Cuarenta

223 6 0
                                    

"Ate, kumain ka na." Inilapit niya sa akin ang isang mangkok ng lugaw.

Ilang araw na ang nakalipas simula nang makalabas ako sa ospital. At sa tuwing makikita akong lutang ni Huean ay pinapangaralan niya ako.

"Ayoko muna," saad ko at inilayo sa akin ang mangkok ng lugaw.

"What do you want?" Bumuntong-hininga siya at pilit na binabasa ang aking isip.

"Do you want me to fed you?"

Umiling ako sa kanya at walang pagdadalawang-isip na kinain ang lugaw.

"There you go..." aniya habang nakatitig lang sa akin habang kumakain ako.

Ayos na ako mula sa pagkakadulas ko sa banyo. Ngunit ang tanging bumabagabag sa isip ko ay si Count.

I had a very bad dream about him. Ayokong magsalita at ikuwento dahil sisikip lang ang dibdib ko.

Ayokong magsalita dahil baka magkatotoo. Naalala ko noong isang araw, paggising ko ay umiiyak na ako kagaya ng pag-iyak ko sa panaginip ko.

Habang iniisip ang panaginip ko ay hindi ko maiwasang maisip na hindi naman talaga imposible iyon.

We are all bound to face our death at the end of the day. Sa ayaw at gusto natin ay sa lupa tayo pupulutin lahat. Oras lang ang tanging pagkakaiba.

"Huean..."

Huminga ako ng malalim nang binalingan siya ng tingin.

He eyed me with eyes full of concern.

"Ano, Ate?"

He's bugging through my mind lately because of that bad dream. I want to see him as soon as I can.

Hindi ko na siya nakita pagkatapos noong araw na iyon. Siguro, napagod na rin sa pamimilit niya sa akin.

"Do you know where is he...I mean Count..."

"Today is Sunday. Rest day niya ngayon at nasisiguro kong nandoon lang siya sa condo niya."

"Bakit?" Ngumiti ang kapatid ko sa akin ngunit nag-iwas lang ako ng tingin.

I felt the tears in my eyes when he gently caressed my back.

"Bakit ka naiiyak, Ate? Do you miss him already?"

Kung sasabihin kong oo, may pag-asa kayang babalik siya sa akin?

Of course, not! Hindi siya tanga na babalik ulit sa akin pagkatapos ko siyang itaboy nang paulit-ulit.

He's fed up with me! Kaya nga hindi na siya bumalik sa akin 'di ba? And I'm so stupid for giving him push and pull actions.

Gusto ko siyang makita ngayon ngunit ayoko siyang bumalik sa akin. Seriously, Fritzie? You fucked up all your decisions!

"H-Hindi naman...uh, wala lang." Nanginginig na ngayon ang aking labi habang nag-iiwas ng tingin sa kanya.

"Wala lang pero nanginginig ang labi mo at naiiyak ka? Wala lang iyon sa'yo, Ate?" Seryoso ang pagkakabigkas ni Huean at pakiramdam ko ay nasapul ako sa sinabi niya kaya hindi ko mapigilang punasan ang luha ko.

"Stop it, Huean. Emosyonal lang ako dahil medyo masakit pa ang mga pasa ko." Pagsisinungaling ko.

Huminga siya ng malalim at agad na tinitigan ako. Pati siya ay nahihirapan na rin akong pakisamahan.

"Promise me you'll heal yourself bago ka pumasok sa med school."

Tumango ako sa kanya at agad lumipad ang tingin sa mangkok ng lugaw sa aking harapandahil sa patuloy na pag-agos ng aking luha.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon