Treinta

101 2 0
                                    

Ilang araw na simula noong pumunta kami ni Huean sa clinic ni Count. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ko kay Count noong huli kaming nagkita. Ayoko siyang personalin ngunit sa tingin ko ay naunahan lang ako ng sarili kong emosyon kaya ko nasabi ang mga katagang iyon.

Sa totoo lang nagsisisi ako sa mga nasabi ko sa kanya. Ayoko mang aminin ngunit alam kong kasalanan ko iyon.

Birthday ngayon ni Huean. Timing pa at Linggo ngayon kaya dito siya magbibirthday sa bahay dahil wala siyang pasok. Kanina pa abala ang mga kasambahay sa pagluluto ng mga pagkain dahil pupunta rito ang mga kaibigan ni Huean.

Maraming putahe ang ihahanda ng mga kasambahay habang ako ay nandito sa tabi ng pool at pinagmamasdan ang tubig.

Medyo umaambon ngayon kaya hindi mainit dito sa pwesto ko.

Hindi rin naman ako makakatulong doon sa kusina dahil hindi ko naman alam kung paano lutuin ang mga nirequest na pagkain ni Huean.

"Ma'am, medyo humahaba na po ang buhok ninyo. Hindi po ba kayo magpapagupit?"

Agad akong napalingon sa biglang sumulpot na si Mia. Ang pinakabatang kasambahay dito. Siguro, sa tantya ko ay nasa bente pa lang siya. Sayang at hindi natuloy ang pag-aaral dahil sa hirap ng buhay.

"May plano ako ngunit hindi pa ngayon."

"Maglagay po kayo ng highlights. Bagay iyon sa inyo." Ngumiti siya sa akin at hinimas ang aking buhok.

"Tsaka pakulutin niyo po iyong dulo bago niyo lagyan ng blonde na highlight."

Tiningnan ko siya kaya agad naman siyang tumango. Seryoso? Babagay ako sa ganoong ayos at kulay ng buhok?

"Alam niyo Ma'am, gawin niyo po iyong gusto niyong gawin. Hindi kagaya ko. Marami pa akong gustong gawin ngunit nabuntis ako...eto nagtatrabaho na lang upang mabuhay ang pamilya ko."

Lumapit ako sa kanya at nagsalubong ang aking kilay. "May anak ka na?"

Ngumiti siya sa akin at agad na tumango. "Opo, kambal sila...dalawang lalaki. Gustuhin ko mang hindi sila iwan ngunit ginawa ko pa rin kasi ano na lang ang ibubuhay ko sa kanila?"

"Ilang taon na ang mga anak mo?"

"Magfofour years old na."

Ibig sabihin mga dieciséis or dieciseite pa lang siya nang mabuntis siya? Ang hirap nga ng sitwasyon.

"Nasaan ang mga bata?"

Tumitig siya pool at nag-indian seat. "Nandoon sa Siargao, sa probinsiya namin."

Nasaan iyong tatay?

Binalot kami ng matinding katahimikan. Gusto kong itanong sa kanya iyon ngunit natatakot akong baka maooffend siya.

"Huwag mong mamasamain, ah? Nasaan ang..."

"Ang tatay ng mga anak ko?" Natawa siya sa kanyang sinabi.

Umiling siya at pilit na ngumiti sa akin. "Hindi ko alam."

"Masyado akong nadala sa pag-ibig. Sa tingin ko ay umuwi na siya sa Italya."

Mas lalo akong naging interesado sa buhay niya kaya pinasadahan ko siya ngunit lutang siyang nakatingin sa pool.

"What do you mean? Italyano ang tatay ng mga anak mo?"

Huminga siya ng malalim at agad na tumango. "Apo siya ng may-ari ng pinagtatrabahuhan kong resort noong nandoon pa ako sa Siargao. Nagbakasyon dito sa Pinas, nagkakilala kami at doon na nagsimula ang lahat."

Ibig sabihin nito heredero rin ang mga anak niya?

Tiningnan ko ang medyo mestisang kutis ni Mia. Hindi halatang nakatira siya noon sa Siargao dahil mestisa siya hindi gaya noong mga surfer na morena talaga. Sa totoo lang, ang daming magaganda g morena sa Siargao na kadalasan ay nakapag-asawa ng foreigner.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon