Uno

409 8 0
                                    

[Warning: This story contains scenes that some of you may find disturbing and not suitable for young audiences for its triggering and sensitive material. This includes bullying, suicide, sexual abuse, harassment, rape and online sexual exploitation. Please be open-minded and atleast be a responsible reader. Thank you.]

~

Pinasadahan ko ng tingin ang aking mukha sa maliit na salamin na nakasabit sa isang pako, sa ibabaw ng gripo.

Ang aking mataas at itim na buhok ay mas lalong bumagay sa maliit kong mukha. Basang-basa ngayon ang aking buhok dahil kakalagay ko lang ng shampoo kanina.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang mukha ko. Sobrang magkamukha kami ni Papa. Ang tanging namana ko lang kay Mama ay ay ang maitim at mataas kong buhok. Wala ng iba.

My face was a little bit of an Indian descent. Tinanong ko si Papa noon at ang sabi niya ay ang lola ko ay isang Indiana.

"Ate, bilisan mo riyan. Kakain na raw tayo!" bulyaw ng kapatid ko at sinundan naman ito ng malalakas ng katok sa pinto.

Agad kong pinatay ang maingay na agos ng tubig mula sa gripo at agad na kinuha ang aking tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto.

"Tapos naman na ako, Huean."

Huminga ako ng malalim at agad na pinihit ang pinto at lumabas na ng banyo.

Naabutan ko si Huean na nagkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin paglabas ko. Tumaas ang dalawa kong kilay sa kanya at agad na niyakap ang sarili.

"Bakit nandito ka pa? 'Di ba sabi mo kakain na tayo?"

Pinasadahan ko siya ng tingin at nanliit ang mga mata ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at walang paalam na pumasok sa banyo.

Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi.

Ba't hindi na lang niya sabihing natatae siya?

Sabagay, binata na rin si Huean kaya batid kong nahihiya siyang sabihin iyon sa akin. Pero 'di ba, normal lang naman iyon? Ako nga sinasabi ko talaga kung natatae o najejebs lang ako.

Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang aking bag at umupo na sa mesa, kasama sina Mama at Papa pati na rin si Huean.

Tahimik kami nang magsimula kaming kumain. Tiningnan ko sila isa-isa at nakita kong seryoso sila sa kanilang pagkain kaya ipinokus ko na lang din ang atensyon ko sa aking ginagawa.

"Huean, pakiabot nga ng pitsel." Inangat ni Huean ang kanyang tingin at agad na tumayo upang ibigay kay Papa ang pitsel na tinutukoy niya.

"Anak, hindi ko napansing mas matangkad ka na pala sa Ate mo."

Binaling ko ang aking atensyon kay Mama at agad na ngumiti. Nakita kong ngumisi rin si Huean sa kanyang sinabi.

"Baka may girlfriend na itong batang 'to," ani ko habang nakangiting tinitingnan si Huean.

Sa totoo lang, may hitsura talaga itong kapatid ko. Moreno at mapayat ngunit batid kong kapag nasa tamang edad na siya ay maaalagaan niya na ang katawan niya. Of course, he just started his journey as a teenager. Mas tatangkad pa itong batang ito sa mga susunod na taon.

"Baka ikaw, Ate. Huwag kayong mag-alala, Ma. Babantayan ko talaga si Ate," nakangisi niyang saad sabay kindat sa akin.

Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi at agad na itinaas ang isa kong kilay sa kanya.

Aba, ako pa talaga ang unang  magkakaboyfriend? Baka siya tutal marami namang umaaligid na babae sa kanya.

"Tingnan natin, Huean. Baka pagkatapos ng isang taon ay may pamangkin na ako," usal ko at agad na humagikgik nang tampalin ng malakas ni Mama ang mesa.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon