7th

21.5K 925 236
                                    

Umalis



Halos hindi ko na muli pang nahanap ang sariling boses matapos ang nangyari. I cleared my throat when we were already walking towards their gate. I tried to act as normal as possible.


"Iniimbitahan nga pala kayo nila Mommy sa bahay... Doon na raw kayo mag-dinner bukas," kaswal na wika ko.


Hindi sya tumingin sa akin ngunit napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kilay nya.


"Para saan?"


I bit my lip. "Munting salu-salo lang para i-welcome kayo rito sa Calle Nueva.."


"Wag na kayong mag-abala pa." he dismissed in a monotone.


Bahagyang bumagal ang mga hakbang ko.


"Ayos lang. Gusto rin kasi kayong makilala nang lubusan nila Mommy—"


"Hindi na kailangan." putol niya.


Natigilan ako. My forehead creased. Hindi na kailangan o hindi mo lang gusto?


"Ayaw mo?" diretsong tanong ko.


Umasa akong tatanggi siya o magpapanggap man lang na hindi iyon ang ibig niyang sabihin ngunit hindi. Napanganga ako nang tumango siya.


"Oo."


Binuka ko ang bibig upang magsalita ngunit hindi na natuloy. Natutop na ang sariling labi.


I inwardly shut my eyes close and breathed deeply to calm my self. I gazed at him collectedly. I don't wanna cause another ruckus. I'm sure he has his reasons.


"Hindi kita pipilitin kung ganon.." wika ko. "Kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Bukas ang tahanan namin para sa inyo. Pwedeng-pwede pa rin kayong pumunta,"


Naghintay akong dugtungan nya ang sinabi ko ngunit hindi na sya nagsalita. Wala na kong narinig pa mula sa kanya. 


Nang makarating kami sa mismong gate nila ay huminto ako at bahagyang humarap sa kanya.


Napatigil din sya sa ginawa ko.


He turned to me with question in his eyes. 


"Yung sa kanina pala.." lumunok ako. "Tingin ko may punto ka naman,"


His brow raised. Nasa akin na ngayon ang buong atensyon nya. 


"Pero sa palagay ko... mas mabuti kung sa susunod ay maging mas sensitive ka sa nararamdaman ng iba," wika ko. "Take initiatives. Offer nicely. Treat the people around you with warmth and kindness. Make them feel that they are important and special."

Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon