Walang pasok ngayon at nandito ako ngayon, nakaupo habang tinitingnan ang maraming pagkain sa maliit naming mesa.
"Kumain ka na, Fritzie. Ano pa bang hinihintay mo?"
Kakagising ko lang at nagising ako dahil may aksidente na naganap hindi kalayuan dito sa tinutulugan namin.
Tiningnan ko si Mama habang abala sa kanyang pagkain. Medyo tumaba ang pisngi niya dahil sa kanyang pagbubuntis. Siguro dahilan na rin sa pagiging matakaw niya sa pagkain nitong mga nakaraang buwan.
She is on her mid thirties and to be honest, she is more capable of bearing more children. Bata pa si Mama noong pinanganak niya ako. Taga-Tarlac si Mama habang si Papa naman ay taga rito lang sa Bulacan.
Habang nag-aaral si Mama sa kolehiyo rito sa Maynila ay nabuntis siya ni Papa. Ayaw ni Lola kay Papa ngunit pinanagutan ni Papa ang bata at tuluyan ng naglayas at hindi makapagtapos ng pag-aaral si Mama.
Papa is a little bit older than Mama. Sa tantya ko ay nasa cuarenta na ang kanyang edad ngayon.
Simula pa noon ay wala ng maayos na trabaho si Papa. Sa tingin ko, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ni Lola sa kanya. Both my Lolo and Lola are farmers. My Lolo died because of heat stroke. Wala na akong balita kay Lola.
Si Papa naman ay ulila na sa murang edad pa lamang. Siya na ang bumuhay sa kanyang sarili at dito nagtrabaho sa isang construction site sa Bulacan. Taga-Samar si Papa ngunit dahil gusto niyang umasenso ay nakipagsapalaran siya rito sa Maynila.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba riyan, Fritzie?" inis na saad ni Mama.
"Ang dami kasi nito, Ma. Hindi ako sanay."
Sa totoo lang, madami talaga ang nakahain na pagkain sa mesa. Hindi namin mauubos ito ngayon at sa tingin ko ay aabot pa ito hanggang sa tanghalian.
"Pwede ba, kumain ka na lang? Pasalamat ka nga at may pagkain, e! Wala ka kasing ibang ginawa kundi maging pabigat sa pamilyang ito. Buti pa iyong kapatid mo..."
"Umuwi si Huean?"
Tumaas ang kilay ni Mama at agad na tumango sa akin. "Kanina lang siya nakauwi. Kita mo, nagsasakripisyo na ang kapatid mo sa murang edad tapos ikaw?"
Tumikhim ako at tumungo na lamang. Nagsimula na akong kumain at hindi na lang pinansin ang mga sinabi ni Mama.
Hindi kami nagsabay at nagkausap ni Huean simula pa kahapon. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling lahat. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga iniisip ko. Umiling na lamang ako habang hinihipan ang mainit na sabaw ng isang komersyal na cup noodles.
Pagkatapos naming kumain ay agad kong hinanap si Huean at nakita ko siya na nasa tabing ilog habang malayong nakatingin at parang may malalim na iniisip.
Tahimik ko siyang tinabihan at parang napukaw naman ang kanyang atensyon nang makita akong tumabi sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito, Ate?" saad niya habang tinitingnan ang rumaragasang tubig ng ilog.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya ulit. "Nagpapahangin lang, Huean."
Tumango lang siya sa akin at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung nakailang buntong-hininga siya ngunit ang tanging sigurado lang ako ay may mali. May kakaibang nagaganap. At hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Siguro, dahil magkapatid kami.
"Huean, saan mo nga pala nabili ang mga pagkaing iyon?" Pambabasag ko sa katahimikan.
Ayokong mailang siya dahil sa katahimikan ka bumabalot sa aming dalawa at baka aalis siya. Hindi ko maitanong sa kanya ang mga gusto mong itanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/230405788-288-k891439.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficción GeneralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...