Kiss
I just knew things are already different from then on.
Hindi ko mapangalanan pero alam kong iba na. It's my first time feeling these things.. kaya't alam kong iba iyon sa lahat. I've never once felt this before. Ngayon lang. Bago sa akin ang lahat.
"Ate, sige na. Last na 'to promise. Please convince him to go out with me again this weekend. Huli na 'to,"
Hindi ko maituon ang atensyon sa practice game ng team dahil panay ang alog ni Milli sa braso ko.
As usual, nandito ulit sila para manood. She instantly went straight to me as soon as they came. Nasa kabilang bleachers ang mga kaibigan niya habang nakatabi siya sakin.
I sighed. "Yan din ang sabi mo nung nakaraan.. Akala ko last na yun?"
"I know. Pero totoo na 'to this time, Ate. Gusto ko lang uli siyang makasama. We rarely see each other at school. Please. Minsan lang naman ako humingi ng pabor sayo.."
I bit my lip. "Hindi ako sigurado, Milli. I'm sorry.. Sinabi na rin kasi sakin ni Ali na gusto niyang magpahinga tuwing weekends,"
Nag-iba ang timpla ng mukha niya. Binitawan niya na rin ang braso ko.
"Grabe ka naman, Ate Einj. Hindi ka na mapakiusapan. Akala ko ba tutulungan mo ko? Bakit parang ayaw mo na?"
Umarko ang kilay niya. Hindi ko alam kung bakit tila bigla akong kinabahan. Ramdam ko ang kabog ng dibdib.
Nahihirapan talaga kong tanggihan lang siya basta. I know I told her I'll do what I can do to help her get close to Ali. Akala ko'y sapat na ang ilang paglabas nila para maging malapit sila sa isa't isa tulad ng gusto niya. Yet this seems never-ending. It's like a repeated cycle that keeps on going. And I do not see the end to this. Hindi ko na alam ang gagawin.
Tumikhim ako. "Hindi naman sa ganon, Milli.. Pero kasi, medyo nahihirapan na rin akong kumbinsihin si Ali.."
Sa paglambot ng tinig ko'y nakita kong nabuhayan siya kahit papano. She reached for my arm again.
"Sigurado akong papayag siya, Ate. He listens to you. Atleast tell him to reply to my text too. Alam kong busy lang sya kaya't hindi siya nakakasagot pero nag-aalala pa rin kasi ako,"
Nagpatuloy pa rin sa pangungumbinsi sakin si Milli. I'm starting to feel edgy as she continuously nudge my arm.
"Einj." I heard Adea's cold voice.
Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig.
I was welcomed by Adea's brooding eyes staring at the pair of hands on my arm, looking intimidating as she usually do. Naka-french braid pa ang buhok at halatang galing sa practice. Mahigpit na nakakapit sa braso niya si Rae na parang batang nagsusumbong.
Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko nang makita sila. Tila nabuhayan ako.
Lumipat sa akin ang mata ni Adea. Still looking like that of a hawk.
"I brought something. Let's eat," aniya sakin, bahagya pa ring nakaangat ang kilay.
Matapang at nakakatakot pa rin ang mga mata nya. Tinapunan niya ulit ng tingin ang katabi ko. Ramdam ko ang pagluwag ng nanlalamig na kamay ni Milli.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...