Tres

189 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay na naririnig ko mula sa labas ng bahay namin.

Nilibot ko ang aking tingin sa buong bahay at ngayon ko lang napagtantong wala na pala kami sa bahay namin. Nandito na kami ngayon sa tabi ng kalsada naninirahan.

Dahil sa gulo kahapon ay hindi na kami natulog sa apartment ni Aling Martha at napilitan kaming matulog na lamang dito sa tabi ng kalsada.

Nakita ko sina Mama at Papa na pinagmamasdan lang ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at itinuon na ang aking atensyon sa labas ng kalsada habang pinapanood ang mga sasakyang malakas na nagpapatakbo at bumubusina.

Nakikita ko rin ang iilang bata na kasalukuyang sakay ng kanilang school bus. Sa tingin ko ay taga St. Stephen ang mga ito dahil sa kanilang uniporme. Sa totoo lang, napakaswerte ng mga batang ito. Mayroon na sila lahat. Nakakapag-aral, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan ay nakakalima pa.

I can't help but to feel a little envy and jealous to those people who have a luxurious life. Iyong nandiyan na sa mesa ang lahat. Ang kailangan mo na lang ay magtapos ng pag-aaral at maging mabuting anak.  

Why is life so unfair? Bakit may mga taong kumukulo ang tiyan habang iyong iba naman ay nagpapakasaya sa kanilang buhay? Bakit ganito? Bakit napakasakim ng tadhana sa aming mga mahihirap?

"Ate, maligo ka na. Papasok na tayo."

Nilingon ko si Huean habang kinukusot-kusot pa ang mga mata at mukhang kakagising lang.

Sana naman kahit mahirap kami ay makapagtapos kami ng pag-aaral ng kapatid kong si Huean. Kung ganoon ay malayo ang mararating naming dalawa. Ayokong umabot sa puntong sasabihan na kami ni Mama at Papa na huminto sa pag-aaral dahil hinding-hindi talaga ako papayag kung iyon ang gusto nila.

Pumasok kami sa paaralan na walang kain. Dapat na kaming masanay sa ganito. Imbes na magmukmok at magdrama ay hihinga na lang ako ng malalim at lulunukin ang tila batong nagbara sa aking lalamunan.

Sa totoo lang, kahit sasabihin ni Huean na ayos lang siya at hindi siya nagugutom ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa matinding gutom. We need to give way because Mama is pregnant. Kahit na nagugutom kami ng husto basta't maayos ang kalagayan niya ay ayos na rin kami.

Pagkapasok ko sa aming classroom ay agad kong nakits ang lahat ng mga kaklase kong nakatingin sa aking habang nakangisi. Bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdamang may gagawin silang masama sa akin.

Kahit na nanginginig ang aking kamay sa gutom at sa kaba ay umupo pa rin ako sa aking upuan, hindi alintana ang pilyong mga ngiti para sa akin.

"Hi pornstar!"

Agad kong inangat ang aking tingin at nakita kong nakangising nakatitig sa akin si Melody habang nakahawak sa kanyang tumbler.

"Anong k-kailangan mo, M-Melody?" Kahit na kinakabahan ako ay tiningnan ko pa rin siya ng diretso.

Tinaasan niya ako ng kilay bago ininom ang tubig sa loob ng hawak-hawak niyang tumbler.

"Ang dumi naman ng damit mo," nakangisi niyang untag.

Agad kong tiningnan ang aking puting damit at nakita kong medyo hindi nga siya kalinisan dahil medyo nagiging luma na rin ang kulay niya. Nilabhan ko naman ito kaya lang nagiging madumi na ang kulay niya sa tagal ng panahon.

"Ayos lang, Melody."

"Gusto mo bang maging malinis iyan?"

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang ibinuhos ang tubig na nasa loob ng kanyang tumbler sa aking hinaharap.

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon