Treinta y seite

107 3 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula noong nagkausap kami ni Miriam sa restaurant. Hindi na rin kami nagkita pagkatapos noon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi niya.

The death of Adea, me marrying an old and rich man and the marriage of Sauce and Jeann in Thailand.

Hindi ko halos maproseso ang lahat.

Wala na rin akong trabaho pagkatapos ng tatlong araw ko roon sa kompanya na pinagtatrabahuhan ni Huean.

"Ma'am, itatapon ko na po ba ito?"

Tiningnan ko si Mia at agad niyang nilahad sa akin ang isang dyaryo.

Nang mabasa ko ang headline ay agad ko iyong binalik sa kanya at agad na napainom ng gatas.

"Bakit nandito pa iyan? 'Di ba ipinatapon ko na lahat ng iyan noon?"  saad ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Uh, sorry Ma'am. Nandoon po kasi ito sa kwarto ni Sir Huean."

Agad akong napatingin sa kanya.

For what? Para saan pa at babasahin ito ni Huean?

"Itapon mo na iyan, Mia. Ubusin niyo lahat at huwag kayong magtira ng dyaryo sa bahay na ito."

"Opo, Ma'am."

Huminga ako ng malalim nang umalis na si Mia.

The newspaper contains news about Count and Ravlein's engagement years ago. I bought a box of it at agad ko rin namang ipinatapon iyon kaagad nang headline pa ang nabasa ko.

Ilang taon na ang lumipas at may mga dyaryo pa pala ako rito sa bahay na may kaugnayan kay Count.

Pinuputol ko na lahat ng ugnayan ko sa kanya kahit ni katiting na balita ay ayoko nang alamin pa.

Edi magpakasal sila sa Balesin at mag-honeymoon sa Amanpulo, I won't ever mind.

I have a life now at wala pa akong planong mag-asawa dahil magmemed school pa ako.

"Ma'am! May naghahanap po sa inyo!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Manang Pedrita.

"Sino iyan, Manang?"

"Iyong lalaking n-nasa dyaryo po!"

Agad na kumunot ang noo ko. Anong dyaryo? Iyon lang naman...shoot!

"Bakit niyo pinapasok? 'Di ba sabi ko naman sa inyo na huwag magpapapasok kung hindi ko kilala?"
Dismayado kong tiningnan ang naluluhang si Manang Pedrita.

"Mapilit po kasi si Ma'am. Tsaka aniya, magkaibigan po raw sila ni Sir Huean."

At naniwala naman kayo?

"Nasaan siya sa Manang?" Tumayo ako dahil parang umalab ang galit sa puso ko.

"Nasa sala po."

Maingay kong inilapag ang baso na may gatas sa mesa at agad na tumungo sa sala.

Nakita ko na prenteng nakaupo si Count habang nakakagat sa labi nang papalapit sa direksyon niya. Mas lalong umaalab ang galit ko sa kanya.

"Hindi mo ba alam na trespassing ang ginagawa mo, Doc Encienzo?" Tinaasan ko siya ng kilay at mas diniinan ang pagkakasabi ko sa huling dalawang salita.

He eyed me from head to toe at hindi napigilang ngumisi.

"Pinapunta lang naman ako rito ng magaling mong kapatid, Ms. Eliazar."

"Bakit? Mukha ba akong hayop, Doc?"

"Hayop sa ganda," saad niya at mas lalong ngumisi sa akin.

Naramdaman ko ang tuhod kong nanginginig na sa hindi ko malamang dahilan.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon