46th

21.4K 883 519
                                    

Sapak



I'll stop working on the documentary.


Iyon ang napagdesisyonan ko sa huli. I'm not quiting coz I accept defeat. I'm quiting coz I want myself to win. Right now, attaining inner peace is the greatest victory I could ever wish for.


Alam kong mabigat ang magiging kapalit ng pagbitaw ko sa proyekto ngunit mas gugustuhin ko na iyon kaysa ang magdusa araw-araw. Maraming tao man akong mabibigo sa pasya ko ay may isang mas mahalagang bagay naman akong natutunan sa nakaraan. In life, you will disappoint a lot of people when you choose what's best for you. And that's okay.


It's been hard to come up with this choice. Mahirap dahil maraming dapat isaalang-alang. Kailangan ng tapang at lakas ng loob para piliin ang sarili. At masaya ko dahil meron na ako ng mga yon ngayon. Mga bagay na wala ako noon.


Mugto ang mata ko nang lumabas sa bahay noong hating-gabi. It's past twelve midnight and I'm out to grab something to eat.


Mula nang umuwi galing trabaho ay sumubsob lang ako sa kama. Nag-iisip. Pinaplano ang resignation sa makalawa. Wala kaming shoot mamaya kaya't may panahon ako para makapagpahinga.


I was preoccupied the whole time. Hindi na sumagi sa isip ang pagkain. Ngayon lang tuluyang nakaramdam ng gutom. Oversized hoodie lang ang suot ko nang magpunta sa malapit na fastfood chain.


Hindi na ko nagulat nang maabutan sina Davion at Cal na naka-dine in doon. Ilang beses nang nangyari to. Each of their towers are both nearby. Si Calcifer ay hating-gabi lang madalas nakakapunta sa mga ganitong kainan dahil patay na oras at walang masyadong tao. He's quite a public figure now so his liberty is limited. Habulin ng atensyon kaya't kontrolado na ang galaw.


"You guys always eat the same thing," imbes na sa counter ay sa lamesa nila ako naunang dumiretso. "Atleast order some rice you know,"


Paano ba naman kasi ay chicken lang ang kinakain ng dalawa. Each of them has a one whole bucket of chickenjoy for themselves. Bukod sa drinks at dalawang bucket na iyon ay wala nang ibang laman ang lamesa nila. Iyon lamang.


"Ba't ganyan mata mo?" Davion shot back instead.


Napatikim ako at nag-iwas bago pinasok ang kamay sa bulsa ng hoodie.


"Order muna 'ko," wika ko saka tumalikod.


I ended up ordering another bucket of chicken for myself. Paghindi naubos ay nandyan naman sila Cal o kaya ite-takeout ko na lang. Mabilis namang naihanda iyon kaya't pumihit na rin ako pabalik sa mga kaibigan.


Cal was wearing a baseball cap. Si Davion naman ay naka-sweatshirt. Akala ko'y naitaboy ko na ang topic kanina pero hindi pala.


"Ba't ka umiyak?" it was Cal who asked this time.


Umikot ang mata ko at iniba na lang ang usapan.


I don't want them to worry. Huling beses nila kong nakitang ganito ay tatlong taon na ang nakakalipas. I wasn't even planning to vent it out to them during that time. Pero imposible gayong sila ang lagi kong kasama. Nalaman tuloy nilang lahat ang tungkol sa amin ni Ali nang wala sa oras. They've seen me devasted over him.


Nailayo ko naman ang usapan. Akala ko'y tuluyan na akong nagtagumpay pero naligaw pa rin doon pabalik ang paksa.


"I heard you were working with Severo," Davion eventually muttered before going on with his food. "You fine?"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon