Chapter 6

424 13 0
                                    

Yrra's

On the way na ako sa restaurant kung saan mag memeet kami ng mga kaibigan ko. Pero syempre tiniyak ko muna if ok na ba talaga si bruha at mukhang ok naman kaya umalis ako agad. Shaks late na ako, magtatanong nanaman yung mga yun. 

Agad kong nilisan ang parking lot at dumiretso sa resto. Nakita ko silang nag-uusap at halata sa mukha nila ang inis. 

Patay tayo dyan! 

"hii guys, sorry--" bat ba ang hilig ng mga tao ngayong mag-interrupt?? 

"na late ako!" sabay pang sabi ng dalawa at umirap pa talaga sakin. 

"ehhh oo nga hihi" nag smile nlng ako sakanila at umupo. 

"magpaliwanag ka huy, kanina pa kami dito halos isang oras na, tas ngayon ka lang sumipot?" Abby said and I can feel that she's really irritated. 

Wala akong ibang nagawa kundi ang ikwento sa kanila lahat ng nangyari kanina. 

"owemjiii are you freakin serious?! she hugged youuuu?!!!" naptaas na din ang kanyang boses kaya we gathered some people's attention. 

"huy tumahimik ka nga, para kang tanga dyan" tinarayan pa nga ni Jenn. hahaha ang ingay kasi. 

"ehh kasi namannnn. Pero alam mo ba, may nasesense na talaga ako, that one of you will bend" binend pa talaga nya ang kaniyang hintuturo. Tss. 

"sira senses mo Abby" I calmly said to her at uminon ng water. 

"pero how you guys doing naman? like living in the same roof is fun right??" mapanuksong saad ni Jenn sakin. gaga toh ha.

"who says??? mas mabuti pa ngang mag-isa akong tumira kaysa kasama yung bruhang yun" 

"oopps correction lang ha, fiance mo yun as in F.I.A.N.C.E at tsaka hindi kaya kayo malabong magkagusto sa isa't isa. Look at yourself guys, I know you know na mala dyosa ang ganda nyo....pero mas maganda nga lang ako" humalakhak pa ang gaga kaya napatawa nlng kami ni Jenn.

'what if you fall for her?'

but then, that thought of mine suddenly bothered the hell out of me.

"nagwo-worry ka ba about sa reputation nya?" Jenn abruptly asked, kaya napalingon ako sa kanya.

"u-uhmm yes? eh kasi baka ako pa ang sisihin nya sa mga nangyayaring toh" nakapout kong sabi. 

"pareho nyo naman di ginusto yun, pero just try it nlng Yrra, open your heart" Jenn said while smiling at tumatango naman si Abby, she probably agrees sa sinabi ni Jenn. 

"total wala ka pang nagugustuhan eh hahaha salamat nlng talaga dahil binigyan ka ng fiance besh" humagikgik pang sabi ni Abby. adik talaga.

"excuse me lng ha, straight pa ako sa buhok mo" at inirapan sya.

"baka kainin mo yang sinasabi mo ha" segunda ni Jenn. Hindi ko nlng pinansin.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin, pero agad ding binasag ni Jenn.

"I'm sure na chismiss nanaman yung si Emel at Kath sa university bukas" Jenn said. 

"at talagang hindi papasok yung gagong yun" napapailing na saad ni Abby. 

"huh bakit?" confusion is all written in Jenn's her face.

"sira baby nya" natatawang pahayag ni Abby. Hay naku baliw talaga at tsaka di ko yun sinasadya, naiinis na kasi ako sakanya kanina eh ang bastos kaya.

Euphoric FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon