33rd

19.8K 994 374
                                    

Divine



Hindi iyon nawala sa utak ko hanggang pag-uwi. Nilalaro ko ang labi habang panay ang lipad ng isipan.


Einj:

Hi, Milli! Can I call?


I bit my lip. Pinatong ko ang phone sa tyan at binalik ang pagkakatitig sa kisame. Alam kong gabing-gabi na at marahil ay tulog na sya ngunit hindi ako matahimik. I better try my luck at least.


I flinched when my phone vibrated. Hindi makapaniwalang gising at nakapagreply pa ito.


Milli:

Sure


Iyon lamang ang sabi niya. I cleared my throat before dialing her number.


Kabado pa ko nang marinig ang boses niya. I tried to keep everything as precise as possible. I don't wanna waste her time. Malalim na ang gabi at siguradong gusto niya na ring magpahinga.


"I was just wondering kung free ka bukas?" dahan-dahang tanong ko.


"No. May theater play kami eh. The one I told you about.. Yung nakuha ko ang role ng female lead. Bukas na ang first show,"


"Oh, right. I didn't know it's gonna be by tomorrow. Best of luck!"


"Speaking of that..." tikhim niya. "Can you.. make Ali come and watch? I've been meaning to let him see me perform. Gaganahan ako kung manonood siya."


Natigilan ako.


Nood lang naman.. She'll surely be inspired if she can show Ali what she loves doing.


Lumunok ako. "Sige. Send me the schedule and I'll let him know,"


"Great! I'll send a free pass!"


Magpapaalam na sana siya pagkatapos noon ngunit humabol ako.


"How about the day after tomorrow, Milli? Available ka ba?"


Natagalan bago siya sumagot.


"I'm not sure. Para san ba?"


"May bagong bukas na coffee shop. I'd like to treat you. And also, I have to tell you something,"


"I'll see. I'll let you know if I'm free,"


Nakahinga ako nang maluwag. Kahit hindi pa sigurado ay malaking bagay na iyon. Nagpasalamat ako sa kanya bago nagpaalam.


The next day was quite a busy day for me. Mayroon akong broadcasting schedule. Bago pa man magsimula ay abala na ang mga tao sa studio.


"On Air na tayo in 5 minutes. Standby ka na Einj," ani ni Jazz habang tinitimpla ang audio.


"Alright, nasan na raw si Raven?"


"Parating na. Kakatapos lang ng class,"


Tumango ako at nagsuot na ng headphones.


"Oh, ba't iba yang gamit mo?"


"Uh.. Elle told me to use this one instead. Sya na raw kasi ang gumagamit nung isa."


Umikot ang mata niya. Sinermonan niya pa ko tungkol sa pagsunod sa mga sinasabi ni Elle. Aniya'y wag ko raw intindihin ang mga kaartehan nito. Namimihasa raw kasi sa pagiging mapagmataas dito.


"Sshh!"


Louie, a first year member, hushed the audience outside the glass windows of the studio.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon