I'll listen
"Grabe, hindi pa rin ako makaget-over, Ate! I'm still all over the moon right now!"
Ramdam na ramdam ang galak sa boses ni Millicent kahit pa sa telepono lang kami magkausap.
Gabi na nang matanggap ko ang tawag niya. I was already home from Davion's. Kakatapos ko lang maligo. She called me after she got home from going out with Alister.
I chuckled. "You're that happy?"
"Super!" she animatedly said "I actually offered to split the bill but he insisted on paying for everything! I mean— that could only mean one thing diba? What do you think, Ate? Ano kayang ibig sabihin non?!"
Kilig na kilig ang boses niya. It was full of excitement. Bago pa man ako makapagsalita ay dinagdagan niya na ang litanya.
"Nabasa ko dati that men do that so the girl would want to treat the guy naman next time! In short, para masundan ulit yung date! When in fact, hindi pa rin naman nya hahayaang babae ang magbayad sa susunod." she giggled. "And the cycle repeats!"
Walang mapagsidlan ng tuwa niya. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa tono. I could only smile while hearing her utmost delight.
"Ngayon lang ata kita narinig na ganyan kasaya." ngiti ko "I remember in highschool.. tuwing pagkatapos ng theater plays natin, a lot of guys would come backstage to give gifts. But you were always unenthusiastic about it,"
"Hindi naman kasi ako interesado, Ate Einj.. This time, it's different. Iba si Ali.. No one affects me the way he does," she paused. "Hindi pa rin ako makapaniwalang.. I got to spend time with him alone."
Tipid na umangat ang sulok ng labi ko. "I'm sure you had a great time. I saw your story.. Sana ay nag-picture kayo together para may remembrance,"
"Gusto ko rin sana.. but I was too shy pa to ask for a photo with him. Next time na lang..."
She told me about the movie they watched. Kinwento niya rin ang ilang detalyeng naganap kanina sa pagitan nila ni Ali.
Nang parehong makaramdam ng antok ay saka lang kami nagpaalam sa isa't isa.
"Thank you talaga, Ate Einj! I owe this all to you.."
Hindi na ko nahirapang makatulog pagkababa tawag. Marahil dala na rin ng pagod para sa buong araw.
Kinaumagahan ay sinamahan kong mag-enrol si Ali tulad ng sinabi ko. Hindi ko na siya masyadong inusisa tungkol sa lakad nila ni Milli. I tried once. Isang tanong lang at hindi na ko umulit pa. Pano ba naman kasi ay masyadong tipid ang sagot niya. Halatang tinatapos agad ang usapan. Dead end.
Pagdating namin sa Univ ay walang pila sa registrar kaya't siya na agad ang inasikaso.
Naupo ako sa waiting chair sa may hallway habang nagfifill-up sya sa window.
"Einj?"
Umangat ang ulo ko mula sa phone.
"Raven," gulat na bati ko. "What are you doing here?" tanong ko bago tumayo para ibeso sya.
"I could ask you the same thing. Bakasyon mo pa ah? Kami, we were just starting to tidy up the studio for the opening of the semester."
"Really? Who are you with?"
Sumingkit ang mga mata niya. "You didn't open the group chat?"
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...