Ilang araw na ang lumipas at nandito pa rin kami sa tabi ng kalsada natutulog. Walang bago dahil wala naman kaming pera upang makarenta ng isang bahay na titirhan namin. Sa ayaw at sa gusto ko ay dito na kami mabubuhay dahil sa kawalan ng pera.
Ilang buwan na lang din ang hihintayin ay manganganak na si Mama. Mamomroblema na naman kami kung saan kami kukuha ng pera nito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa buhay ko.
Gusto kong magtapos ng pag-aaral ngunit mas naiisip ko ang aming sitwasyon ngayon. Kung magpapatuloy ako sa aking pag-aaral, sino ang gagastos sa mga pangangailangan ko sa paaralan? Sa mga susunod na taon?
Huminga ako ng malalim at agad na tiningnan ang nakakunot noo na si Papa habang umiinom ng tubig.
Tinapunan ko ng tingin sina Mama at Huean ngunit nakapokus lang ang kanilang atensyon sa kape.
Tumikhim ako dahilan upang mabaling ang kanilang atensyon sa akin.
Tumaas ang dalawang kilay ni Huean habang tinitingnan ako. Tumitig lang sa akin si Mama na para bang binabasa ang aking isipan kung ano ang sasabihin ko.
"Hindi pa po ba kayo magtatrabaho, Pa?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Papa pagkatapos ay inilapag niya ng malakas ang baso.
"May trabaho naman ako, Fritzie. Ano pa bang kailangan mo?"
Nahimigan ko ang matinding sarkasmo sa kanyang boses kaya agad akong napatungo.
Ang ibig kong sabihin ay hindi ba siya magtatrabaho na may regular na sahod. Ilang buwan na lang at may madadagdag ulit sa pamilya namin. Hindi pwedeng ganito.
"Hindi ako nakapagtapos ng hayskul kaya huwag kayong umasa na malaki ang kikitain ko sa pangongolekta ng bakal!"
Pinagdampi ko ang aking labi at agad na nagsisi kung bakit ko iyon itinanong sa kanya.
"Sorry, Pa..."
"Bakit kasi napakapakialamera mo, Fritzie? Ginagawa naman ni Ernesto ang lahat ng makakaya niya upang kumita ng pera!" turan ni Mama habang nakakunot ang noo sa akin.
Ginagawa? Eh, hindi ko naman talaga masabing nagtatrabaho si Papa ng seryoso. Nangangalakal lang siya kapag gusto niya hindi dahil kailangan namin ng pera. Paano na lang kung manganak na si Mama? Ano ang ipapakain niya sa amin?
"Hindi naman ako nangingialam, Ma..."
"Anong tawag mo sa ginagawa mo, Fritzie? Hindi bobo ang ama mo! May diskarte rin siya hindi tulad sa'yo na puro pag-aaral lang ang inaatupag!"
"Ma..." awat ni Huean sa amin.
Dumapo ang tingin ko kay Papa at nakitang kong nagsalubong ang kanyang kilay habang tinitingnan si Huean.
"Huwag ka ngang mangialam, Huean! Idolo mo talaga ang Ate mo, 'no?"
Tumayo si Papa habang namumula na ang kanyang mukha kaya napatayo na rin ako dahil sa tensyon na namagitan sa amin ngayon.
"Pa, hindi naman ako kinakampihan ni Huean," mahina kong saad habang pinapakalma si Papa ngunit mas bumilis ang tibok ng puso ko nang tumayo si Huean.
"Alam ko ang pinupunto ni Ate, Pa. Sana maunawaan mo rin ang pinupunto niya," bulalas ni Huean na may halong pang-uuyam sa kanyang boses.
Mabilis ang mga pangyayari at nakita ko na lang si Huean na nakahandusay sa sahig habang hinahawakan ang dumudugo niyang pisngi.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na lumebel kay Huean.
"Ano ba Pa!" singhal ko nang makita kong patuloy na dumudugo ang pisngi ni Huean.
Tiningnan ko si Mamaa at nakita kong nabigla rin siya sa ginawa ni Papa.
BINABASA MO ANG
MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]
Ficção GeralAbiah Fritzie Eliazar didn't had the chance to gain friends except Axl, her brother Huean and some random boys wayback. Nang magdalaga ay mainit ang pakikitungo sa kanya ng mga kababaihan dahil isa siya sa mga pantasya ng mga kalalakihan. Sino ba na...