6th

22.3K 927 154
                                    

Mainit




Kinabukasan ay tanghali na nang magising ako. Sinadya kong hindi gumising nang maaga dahil wala namang practice ang team ngayon.


Out of habit, I reached for my phone first before getting up on bed. Pasado alas-onse na ng tanghali.


I saw few new messages on my inbox. Binuksan ko lamang ang mula sa mga rehistradong numero.


Elcid:

Nakauwi na ko, Einj. Got caught up in traffic. Sorry ngayon lang. Are you still up?


Rae:

Ate Einj, super thank you for the takeouts!! :((


Mayroon ding ngayong umaga lamang pumasok.


Adea:

Tita said you're still asleep. Can't hug you goodbye then. Goodluck with the coming practices. Text me if anything happens.


Cal:

Einj pabreakfast senyo la ko kasabay samen


Nagtipa ko ng reply para sa bawat isa sa kanila. Nang mapadalhan silang lahat ng mensahe ay babangon na sana ako nang may maalala.


I squeezed my thumb before deciding to click the Facebook icon. I carefully scrolled on my notifications to check something.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang hindi makita ang hinahanap. Binisita kong muli ang profile ni Alister.


Friend request sent.


Ganun pa rin ang nakalagay. It wasn't deleted nor accepted. Ipinagkibit-balikat ko iyon at tumayo na para magtungo sa bathroom.


Lunch na nang makababa ako kaya't sinabayan ko na sina Mommy sa pagkain.


"Aki," nginuso ko ang pitcher. "Pass me the juice."


Flexible ang schedule ng parents ko sa work kaya't madalas ay nakakasalo namin sila sa hapag.


"Calcifer was here earlier," Dad said. "He ate breakfast with us,"


I nodded. "He actually texted me. Wala raw syang kasama sa bahay nila kanina,"


Lumingon si Mommy kay Daddy. "Is Arthur still hard-pressed with the collaboration?" she asked, referring to Cal's father.


Tungkol sa negosyo na ang sunod nilang pinag-usapan kaya't hindi na ko nakasunod. Ang alam ko lang ay parehong abala palagi ang parents ni Cal. He's often left alone at home since he's a single child. He has a lot of cousins though. Siya ang bunso sa kanilang magpipinsan from both side of his parents.


Matapos kumain ay sa may pool area muna ako tumambay habang umiinom ng yakult. I have a weird habit of drinking it right after breakfast or brunch. I was sitting on the patio chair when I heard Mom's voice.

Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon