19th

20.3K 1.1K 1.2K
                                    

Isa lang



"Hindi ko na pinatulan. I choose my battles wisely. Not every victory is worth fighting for, anyway.." Seya shrugged while talking about the hate post made against her on the online Freedom Wall of our University.


Pangatlong araw pa lang ng klase at ngayon ay sabay na kaming dalawa papunta sa classroom ng Speech Comm.


Kung may bestfriend akong maituturing dito sa school bukod sa mga kapitbahay, it would definitely be Seya. Kami yung tipo ng magkaibigan na kahit matagal hindi magkita o mag-usap ay wala pa ring nagbabago. That's our kind of friendship.


Napangisi ako. "Para kang si Adea.. You sounded like her just now,"


"Sus, don't let that girl hear you say that. Isa pa yon na galit din sakin eh,"


"Huh? Hindi ah! She doesn't hate you!"


"Yeah? Kahit halata namang ayaw niya kapag sumasama ko sa inyo ng mga tropa mo?" natawa pa sya.


"Nah.. She just dislikes your guts. Sabi niya sakin parang ang reckless mo raw. Well yeah... you're more of the spontaneous type kasi, while si Adea.. she's the exact opposite. Always composed and never impulsive."


"See? Then bakit mo sinasabing parehas kami?" halakhak niya.


"Pareho kayong malakas ang loob," irap ko. "You both don't give a damn about bullshits too. I swear, kung makikilala niyo lang nang maayos ang isa't isa, mas magiging close pa kayo kesa sating dalawa."


"Hnng, no." she pouted dramatically. "Yoko nga. Payag ka agawin niya bestfriend mo?" kinulong niya ko sa akbay niya. "Wag. Bawal. Sayo lang ako. Einj lang Calle Nueva baby ko," aniya habang pinapaulanan ako ng halik sa pisngi.


Tawa siya nang tawa habang panay naman ang kawala ko. Nakarating kami ng classroom sa ganoong estado.


"Ooh.. what's this?" wika ni Seya habang papalapit kami sa upuan ko. "Hmm Toblerone... Ferrero.. Seriously?" halakhak niya habang iniisa-isa ang mga nakapatong sa lamesa ko.


Lumapit ako at inangat ang maliit na note. I read what's written on it.


"Kanino galing?" natatawa pa ring tanong ni Seya.


"Isaiah.."


"Oh.. the first year guy? Ekis. Auto pass na agad pag mas bata, Einj. The older the better,"


"Baliw,"


"Go for that 4th year suitor of yours. Ano nga ulit pangalan non?"


"Theo?"


"Right. Matagal nang nagpaparamdam yun sayo diba? Ayun na lang,"


Napailing-iling na lang ako sa kalokohan niya. Alam niya naman kasing wala pa sa plano ko ang pumasok sa relasyon. I always say I won't take up any suitor unless I really felt 'it'.


Sa ilang taon na may mga nagparamdam, wala pa talaga. I haven't felt the euphoria yet. Yun lang naman ang hinihintay ko. Seya always tease me for being such a hopeless romantic but I don't mind naman.


Natapos ang klase namin sa Speech Communication kasabay ng paghikab ni Seya.


"San ka after this, babe?" aniya habang nagliligpit na ng gamit.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon