Treinta y uno

104 2 0
                                    

Tatlong araw na akong umiiyak. Tatlong araw na rin simula ng komprontasyon namin ni Count. Tatlong araw na ring wala ako sa pokus at palaging lutang.

Nasaktan ako. Naguilty ako sa mga ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam at ang tanga tanga ko bakit hindi ko maramdamang sagad na sagad na siya sa akin. I am super insensitive!

Mahal ko na si Count. Sobrang tindi ng pagkahumaling ko sa kanya at ngayon ko lang ito nareyalisa.

"You should gather data from real people. Hindi iyong mamanipulahin niyo lang. I know you guys. Maraming estudyante ang masyadong tamad mag-execute, gutom na gutom naman makakuha ng uno. Okay, class dismissed!"

Agad na bumuntong hininga ang mga kaklase ko nang tapusin na ng propesor namin ang panghuli naming klase sa hapon na ito.

Pinanood ko silang lumabas ng room at nang makita ko ang pinakahuling estudyanteng lumabas ay kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas na ng classroom.

Ganito ako palagi, hindi ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga kapwa ko estudyante at palagi akong nag-iisa. Wala namang bago.

"Manong sa Encienzo Vet Clinic ho," saad ko pagkasakay ko ng taxi.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, nakapagdesisyon ako na kukunin ko ang atensyon ni Count. Magkakaayos rin kami. Hindi ako titigil hangga't hindi kami nagkakaayos.

Nang makababa na ako ng taxi ay agad kong pinagpagan ang palda ko at bumuntong hininga ng malalim.

Padilim na at alam kong pa-out na rin si Count sa mga oras na 'to kaya walang pagdadalawang-isip ay agad akong pumasok sa clinic.

Nakita kong nabigla ang sekretarya sa aking pagsulpot kaya agad ko siya nginitian.

"Nasaan po si Doc. Encienzo?"

Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata nang pumasok sa loob. Sumunod naman sa kanya si Count na nagmamadali at nakakunot ang kilay.

"Hi!" I tried to sound energetic but I think I just frustrates him.

Agad siyang bumuntong hininga at nilapitan ako habang nakahalukipkip. Ngayon, ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa at para akong natapunan ng hiya nang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here, Ms. Eliazar? Tapos na ang klase mo at dapat ay nakauwi ka na sa inyo."

Tumitig ako sa napakaganda niyang mukha. Why is this man so beautiful?

Napakagandang lahi ang mayroon siya!

"Can we date?"

Hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang mga katagang iyon. Ang alam ko lang ay desperada akong magkaayos kami. Baka nasa huli na ang pagsisisi at hindi ko masabi sa kanya na mahal na mahal ko siya.

He looked at me with pure amusement on his eyes. Parang hindi makapaniwala na ako ang nagyayaya sa labas.

"Libre ko. Usap naman tayo, oh."

Kahit na nakangiti ako ay hindi ko mapigilang kabahan sa ginagawa ko ngayon. This is not me!

Agad siyang umiling sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Paano ko ba makukuha ulit ang loob niya?

"Nagpapakipot ka lang, e." Hindi ko alam na nasabi ko pala iyon ng mahina.

It was supposed to be a thought! Traydor na bibig!

Nakita kong mas nagsalubong ang kanyang kilay sa aking sinabi kaya agad akong napalunok.

Naku, mas nagalit ata siya sa akin. Ano nang gagawin ko?

MAGDALENA [Broken Dreams Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon