45th

22K 843 260
                                    

Desidido



"Cal, you meddled with my instagram again?" bungad ko sa kabilang linya.


Naghahanda na ko papasok sa trabaho nang mapansin kong andaming posted pictures sa stories ko mula sa trip namin sa Tagaytay kahapon when I clearly don't remember uploading even one.


"Hindi lang ako ah? Sila Davion din naman,"


Umikot ang mata ko. Halata nga! Tadtad iyon ng mga mukha nila. May mga videos pa! Puno na naman tuloy ng reactions mula sa fangirls nila ang inbox ko sa Ig.


"Ang pilosopo mo!"


"Nagpaalam kaya kami sayo," pa-inosente pang sabi niya.


"Hindi kaya! Wala 'kong maalalang nagsabi kayo,"


"Tss.. that's because you were asleep the whole time yesterday,"


"I wasn't!"


"Yeah you were awake for like an hour or two," sarkastikong aniya. "Only when we had to eat or walk."


Suminghap ako. Sus! Ginawa pang dahilan yung matinding antok ko kahapon. Eh gawain naman na talaga nila 'yon tuwing may lakad kami.


Binuksan ko muli ang sandamakmak na litrato at binura na lang ang iba. Ang dami kasi! Meron din sina Aysen. Pati ang pagtulog ko ay hindi pinalampas! May isa sa van at isa sa picnic grove. Nakatungo ako sa lamesa habang naka-pose si Elcid sa tabi ko. They all teamed up for this, I see.


I was shaking my head while deleting the chaotic ones. Tinira ko lamang ang group photos namin sa Sky Ranch.


Sino ba naman kasing hindi aantukin matapos ang nangyari nung isang gabi? Puyat na puyat ako bago ang byahe namin kahapon. Halos hindi ako nakatulog kakaisip. Nakaidlip man ay dahil lang sa pagod at alak.


"Cheka, ayoko na ayain ulit mag-inom si Engineer!" sumalampak si Chris sa bakanteng monoblock sa tent namin. "Mainit pala ulo niya pag may hangover!"


Kahit abala sa laptop ay nakiusyoso pa rin si Maricon. "Bakit? Anong ganap kahapon?"


"Basta! Badtrip siya buong araw! Swerte niyo nga wala kayo rito kahapon eh! Susme, sana pala nag-absent na lang din ako!"


Nanatili ang tingin ko sa binabasa. Hindi na nakisali pa sa usapan nila. Nagsisisi pa rin ako na hinayaan kong mangyari ang hindi dapat noong gabing iyon. No amount of alcohol can justify my actions. I should have been more responsible. Napasubo ako masyado sa pag-inom gayong hindi ko naman kayang kontrolin ang sarili ko paglasing.


Tuwing naiisip ko si Milli ay parang pinapatay ako ng konsensya ko. I shut my eyes close in frustration. She doesn't deserve this. I'm beyond remorseful. Hinding-hindi ko na hahayaang magkaroon pa ng anumang interaksyon sa pagitan namin ni Ali. Ang tamang gawin ay iwasan siya nang buong-buo. I feel like I'll repent for this my whole life.


"Sis, sa loob niyo na gawin 'yan!" aya samin ni Chris sa office. "Para naman may kausap kami ron! Ang tahimik eh,"


"Sige, tara! Init na rito eh," ani ni Maricon na agad nang sininop ang mga papel. "Ipapasok mo pa ba bag mo, Einj? Yung akin iwan ko na lang,"


"Uh.. dito na lang ako. Walang matitira dito sa tent eh. Baka may mawala," palusot ko.


"Ganun ba? Sige pabantay na lang din ng gamit ko ah? Sunod ka na lang samin pagbalik nila JJ,"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon