The burial
What happened in the parking lot is like a lucid dream to me.
Minsan lang ako umiyak, but when I do, pakiramdam ko humihiwalay ang kaluluwa sa katawan ko. Especially when I cry so hard. Exhaustion consumes my being and my surrounding seems unreal.
Ramdam ko ang kiliti sa mga munting galaw ng daliri ni Ali sa palad ko habang nakahiga kami sa kama niya. Plano ko lang maidlip kanina pero ngayon ay medyo nawawala na ang antok. Pahinga lang ata talaga ang kailangan ko. At siya 'yon.
"Please don't ever ask me to do favors like that again.." banayad na wika niya, patuloy ang malumanay na pagguhit sa palad ko.
Kahit nakauwi na kami ay tungkol pa rin sa nangyari kanina ang pinag-uusapan namin. Marahan siyang bumuntong-hininga.
"I don't wanna give you any reason to feel less. You're so much more than I could ever ask for, Einj. I'd like to lavish you with love and assurance instead of doubts. Ayokong pagdudahan mo ang nararamdaman ko para sayo kailanman. What I want to give you is certainty, not jealousy."
Lahat ng sinabi niya noong gabing yon ay tumatak sa isip ko.
"In this relationship, I want you to be the most secured that you can be. To get the most assurance that you can get. I ought to make you feel all the love that I can give."
Bawat salita'y nanunuot at bawat kataga'y tumatagos.
"Hanggang sa hindi na sumagi sa isip mo na may hihigit pa sayo para sakin. Na meron pang papantay o papalit sayo. Dahil ikaw lang naman. Ikaw lang ang para sakin,"
Somehow, I know his words boosted something in me. Kaya naman kompiyansa ako para sa paghaharap namin ni Milli kinabukasan.
Ngayon kami nakatakdang magtagpo. Sa wakas ay makakausap ko na sya tungkol sa bagay na matagal ko nang gustong sabihin.
"Hindi ako pwedeng magtagal, Ate. Wag na lang tayong umalis ng campus. Let's just order something. Tapos sa garden na lang siguro," iyon ang sabi nya sa telepono tungkol doon.
Agad naman akong sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.
Kaso nga lang ay hindi na ata umabot sa breaktime ang baon kong lakas ng loob. I can feel my heart beating faster than usual when I reached the garden.
Nauna akong dumating doon. Wala pa si Milli nang umupo ako sa wooden chair. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing halos walang ibang tao roon. Mayroon man ay malayo naman sa pwesto ko at dadalawa lamang.
Ilalapag ko pa lang sana ang inorder na inumin para saming dalawa nang marinig ko na ang boses ni Milli.
"Ate Einj!"
She looks blooming as she makes her way towards me. Maliwanag ang mukha nang hawiin ang buhok bago umupo sa tabi ko.
Agad kong inabot sa kanya ang isang frappe matapos siyang batiin. She said thanks upon receiving it.
"May afternoon class ka pa ba?" tanong ko habang tinutusok ang straw sa drinks.
"Yup. 1:30PM yung next," aniya at binuhay pa saglit ang phone para tignan ang oras.
Natigilan ako nang matanaw ang lockscreen niya. It was her picture with Ali yesterday. Nanuyo ang lalamunan ko.
I sipped from my cold coffee to replenish my drying throat. Magiliw siyang nagkwento tungkol sa mga nangyari kahapon. Tahimik akong nakinig sa masayang karanasan niya.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...