47th

22K 957 351
                                    

Crash



Hindi na naproseso ng utak ko ang mga sunod na sinabi ni Elcid.


His voice was still audible yet his words barely registered in me. Tanging ang mga nauna niyang sinabi lamang ang tumatak sa isipan ko.


The next thing I knew, I was already bidding goodbye to Milli and dashing my way to Revel.


Mabilis ang pintig ng puso ko habang nagmamaneho. Dinampot ko ang phone sa dashboard upang tawagan si Alister ngunit bumagal ang galaw ng kamay ko nang mapagtantong wala akong numero niya.


"Hello, Milli?" I ended up calling her instead. "Can I get Ali's number? I should've asked for this before I left.. Nawala sa isip ko," I bit my lip. I was too out of it earlier.


"He didn't change his number, Ate. Ganun pa rin, tulad ng dati."


I then tried calling his old number but all I get is an automated response. Hindi ko mawari kung patay ang phone niya o ano.


Kung anu-anong pumapasok sa utak ko. I suddenly remembered what Elcid said. That he beat the crap out of him. Lasing pa umano ito.


Humigpit ang kapit ko sa manibela. What if he completely passed out in the middle of nowhere and something happens? Damn.


Aligaga ako nang makarating sa Revel. I looked for every table, every corner, and every spot. Pero wala. Hindi ko siya nakita. Tinanong ko rin lahat ng pwedeng pagtanungan. If a room was booked under his name or something. But still.. there was none.


Bigo ako nang bumalik sa sasakyan. Nangangatog ang tuhod sa mga ideyang pumapasok sa isipan. No trace of him was left there anymore. Fuck. What could have happened to him?!


Wala akong nagawa kundi ang magmaneho pauwi sa towers. Tila hinihigop ng pag-aalala ang lakas ko. Nanghihina habang nakasandal sa dingding ng elevator. Pakiramdam ko'y nalulula ako habang paakyat ito.


Humugot ako ng malalim na hinga nang tumunog ito, tanda na nakarating na sa tamang palapag. Nang magbukas ay pinilit ang sariling lumabas sa kabila ng panlalambot.


Bagsak ang balikat ko nang lumiko. Unti-unti lamang bumagal ang mga hakbang nang may matanaw sa tapat ng unit ko.


Right in front of my fucking doorstep is Alister. He can't even stand straight anymore. Kahit sa malayo ay bakas ang mga pasa at galos nito. His bruises shone with some trace of blood. Ang kamay niya'y nasa gilid ng tyan at animo'y namimilipit.


A lump form in my throat. Parang gusto kong murahin si Elcid.


Nilunok ko ang bara sa lalamunan at tinuloy ang paglalakad. He might have felt my presence as he heard the footsteps. Umangat ang ulo niya palingon sa direksyon ko.


His eyes instantly dilated as he saw me. Pinilit nitong tumayo nang tuwid at humakbang palapit sakin.


"Einj.." there was urgency in his voice, he held my arms as soon as we closed the gap. "Your boyfriend is cheating on you–"


"Ali," I sighed. "Nagkakama–"


"No, I'm sure of what I saw! He was very intimate with the girl he was with–"


"Hey," hinaplos ko ang kamay niya. "Calm down.."


Natigilan siya, bahagyang naibsan ang pagpupuyos. Nakita ko pa ang paglunok niya.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon