DP
Mali si Elcid. Iyon ang napagtanto ko. I'm not pushing myself too much to Ali. And it's not that he doesn't like letting people in his life either. Kaya walang rason para dumistansya ko sa kanya.
"Who are you texting?" umangat ang kilay ni Ali habang nagmamaneho.
Pauwi na kami ngayon matapos ang first official game nila. Nanalo sila tulad ng inaasahan. I knew they would. Their improvement were vast just after a series of trainings. Idagdag pa na medyo kulang yata sa ensayo ang una nilang nakaharap.
"Milli," sagot ko.
Milli:
Received the photo na ate :) Will make this my wallpaper and lockscreen! Thank you!Einj:
You're welcomeMilli:
Grabe hindi pa rin ako makapaniwalang may picture na kami together! Kinikilig ako! Isang sabi mo lang kanina, pumayag na agad siya. Para bang gusto niya rin!I subtly shifted on my sit. Sa mga nagdaang araw ay bumalik na sa normal ang lahat sa pagitan namin ni Ali. Ngunit habang tumatagal naman ay hindi na ko nagiging kumportable tuwing kinakausap ako ni Milli tungkol kay Ali.
Partikular na tuwing may hinihingi siyang pabor o pakiusap na sangkot ito. I'm finding it hard to just say yes to her these days. Lalo pa dahil miski si Ali ay sinasabi ring tigilan ko na iyon. He himself is getting sick of the extra commitment during weekends. He'd rather stay at home and sleep, he said.
Bumuntong-hininga ako at tinabi na lang ang phone, hindi na nag-abala pang mag-reply.
Sumulyap sakin ang katabi.
"You have plans for tomorrow?"
Napaisip ako.
"Nothing in particular. I might go to Landers in the morning though.. Mom asked me to do the grocery,"
"What time?"
"Mga 10 AM siguro.."
Tumango siya.
"Your car or mine?"
"Hmm?"
He glanced at me. "Aling sasakyan ang gagamitin natin? Yung sayo o akin?"
"Sasama ka? You just went to the supermarket recently.. May kailangan ka na ba uling bilhin?"
Tipid niyang pinilig ang ulo. "Wala.."
"Kung ganon, bakit ka sasama?"
"Gusto lang kitang makasama." walang kaabog-abog na sabi niya. Not even bothering to throw me a glimpse.
Napaawang ang labi ko. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Siya ang may nakakahiyang sinabi pero bakit ba ako ang nahihiya?
I can't with him. Ni hindi man lang siya nag-aalinlangan tuwing magsasalita. He just say whatever is on his mind. Tingin ko'y hindi ako kailanman magiging handa sa mga ganitong pahayag niya.
He doesn't sugar coat things. It's either he'll say it bluntly or he just won't say it at all. Masyado siyang lantad. That's one thing about him which I think I'll never get used to.
Maaga akong nagising sa sumunod na araw. It's a big deal for someone like me who isn't much of a morning person. Ayaw ko mang aminin ay halata namang may nilu-look forward ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...