Agad akong napabalikwas nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat.
Ibinuka ko ang aking mga mata at nakita ko si Adea na tapos ng maligo at bihis na bihis na.
Hindi pa man nakakapagsalita si Adea ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa banyo at dali-daling naligo.
Nakakainis! Kung hindi siguro ako ginising ni Adea ay tiyak na manganganib ang mga marka ko ngayong semester.
Sa bawat buhos ko ng tubig ay may halong inis dahil sobrang tagal kong nagising ngayon kahit na araw-araw naman akong puyat sa trabaho at pagod sa pag-aaral. Nakakahiya kay Adea!
Mabilis akong natapos maligo at kumain. Imbes na suklayin ko pa ang aking buhok ay tinitirintas ko na lang ito upang hindi masyadong halata na hindi ako nagsuklay.
"Iyong P.E uniform mo?" saad niya kaya nataranta na naman ako sa paghahanap sa aking uniporme.
Napabuga ako ng hangin nang hindi ko makita ang P.E uniform ko. Bagsak ang mga balikat ko nang pumunta ako sa sala at tila naiiyak.
Ba't ang malas ko ngayon?
"Adea, wala..."
Tumaas ang dalawa niyang kilay sa reaksyon at agad na napatayo.
"Baka nandoon sa locker, Fritzie."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. What the hell? Bakit hindi ko iyon naisip?
Narinig ko ang tawa niya kasabay ng pagtapik sa aking balikat. "Kumalma ka nga. Nag-aalala na ako sa'yo sa sobrang pagkakape mo."
Wala akong kain nang pumanhik kami ni Adea papunta sa eskwelahan. Ayoko ng kumain at baka mas lalo pa kaming mahuli sa klase.
"Fritzie, hindi ka ba maglilip tint man lang? Ang putla no ngayon, ah."
Tiningnan ko si Arneli, ang blockmate ko sa tatlong asignatura. Nginitian ko lang siya at inilingan kahit na sumasakit at tumutunog na iyong tiyan ko. Mamaya, kakain ako ng madami. Babawi ako sa pagpapagutom ko ngayon.
Nang magsimula na kaming maglaro ng basketball ay nakaramdam ako ng panginginig at pagpapawis. Hindi lang simpleng pagnginginig ng katawan at pagpapawis dahil alam kong dahil ito sa gutom.
Habang tumatakbo ako sa kabilang court at inaabangan ang bola na hawak ni Queenie ay bigla niya akong siniko dahilan upang mapatumba ako.
Malakas na hiyawan ang narinig ko ngunit unti-unti itong humina dahil mas lalong umitim ang aking paningin hanggang sa lamunin ako ng antok.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon ni Adea sa clinic. Kanina pa kami walang imik ngunit sinabi sa akin ng school nurse na ayos lang naman daw ako at hindi na pwedeng hindi kumain sa susunod.
"Adea..."
Dumapo ang tingin niya sa akin at tila napukaw siya sa matinding pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hinaplos niya ang aking noo kaya napapikit ako. Iniisip ko na baka isang araw, mag-aasawa ako...maiiwanan ko rin sina Miriam at Adea. Parang ayoko. Parang sila na nga ang naging sandigan ko nitong mga nakaraang taon.
Alam kong mahihirapan din sila kung iiwan ko rin sila dahil sanay na kaming kasama ang isa't-isa.
"Ayos na ba kayo ni Adea?"
Agad siyang nag-iwas ng tingin at doon ko nalamang hindi pa talaga.
Tipid siyang ngumiti sa akin at huminga ng malalim. "Magkakaayos din," saad niya sa mababang boses.
Tiningnan ko lang siya at nakita ko ang namumula niyang mga mata kaya mapakla siyang tumawa sa akin at mahinang hinampas ang balikat ko.
"Ano ka ba, Fritzie. Okay lang ako 'no."
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
General FictionAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...