15th

20.7K 938 176
                                    

Dadalasan



Past noontime na nang makabalik kami sa Calle Nueva. Kinalas ko ang seatbelt nang ihinto ni Ali ang sasakyan nya sa tapat ng bahay nila.


"When's your follow-up schedule?" wika ko pagkababa. "Samahan ulit kita kapag pwede ako that day. I'll give you a tour sa campus,"


"They said they'll email me the date." nakababa na rin siya at ngayo'y umikot na sa banda ko.



Ali offered me his phone. I curiously stared at it before lifting up my head to meet his eyes.


He averted my gaze, adam's apple subtly moving.


"Type your number,"


Dahan-dahang umangat ang kilay ko. Muling bumaba ang tingin sa nakalahad niyang kamay.


"You told me you have to contact me," agap niya. "I don't use facebook often so.."


Sumulyap akong muli sa kaniya ngunit hindi ko pa rin nahuli ang mata niya.


Tumango ako sa sinabi niya saka tinanggap ang phone upang itipa roon ang sariling numero. Binalik ko rin agad sa kaniya iyon nang matapos.


He then rang my phone using his number. I made sure to save it as well.


Matapos ang palitan ng numero ay minabuti ko na ring magpaalam sa kaniya. I told him to lock the gate and tell me kung kelan siya ulit pupunta sa school kapag alam nya na.


Although I doubt he'll really tell me. I mean.. I know he prefers doing things alone. Pinalampas niya lang marahil ang pagsama ko ngayon dahil hindi pa siya pamilyar sa eskwelehan. But now that he got to visit it already, he might just rather go on his own the next time.


I was already about to turn and leave when he cleared his throat.


Napahinto ako dahil don at muling humarap sa kaniya. Umangat ang dalawang kilay ko bilang pagtatanong.


It was his usual stoic expression staring back at me.


"About our agreement," panimula niya.


My eyes slowly broadened in enlightenment.


"Oh, right." saad ko nang maalala ang tungkol doon. "How do you want us to carry that out?" tukoy ko sa gusto nyang mangyari.


Nakatingin lang siya sakin. "You said you have to exercise your voice for your upcoming commitments.."


I'm not sure if it was a question or a statement.


"Yeah.."


Propesyonal siyang tumango. "Come over every time you have to practice. Dito mo na basahin ang mga piyesang aaralin mo. I'll try to sleep while you read,"


Pormal na pormal lamang ang pagkakasabi niya noon. Napakurap-kurap ako. Kung  makapagsalita sya ay animo'y kasunduan sa negosyo ang pinag-uusapan namin.


"Uh.. okay. Siguro ay tuwing pagkatapos na lang ng basketball training. Mayroon na kasi ulit simula bukas,"


Nagkasundo naman kami roon. I went home right after. Naabutan ko pa sina Davion at Cal sa bahay. They were playing video games with Aki.


"San ka galing?" nakatutok sa screen ang mata ni Cal nang magtanong.


Nilapag ko ang bag sa couch. "School. Sinamahan ko mag-enrol si Ali,"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon