29th

20.1K 1K 949
                                    

Ang tigas



It wasn't just a spur of the moment.


I knew coz it lasted... long.


Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib buong oras. Right from the second our lips locked up until now that his tongue is moving.


Ang init. Nakakapaso. The insides of his mouth. His hands on my jaw and hair. His body pressed against mine.


Sa bawat halik, may ritmo ang galaw ng ulo niya. Even his body was yielding. Nakakadala. Nakakahawa. Ni hindi ko namalayang sinasabayan ko na pala.


The strands of his hair feel ticklish against my palms. Malambot at banayad. Humihigpit lamang ang hawak ko tuwing nakakagat niya ang labi ko.


The way he explores my mouth.. it was very sensual. Every stroke. Every fondle. His tongue transcends. My grip on his hair tightens everytime I feel a hungry suck from his lips.


Nahigit ko ang paghinga nang marinig ang pag-ring ng sariling telepono mula sa bulsa.


Natigilan kami. Nabitin sa ere ang bawat galaw. Nanigas sa pwesto ang mga kamay.


Lasing pa rin ang mga mata ni Ali nang humiwalay ako. Mapungay at bagsak pa rin sa labi ko. Bahagya pang nakaawang ang kanya. His lips are so.. red and puffy. Damn. A trace of my tint was even left on him.


"Hello.." my voice was croaky. Tumikhim ako habang inaayos ang sarili.


"San kayo? Uwi na kami," it was Cal on the other line.


Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang mabagal na mga galaw ni Ali. He's already fixing his self too.


"Uh.. sa parking,"


Ngayon ko lang napagtantong nasa loob pa nga pala ng resto ang bag ko. Even Ali's, I think. We both left it inside.


"Alright. Hatid ko na lang muna dyan gamit niyo,"


Nagpasalamat ako kay Cal bago natapos ang tawag. I was glad he was the only one who went out to bring our stuff. Wala si Davion o sila Tita.


Bumaba kami ni Ali para kunin ang gamit sa kanya. Cal's brow arched upon seeing us.


"Taenang mga buhok 'yan,"


Uminit ang pisngi ko sa halakhak niya. I forced to cut short the interaction since he just keeps on snickering. Para daw kaming galing sa giyera. At mukhang matinding labanan daw ang naganap.


"Ginawa mo sa tropa ko, men? Hinay-hinay naman. Parang may gigil eh,"


Tinulak ko na si Cal paalis dahil ayaw pang tumigil. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang init. Parang sasabog na ko sa kahihiyan.


Hindi na tuloy ako makatingin nang diretso kay Ali nang kami na lang ulit dalawa ang magkasama. All thanks to Calcifer for making things worse. Dala ko ang pagkailang hanggang sa pag-uusap namin ni Ali sa telepono bago matulog.


"You sleepy?" aniya.


Marahil napansin ang pagiging tahimik ko pati na ang tipid na mga sagot.


"Uhm.. medyo.." sabi ko na lang kahit hindi naman talaga.


Imposible atang makatulog ako nang matiwasay matapos lahat ng nangyari sa araw na 'to lalo na yung sa kotse kanina.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon