Kainis
Na-extend ang confinement ng mama ni Elcid sa ospital nang ilang araw. She had to stay there in order to receive her treatment.
Mabilis na lumipas ang mga araw na iyon. Umabot na sa nalalapit na pagbabalik eskwela namin ngunit hindi pa rin ito nakakalabas. Kinakapitan ko na lamang ang pag-asa mula sa sinabi ni Elcid na nalalapit naman na raw ang pag-uwi ni Tita ayon sa doktor.
"What's your first period?" tanong ko kay Ali, isang araw bago ang pasukan.
I was peeling some apples on the counter top while seated on their kitchen stool. Siya naman ay nasa tapat ko at siyang naghihiwa noon.
He shot me a look.
"Yours?"
Bumagsak ang balikat ko. "7 AM,"
Iniisip ko pa lang na gigising ako ng alas-sais ay nanghihina na ako. I'm not much of a morning person.
Kung pwede lang sanang puro hapon na lang ang klase ko ay malamang ganun nga ang kinuha ko. Kaso ay may mga major subjects kasi ako na morning sections lang talaga ang available. I had no choice but to take what's on the table.
Hindi siya agad na nakatugon. Nanatili pa ang tingin niya sakin bago ito bumagsak sa ginagawa niya.
"Ganun din ang akin."
Nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Really? That's great! Sabay na tayo kung ganon!" nanlalaki pa ang mata na sabi ko.
Tomorrow's the first day of classes and I decided to just hitch on him when going to school.
Hindi ko rin kasi gustong nagdadala ng sasakyan sa school. Madalas ay nakikisabay lang ako sa mga kaibigan. Iba-iba depende sa kung sino ang kapareho ko ng pasok. Tapos ay nagpapasundo na lang sa driver kapag hindi ko kasabay ng uwian ang sinuman sa barkada.
Oddly, days after my 'oversleeping incident', I feel like I somehow grew closer with Ali.
Madalas pa rin kami magkasama at sa mga panahong iyon, pakiramdam ko'y may unti-unting nagbabago sa kaniya. Hindi ko lang matukoy. But he's getting a little less.. indifferent each day.
"Goodluck sa first day bukas, Ate!" Milli called that same night. "How I wish college na rin ako para madali kong masilayan si Ali," she chuckled.
We've been in touch ever since she sort of went out with Ali. Sa ilang beses na iyon ay lagi siyang nagkukuwento kung gano siya kasaya. She never forgets to thank me, saying it wouldn't be possible without me.
With Milli's ecstatic reaction everytime, I sometimes wonder how is Ali when he's with her and what he does for her to feel that way..
"Nasa parehong school lang naman tayo ah?" halakhak ko. "It's impossible for you two to not bump into each other even once,"
"Yeah.. pero mas magkakalapit pa rin kasi ang mga college buildings kaysa sa high school .." she said in dismay.
Hindi na naging mahaba ang kwentuhan namin ni Milli sa telepono. She thought I should rest early for school so she bid goodbye soon.
I got a proud expression plastered on my face when I got into Ali's car the next morning.
"Maaga 'ko ngayon ah?" I teased before accepting the yakult he's handing me.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...