Yrra's
Ilang weeks na kaming hindi nagkikibuan ni Kath. Pansin ata niyang umiiwas ako sakanya kaya ayun, ang ending wala ng pansinan ang nagaganap sa pagitan namin.
Para lng kaming hangin sa isa't isa . Nag-aalala nga daw yung mga kaibigan ni Kath, dahil daw di gaanong kumikibo. Pansin ko rin ang pagiging wala sa sarili nya.
Tss may Matthew na unggoy na sya diba? bat di pa sya masaya?
Speaking of that unggoy, nililigawan na nya si Kath, pero di sya sinagot ni Kath na puede o hindi syang ligawan, pero sadyang matigas ata ang ulo ng unggoy na yun at niligawan pa rin.
Whenever na makikita ko sila sa cafeteria na naghaharutan, ay nakakaramdam ako ng inis at sakit sa aking dibdib at bigla nlng namamasa ang aking mga mata.
At sigurado akong napapansin na yun ng mga kaibigan ko at panay tanong nila sakin kung ok lang ba daw ako, pero ang lagi kong sagot ay oo.
It's a lie
And aside from that, nakausap ko na rin si Jenn and I was really shocked of what she told me that day.
~flasback~
Kahit na wala akong gana at gusto ng umuwi ay pinili ko paring kausapin tong kaibigan ko.
Habang nasa loob pa kami ng classroom ay sinabihan ko na si Abby at tsaka na sa likuran ko lng si Jenn na may hinahalungkat sakanyang bag.
"Abby una kana ha, may pag-uusapan lng kami ni Jenn" I said.
"ha? What is it?" confused niyang tanong.
"pag-uusapan namin kong paano tapusin yang pagiging abnormal mo" I grinned.
"leche ka talaga Villanueva!" medyo napalakas ang kanyang boses kaya ang ibang tao ay nakatingin na sa gawi namin.
Pero agad akong natigilan ng naalala ko ang taong yun... yung taong palaging tumatawag sakin ng surname ko.
Hays ano ba yan
"alam mo, tumatalsik na yung laway mo sa mukha ko eh" habang pinupunasan yung mukha ko. Baka may virus pa toh.
"bahala nga kayo dyan" tsaka nya kami iniwan.
"napikon ata" Jenn said while following Abby by her eyes.
"let's go na, mag-uusap pa tayo" I said tsaka pumuntang parking lot at kanya kanyang pumasok sa sasakyan.
~~~
We finally arrived sa coffee shop at nag order na rin.
Inantay pa naming dumating yung inorder namin before we talked.
"so what is it?" I started.
She's fidgeting at hindi sya mapakali kung saan ilalagay ang kanyang kamay. Ganito sya pagkinakabahan.
"oh chill ka lang huy" I laugh.
"ano--" habang nakayuko.
"anong ano?" I asked her tsaka sya titnitigan.
"I-I like h-her?" nauutal at di siguradong tugon nya.
"ayusin mo nga, para kang ano eh" while sipping the coffee.
"I said, I like her" di parin sya makatingin sakin ng diritso.
"what? I can't hear you" habang nilalapit ang aking tenga sa kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
Euphoric Feeling
FanfictionREMINDERS!!! This is a girlxgirl story kung ayaw mong magbasa ng ganitong kwento, edi wag. In this story kailangan mo maging open minded at kung homophobic man ikaw ay wag mo ng basahin pa dahil sigurado akong hindi ito ka aya-aya sa iyong utak at m...