Calle Nueva
"We humbly ask you Lord for us to have a safe return back home to our families. May you be our guide and our protector on the journey we are about to take,"
Tahimik sa loob ng sasakyan— tanging boses lamang ni Astraea ang maririnig. Mariin ang pagkakapikit ng mata ko habang nakayuko at nakadaop ang parehong palad sa ibabaw ng hita.
"Watch over us. Protect us from accidents. Keep us free from harm to body and soul."
Bahagyang pumiyok ang tinig ni Rae at dinig ko ang munting pagpigil ng tawa mula sa harap. Inangat ko ang ulo habang nakadilat ang isang mata. I saw Calcifer trying his best not to laugh.
Siniko siya ni Adea at sinundan iyon ng tahimik na saway mula sa gilid ko. Sinilip ko ang katabi at naabutan ang seryosong tingin ni Elcid sa kanila bago muling binalik ang atensyon sa pagdadasal.
"Please bless the journey which we undertake, that we may reach its end; and that, returning safe and sound, we may find all at home in good health. Through Jesus Christ, our Lord.. Amen,"
We ended the prayer with the sign of the cross. Nang dumako sa harap ang tingin ko ay tinatapik na ni Cal si Astraea.
"Good job, Rae-rae." he said while ruffling her hair. Inuuto na naman ang bata matapos niyang ipasa rito ang trabahong para dapat sa kaniya. We told him to lead the prayer earlier but he convinced Rae to do it instead.
"Sus, tinawanan mo nga kanina eh." Adea snapped at him. Sa gitna nilang dalawa ni Rae nakapwesto si Calcifer.
"Napigilan ko naman ah?" Cal chuckled. "Saka hindi naman yung prayer ang tinawanan ko."
Sinimulan na ni Aysen ang makina ng sasakyan at hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pag-andar nito.
Pinilig ni Adea ang ulo. "Elcid's gonna kill you. Nagdadasal na't lahat, puro ka pa rin kalokohan."
"Hmm? You can't have Elcid and Kill in one sentence, Dea. The holiest saint of all would never.."
Umirap si Adea.
"Yeah right. He can't even mutter a curse."
Binalik ko ang pagkakasandal ng ulo sa backrest habang napapangiti.
"Sleep?"
Inabot ni Elcid ang unan sa kabilang bahagi ng pwesto ko upang ayusin ang pagkakalapat noon.
"Yeah," I answered.
Nilingon ko siya at naabutan ang paglipat ng mata niya mula sa ginagawa patungo sa akin. Nang makuntento sya roon ay umayos na muli ng upo at binawi ang kamay mula sa kabilang gilid ko.
"We'll be home around seven," sinilip nya ang relo. "I'll just wake you up by then.."
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
Storie d'amoreSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...