30th

21.2K 948 343
                                    

Hule



Sa mga sumunod na araw ay naging abala ang lahat sa pagpaplano at paghahanda para sa selebrasyon ng kaarawan ni Davion.


What we usually do during birthday parties is to either rent a town house or a high-end bar. Pero dahil ayaw ni Davion mag-imbita nang marami ay nag-desisyon kaming idaos na lang ang party sa rooftop nila. It will be kept intimate. Only the squad and those within the circle will be there.


It won't be a pool party pero dahil may jacuzzi sa rooftop nila Davion ay ihahanda na rin iyon para magamit kung sakaling may gustong mag-swimming. We have a different concept in mind though.


Excited ako para doon kaya naman inaabot ako minsan nang magdamag sa pagsu-surf ng mga pwede naming magamit. I'm often on the internet browsing stuff for the party. Kaya naman kahit disoras na ay lagi pa rin akong active sa groupchat nitong mga nakaraan.


Tumigil ako sa pagso-scroll nang may mag-notif na message doon.


Cal:

guys


Einj:

yes


Cal:

madaling araw ang tawag pero bakit ang hirap? :(


Einj:

why, whats up?


Nakita kong online din si Davion dahil nag-appear ang icon ng display picture nito sa ibaba. Seen lang at walang reply.


Cal:

inabot na ko ng 2AM kakareview :(


Einj:

what? ang lala naman :( anong oras ka ba nagsimula


Cal:

1:45


Einj:

PM?


Cal:

AM


Napaawang ang labi ko.


Davion:

siraulo


Three days before the party ay halos ayos na ang lahat. Masaya rin ako dahil kasali si Ali sa pag-aasikaso. Kasama ko siya sa pagbili at pagpick-up ng ilang kailangan.


"Pabalik na kami. Nakausap niyo na yung supplier ng drinks?" I asked on the other line.


Si Aysen ang kausap ko sa telepono pero rinig ko sa background ang boses ng mga kaibigan.


"Oo, na-contact na ni Adea." I heard a short beep as he put me on loudspeaker.


"Alright. Make sure na may non-alcoholic punch ah? For Rae and Aki's friends,"


"Tss, umiinom na yan si Aki. Di na yan baby," dinig kong kontra ni Davion.


Napairap ako. Sumulyap sakin ang katabing si Ali na abalang nag-mamaneho.


"I know. I meant for their batchmates who are coming."


We were all trained to work on our tolerance at 16 kaya't walang kaso saming magkakaibigan iyon. Si Aysen lang ang hindi umiinom samin. He's not into drinking. There's no grand reason behind. He just really don't drink. By choice.


"Don't worry, Einj." singit ni Adea. "Nag-order din ako ng alcohol-free na beverages."


"Great! See you then. Lapit na kami,"


"Einj, pasalubong! Sandwich platter na lang. Daan kayong Subway," Cal interjected.


"Alright, tignan ko kung meron pang along the way."


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon