkano kaya iyon lang din ang ibibigay nila sa atin, Beth."
Unti-unti siyang ngumisi habang nakatingin sa likod ko. Tumaas ang dalawa kong kilay at agad na pinasadahan ng tingin ang nasa likod ko.
Nakita ko ang agad na pag-iwas ng tingin ng lalaki na sa tingin ko ay ka-edad ko lamang. Nakapamulsa siya habang nasa ilalim ng mayabong na puno at pinagmamasdan kami ni Beth habang nililinisan ang puntod ng kanilang mga kamag-anak.
Nang maramdaman niyang nakatitig kami sa kanya ay agad niyang ibinaling ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone at agad na nagsalubong ang kilay.
"Galit ata iyong lalaki sa atin, Beth."
Tiningnan ko si Beth at mas lalong lumaki ang kanyang ngisi.
"Bagay kayo, Ate."
Nanlaki ang aking mga mata at agad siyang siniko dahil baka may makarinig pa sa amin.
"Gwapo si Kuya. Tisoy at bagay kayo dahil morena ka, Ate."
Mas nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Saan ba niya napulot ang mga salitang pinapakawalan niya?
"Huwag ka nga, Beth! Ang bata bata mo pa para sa ganito. Ilang taon ka na ulit?"
"Ate..." saad niya at agad siyang humagikgik nang tingnan niya ulit ang lalaking nasa likuran ko.
Natawa na lang din ako sa reaksyon niya bago ko ulit pasadahan ng tingin ang tisoy na lalaking nasa likuran ko.
Gwapo naman talaga. May hitsura at tisoy. Mukhang mayaman dahil sa pananamit niya at mukhang galing sa isang mamahaling paaralan. Medyo masungit ngunit mukhang mabait naman.
Nagpipigil ako sa aking ngiti habang tinitingnan pa rin siya.
"Ate, kapag lilingon iyan may gusto iyan sa'yo," sabat ni Beth.
"Beth..."
"Ate, biro lang naman ito, e!" natatawa niyang bulong sa akin habang nakatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficção GeralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...