Dos

242 5 0
                                    

Mabigat ang pakiramdam ko paggising ko ngayong umaga. Siguro, dahil ito sa nangyari kahapon.

Hindi ko alam kung bakit ko inako ang kasalanan niya. Hindi ko alam kung bakit lumuhod ako sa tapat ni Fae kahit wala naman akong kasalanan. At hindi ko alam kung bakit ginaganito ako ng tadhana. Ayoko ng gulo kaya iiwas ako sa kahit anong makakapagpapahamak sa akin.
Hindi ako magaling doon, sa pakikipag-away.

Kahit na hindi kami marangya ay pinalaki kami ng maayos ni Mama. Pinalaki niya kami na magkaroon ng mahabang pasensya at sabi nga niya, hindi bale ng masaktan basta hindi lang makasakit ng ibang tao.

Ilang buhos ang ginawa ko bago ko ibinalot ang aking katawan sa asul kong tuwalya. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin at kitang-kita ko kung gaano ka itim ang aking EYEBAGS.

Hindi ko alam kung napansin ba nila ito. Siguro, hindi dahil hindi naman sila nagtanong kung napaano ang mga mata ko.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa mesa at nakita kong kumakain mag-isa si Mama haabng si Papa naman ay nakaharap lang sa kanya habang pinapanood siyang kumakain.

Kumunot ang noo ko at iginala ko ang aking tingin sa buong bahay. Malapit sa may pinto, nakita ko si Huean na kasalukuyang nakaupo habang pinagmamasdan kaming tatlo sa mesa.

"Ang bilis naman atang kumain ni Huean," nakangiti kong saad habang tinitingnan si Mama na masayang kumakain ng almusal.

Tumikhim si Papa at agad na inangat ang kanyang tingin sa akin. Tinapunan niya ng tingin si Huean sa aking likuran bago ulit dumapo ang kanyang tingin sa akin.

"Hindi kumain ang kapatid mo, Fritzie."

Nag-iwas siya ng tingin kaya agad na kumunot ang aking noo.

"Bakit..."

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang biglang may humawak na malamig na kamay sa aking braso.

"Tara na, Ate. Ipaubaya na natin iyan kay Mama," bulong ni Huean sa akin habang tinitingnan pa rin ang masayang kumakain na si Mama.

Dumapo ang tingin ko sa tatlong pandesal at isang baso ng kape. Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ko ang malinamnam na amoy ng kape, isama mo pa ang amoy ng bagong luto na pandesal.

Kahit na nagugutom ay tinalikuran ko na lang sila at ipinagwalang-bahala na lang ang medyo kumukulo kong tiyan.

Sabagay, kahit na magutom kami ay ayos lang basta't huwag lang si Mama ang magutom. Buntis siya at kailangan niya ng pagkain. Napakahirap ng sitwasyon naming ngayon. Walang maayos na trabaho si Papa. Minsan, pa-extra extra lang bilang construction worker at madalas wala.

Hindi bale na, basta't huwag lang kaming magkasakit ay ayos na.

Tahimik naming tinatahak ang daan papunta sa aming classroom. Nang nasa tapat na kami sa classroom ni Huean ay agad niya akong nilingon kaya tinapik ko naman siya sa balikat.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin st agad na akong nagpatuloy sa paglalakad. Kahapon pa ay hindi ako makatingin ng diretso kay Huean. Ayokong mahalata niya na umiiyak ako. At ayokong malaman niya ang mga nangyari kahapon.

Kilala ko ang kapatid ko at kahit mas bata pa siya sa akin ay mas matapang at palaban siya kaysa sa akin. Hindi papaapi. Hindi padadaig at hindi humihingi ng tawad kung hindi naman niya kasalanan. Kahit na magkapareho kami ng mukha ay magkaiba kami ng prinsipyo sa buhay.

Baka kung ano ang magawa niya kay Fae. Ayoko siyang mapahamak dahil ang alam ko ay may kaya ang pamilya ni Fae habang kami, isang kahig isang tuka at madalas kahit anong kahig ay walang matutuka.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon