Dieciseite

130 3 0
                                    

Katatapos lang naming magsimba at nandito na kami ngayon sa isang medyo mamahaling restaurant kung saan gusto ni Miriam kumain.

Siya ang manglilibre kaya wala raw makakapigil sa kanya kung saan kami kakain.

"Matagal pa ba iyon, love?" ani Adea kay Miriam.

"Siguro, ten minutes more. Matagal-tagal pa raw talaga sabi ng cashier."

"Teka nga, sigurado kang burger lang ang kakainin mo, Fritzie? Nagdidiet ka bang bata ka?"

Para akong isang bata na pinapagalitan ng kanyang magulang.

"Hindi, Miriam. Medyo busog lang talaga ako..."

"Anong busog? Anong kinain mo, aber? Diet ka lang, e!" sabat naman ni Adea kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Hindi naman ako nagdidiet pero wala talaga akong ganang kumain ngayon.

"Conscious ka na pala ngayon, Fritzie? Sino ba iyan? Pakilala mo naman sa amin," nakangising saad ni Miriam kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Naku, kung alam mo lang...maraming umaaligid kay Fritzie sa bar. Mga mayayamang lalaki. Sinu-sino iyon?"

Batid kong napakalaki na ng ngisi ni Adea ngayon at pakiramdam ko ay napakapula na ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Hindi naman sila umaaligid sa akin. They are our customers not my suitors. Pumupunta sila sa bar upang mag-aliw at uminom hindi ang makita ako at makausap ng ilang minuto.

"Customer sila, Adea. Hindi ko sila manliligaw."

"Malay mo, baka manliligaw pa lang kaya palaging nandoon araw-araw."

Umiling na lamang ako imbes na makipagtalo sa kanya. Knowing her, hindi talaga siya magpapatalo sa akin at kahit sa kakulitan niya ay talo na ako agad.

"Sino iyong mga iyon, love?"

"Balita ko mga mayayaman daw, e. Bakit hindi mo itanong kay Fritzie? Nakachikahan niya iyong dalawa, e." Halos mapunit na ang labi ni Adea dahil sa kakangisi niya sa akin.

As far as I can remember, the one has the light complexion is Count. Iyong moreno ay si Tour...hindi ko alam kung anong pangalan noong isa. Their names are very weird for me. Unique and it somewhat sounded sexy.

Tinaasan ako ng kilay ni Miriam kaya tumikhim na lamang ako at umiling. I won't tell the names. They are not that important to me. We're not friends but I treat them nicely not because they are our customers but they also treated me with respect.

Hindi ko pa masyadong kilala iyong isa nilang kaibigan ngunit tingin ko ay mabait naman iyon. Minsan nga lang, medyo hindi ko alam ang timpla ni Count dahil medyo paiba-iba ng ugali. Hindi ko alam kung paano makisama sa kanya.

Nang dumating na ang aming pagkain ay agad naming sinunggaban ito. Buti na lang at nalihis ko ang usapan.

"Basta ikaw ha, siguraduhin mo lang na walang umaaligid sa'yo roon kundi  makikita mo, Adea."

"Huwag kang mag-alala, love. Ayoko na sa talong. Pechay na ang paborito ko ngayon," saad ni Adea kaya agad naman silang naghagikgikan ni Miriam at ito ako, walang kamalay-malay sa pinag-uusapan nila.

"Ikaw ba, pechay o talong?" natatawang saad ni Miriam sa akin.

"Hindi, ito na lang...kabibe o talong?" pagputol ni Adea kay Miriam.

"Talong..." wika ko.

"Allergic ako sa seafoods, Adea."

"Naku, hindi ako maniniwala riyan. Talong din pinili ko noon kaya maniniwala lang ako kapag may dadalhin ka na sa bahay. Iyong seryoso sa'yo, Fritzie."

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon